SURPRISE (PART 2)

14 0 0
                                    

Makalipas ng masasayang araw ng pag-iikot sa Singapore..

-Michaela's POV-

6:57 PM

Day 6, last na gabi namin dito sa Singapore, haisk, ang sarap pala ng buhay ng mayayaman, punta dito at lipad na lang doon kung gustuhin nila..

Papunta ako ngayon sa roof top ng hotel, nandoon na silang lahat ako na lang ang wala, meron kasing konting salo-salo (dinner) kameng lahat before umuwi ng Pilipinas bukas..

Tinggg.! Tunog yan ng elevator..

Hala ka.? Isang floor na lang at rooftop na, huminto pa, kahit anong pindot ang gawin ko ay ayaw ng magsara..

Hala ka, nasira ko yata.?

No choice ako, kailangang gumamit ng hagdanan..

Lakad lakad..

Lakad lakad..

Lakad lakad..

Nang mapansin ko yung hagdanan papuntang rooftop ay may red carpet at may mga red roses pang nakakalat..

Ang sweet naman ng nagpagawa nito sa girlfriend o asawa niya, monthsary or anniversary yata o baka naman proposal.?

Dadaan ba ako doon o hindi.? Baka pagalitan ako ng nagpaayos nito.? Baka masira ko yung magandang pagkaka set-up..

Nang makarinig pa ako ng isang magandang tunog ng violin..

Hala, paano na ito.?

At nakita ko si Christian na bumababa ng hagdanan..

“Uy, umalis ka diyan.! Baka magalit yung nag pa set-up.” Sabi ko kay Christian..

Nakalapit na siya sa akin..

“Ako kaya ang nag pa set-up niyan para sa iyo, Tara na sa taas.?” – Christian

“H-Huh.? I-Ikaw.? P-Para sa akin.? B-Bakit.?” Tanong ko na naguguluhan..

Kailangan ko pa naging boyfriend si Christian.? At monthsary ba namin ngayon.? O di kaya magpropose na siya sa akin.? Anong nangyayari universe.? Hala.? Hindi ko alam ito.?

Hehe, pasenya na po, malikot lang ang isip ko..

“Tara.?” – Christian

“S-Saan.?” Tanong ko sa tanong niya..

“Sa impyerno, joke lang syempre sa rooftop.” – Christian

At inalalayan niya na ako paakyat sa itaas..

Pag-akyat namin ang dilim sa itaas, patay ang mga ilaw pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtugtog ng violin..

Biglang bumitaw sa pag-alalay sa akin si Christian at may binulong..

“Dito ka lang.” – Christian

Makalipas ang 1,000,000 years na paghihintay may spotlight na tumutok sa akin tapos may biglang umilaw na dalawang linya sa harapan ko na parang gabay na duon ako maglalakad..

Hindi naman ako ganun kahina ang utak para hindi ko maintidihan ang gustong iparating ng mga ilaw, kaya naglakad na ako, pero honestly nahihiya ako..

Habang naglalakad ako may isang spotlight muli na bumukas at nakatutuk naman ito sa isang silya na nakalagay sa isang maliit na stage na sobrang ganda ng pagkaka-ayos..

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa stage at naupo doon sa silya nang bigla sabay na mamatay yung spotlight, huminto ang mga nag viviolin at may pumailang-lang na tugtog..

“And I never thought I’d feel this way
And as far as I’m concerned
I’m glad I got the chance to say
That I do believe, I love you”

“And if I should ever go away
Well, then close your eyes and try
To feel the way we do today
And then if you can remember”

Parang feeling ko may mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko, naiiyak ako..

T_T

May bumukas na malaking screen ng projector at may video na nag-play puro picture namin ang nakikita ko, may kuha mula sa HongKong, Thailand at dito sa Singapore, hindi ko na mapigilang umiyak..

T_T

“Keep smiling, keep shining
Knowing you can always count on me, for sure
That’s what friends are for
For good times and bad times
I’ll be on your side forever more
That’s what friends are for”

Mas lalo akong naiyak, paano ba naman, isang tulad ko, simple lamang kumpara sa kanila pero tinuturing nila akong kaibigan at ramdam kong nandoon yung pagpapahalaga nila sa akin, nakaka-iyak talaga..

T_T

Tuloy tuloy lang ang pag slide ng mga picture namin, may mga kuha kameng mga mukhang ewan lang, may kuhang stolen at may mga kuha kameng mga tulog sa byahe at syempre may mga kuha kameng mga naka-post naman ng maayos..

Sarap sarap sa feeling sana hindi na lang matapos na ganito, pero aminin man natin o sa hindi pagbalik namin bukas ng Pilipinas ay baka ma-bully na naman ako especially sa school..

Naputol ang aking pag-iisip ng bumukas ang ilaw sa buong rooftop at nakita ko sila Princess, Jhael, Sarah, Angel at Georgia na nakatayo malapit sa akin at may hawak na mga roses na pula at nag-iiyakan na lalo ko namang ding ikinaiyak..

T_T

T_T

T_T

“Keep smiling, keep shining
Knowing you can always count on me, for sure
That’s what friends are for
For good times and bad times
I’ll be on your side forever more
That’s what friends are for”

Lumapit sila sa akin at isa-isang ibinigay ang flower na hawak nila at syempre niyakap ako..

Si Christian nanduon din, pero syempre lalaki pinanindigan talaga yung pagiging manhid, what I mean is yung hindi pag-iyak pero kita naman sa mata na mamula-mula na, parang nagpipigil, lumapit din siya at inabot yung flower na hawak niya sa akin at naki-pag apiran sa akin..

Lord, THANK YOU SO MUCH po sa mga kaibigan kong ito..

Sinabayan ni Christian yung kanata hanggang ang lahat ay sumabay na din..

“Keep smiling, keep shining
Knowing you can always count on me, for sure
That’s what friends are for
For good times and bad times
I’ll be on your side forever more
That’s what friends are for”

Natapos na yung tugtog at nakita ko silang lahat pumunta sa isang table na may mga nakapatong na mga box na naka ballot ng gift wr, kinuha ang bawat isa at bumalik sa harap ko..

“Friend, para sa iyo.” Sabi ni Princess sa akin habang nagpupunas ng mga luha..

“Sobra sobra na ito.”

“Huwag kang tatanggi magtatampo kame.” – Sarah

“Oo nga, tama si Sarah.” Pag sang-ayon ni Jhael

“Tanggapin muna kasi para makakain na tayo, nagugutom na ako.” – Christian

“Ano ba yan panira ka naman ng moment Christian.” – Georgia

“Michaela sa Pilipinas muna buksan yang mga gift namin, okay ba.? – Angel

“O-O-Okay.” Nahihiyang sagot ko..

“TARA NA.! Kainan na.!!!” – Christian

“Tara na nga, parang isang taon na hindi nakakain itong kasama natin eh.” – Sarah

“HAHAHA” tawanan naming lahat..

Inalalayan ako ni Christian pababa ng stage at dumiretson na kame sa table na naka set at nagsimula ng kumain..

Ang sasarap ng mga food, pang mayaman talaga..

THANK YOU LORD sa lahat lahat..

^_^

The Angel Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon