-Roxas’ Mansion-
-Terrence’s POV-
8:23 AM
Tenenen-tenenen (Tunog yan ng phone ko, may nagtext)
Good morning captain, wala tayong klase ngayon may emergency faculty meeting daw si ma’am, kaya matulog ka na lang, halata namang ayaw mong pumasok..
Sige yun lang..
Text message mula kay David..
Mabuti naman at nakiki-ayon sa akin ang panahon, tinatamad kasi ako ngayong pumasok, hindi naman ako pala-absent pero tinatamad lang talaga ako ngayong pumasok, ewan ko ba..
Tumayo ako at lumapit sa intercom..
“Butler, paki dalhan ako dito ng breakfast sa room.”
Habang wala pa ang breakfast ay maliligo muna ako..
Habang naliligo at nagsasabon ako meron akong biglang naalala..
Yung babae na mapangahas na pumasok sa tambayan ng DevilBats, parang biglang kumulo ang dugo ko, ano nga bang pangalan nun, M-Michelle.? M-Miccah.? M-M-Michaela.?
Ahhh, bahala na nga, basta yari ka sa aking babae ka..
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at pumunta sa lagayan ng damit ko para magbihis, sakto namang may kumatok..
“Young master, na rito na po ang inyong breakfast.” – Butler
Bumukas ang pinto pumasok si butler at ang waiter namin sa bahay, inayos ang pagkain sa table at lumabas na rin..
Tapos na ako magbihis at na upo sa tapat ng pagkain..
Ayaw kong kumain sa dining area sa ibaba ng mag-isa, tinatanong mo siguro kung bakit, ikaw ba naman ang kumain sa isang napakahabang mesa, sa tingin ko halos dose-dose kada side ang pwedeng kumain, hindi ka ba naman mag-mukhang tanga nun at saka mas nararamdaman ko lang lalo na nag-iisa ako..
Tapos na ako kumain at tinawag muli si butler para ipaligpit ang pinagkainan at ipalinis ang kwarto ko..
Nandito ako ngayon sa entertainment room namin nanunuod ng The Hobbit habang nililinis ang kwarto ko, maganda pala itong palabas na ito, hindi kasi ako mahilig manunuod ng mga movie, hindi ko hilig..
Nang pumasok na naman sa isip ko yung babae na iyon, bigla na namang kumulo ang dugo ko at nabato ko ng hawak kong baso ang malaki naming flat screen tv ..
Booogsshh.. Basag syempre..
Hindi ko mapigilang mainis, ako kasi yung tao na hindi magiging okay hanggang hindi nakaka-ganti at wala akong paki-alam kung sino pa siya, si Terrence Kelvin Roxas yata ito.!
“BUTLER.! Paki handa ng kotse ko at paki palitan ng TV dito sa entertainment room.” Tawag ko kay butler sa intercom
Papalabas na ako ng mansion ng maka-salubong ko si Inday..
“Good morneng ser, aales po ba kayo.?”
Hindi ko pinansin, basta badtrip ako ayaw kong makipag-usap at saka hindi ako nakikipag-usap sa mga kasambahay, dahil binabayaran sila para hindi magtanong kungdi magtrabaho..
“Ser.? May prolema po ba kayo.?”
Hindi ko mapigilang sagutin ang tanong niya sa sobrang inis ko..
“Yes, IKAW.! Can you please get out of my way and do your job.”
“Hala ka ser.? Ako kaagad ngayon nga lang po tayo nagketa at saka ser pwede po bang tagalog lang, hende ko kase maentendehan.”
BINABASA MO ANG
The Angel Of The Devil
Teen Fiction"The more you hate, the more you love." Ano ang mangyayari kung ang dalawang magkaibang mundo na ginagalawan ni Terrence Kelvin Roxas (Daniel Padilla) at Michaela Torres (Kathryn Bernardo) ay biglang magtagpo.?