THREE BIG BOXES (Part 2)

38 1 0
                                    

-Princess’ POV-

Nasa New Westton University kame ngayon ni Christian..

“Bakit tayo ngayon nandito sa school.?” – Christian

“Magpapatulong ako sa iyo, alam naman nating mas matagal ka na kasya sa akin dito sa school na ito at mas kilala.”

“So.?” – Christian

“Pupunta tayo sa Registar Office para kunin yung address ng bahay ni Michaela at alam kong hindi iyon basta-basta ibibigay sa akin, maliban na lamang kung ikaw ang kukuha.” – Princess

“Bakit ako.? – Christian

“Huwag ka na ngang magpanggap dian, kanina pagkatapos mong magpakilala sa akin ay nag-text kaagad ako sa isang private detective para alamin kung sino ka at ano ang DevilBats, alam mo na for security purposes.” – Princess

“Wow, grabe ka naman.? Parang sinabi mong wala kang tiwala sa gwapong pagmumukha kong ito ah.?” - Christian

“Ewan ko sa iyo.! Kaya huwag ka ng magpanggap dian dahil alam kong malakas ang inpluwensya ninyo sa loob at labas ng school na ito.” – Princess

“Okay Okay, tutulong na tutulong na, pero pwede bang malaman kung bakit mo kailangan.?” – Christian

“Ipapa-kidnap ko siya at ipapatubos ng 1 billion dollar sa mga magulang niya..” – Princess

HAHA – (Evil laugh)

“Talaga.?” – Christian

“Syempre joke lang, basta, huwag ka ngang tsismoso dian, SECRET muna iyon sa ngayon.” Pagtataray na sagot ko..

Lakad lakad..

Lakad lakad..

Lakad lakad..

Sa wakas dito na kame sa tapat ng pintuan ng Registar Office, pumasok si Christian at nag-paiwan na lamang ako sa labas at makalipas ng ilang minutes ay lumabas na rin si Christian ay may inabot sa akin na papel na may nakasulat na,

“I LOVE YOU”

“Are you kidding me.?” – Princess

“Ito naman hindi mabiro, baliktarin mo yang papel na iyan na sa likod ang address.” – Christian

“Okay thanks. Sige una na ako sa iyo, may gagawin pa ako.”

“What.? Yun lang.? Wala man lang kiss.?” – Christian

“Kapal mo.! Kiskis mo dian sa pader.” At umalis na kaagad ko..

-Reyes’ Residence-

5:38 PM

Kararating ko lang sa bahay ng tita ko. Grabe, nakakapagod ang araw na ito, kumain at namili lang naman kame, ay sorry I mean sila pala ang namili. Pero first time ko lang makaranas na ganun, hindi naman sa ignorante ako, pero ito yung first time ko na kumain sa mamahaling restaurant at pumasok sa mga store ng damit na mga mamahalin..

Ganun pala ang mga mayayaman, parang piso lang ang 1000 sa kanila..

“Hoy.! Maghugas ka nga ng pinggan.” – Alessandra

“A-Ah oo sige, magpapalit lang ako ng damit.”

“Paki-bilisan lang at may iuutos pa ako sa iyo.” – Alessandra

“Sige.” Sagot ko..

Binilisan ko kaagad umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay at bumababa sa kusina para maghugas na..

“PAKI-GAWAAN NGA AKO NG JUICE AT PAKI-DALA SA KWARTO KO, NGAYON NA.!” – Sigaw ng pinsan ko sa akin..

Ganyan talaga yang pinsan ko, sinasadya niya talaga na utusan ako habang may ginagawa, doon siya masaya eh, kaya sumusunod na lang ako para wala ng gulo pa..

The Angel Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon