THE ANGEL MEETS THE QUEEN BEE & THE DEVIL

35 1 0
                                    

-Michaela’s POV-

Kanina pa ako paikot-ikot sa school na ito, hindi ko makita yung registar office para i-confirm ko na yung room at section ko, hindi lang kasi sobrang ganda kungdi sobrang laki din. Yung pinsan ko naman palang si Allesandra eh, hindi ko na alam kung saan nagpunta, pagkapasok na pagkapasok kasi namin sa university ay nagmamadali na akong naglakad, ayaw ko kasing ma-late, specially first day of school pa naman.

Lakad lakad..

Lingon lingon sa paligid..

Lakad lakad pa more..

Lingon lingon..

Sige pa, lakad lakad pa ng kaunti ng biglang may na bangga ako, na kanya ding ikinatumba..

“Ouch.!”

“Sorry po miss.” Paghingi ko ng despensa at akmang tutulungan ko siyang tumayo.

“What are you doing.? Don’t touch me, I can manage, hindi ako stupid like you.”

Nakatayo na siya sa kanyang pagkakaupo dahil sa hindi ko sadyang pagbangga

“Sorry po ulit miss.” Sabi ko.

“What.? That’s it.?” Pagtataray nito

^_-

“Pasensya na po talaga miss, hindi ko po sinasadya” Paghingi ko muli ng despensa

“Hindi mo ba ako kilala miss.?” Maarteng pagkakasabi nito

Nakayuko lang ako, dahil nahihiya talaga ako sa dami ng mga estudyanteng nakatingin na sa amin.

“Hala, patay kang bata ka.”

“Makakalasap ka ngayon ng impyerno dito sa lupa.”

“Magtago na siya.”

“Mukhang bago lang siya dito, hindi niya kilala ang queen bee.”

Yan yung mga naririnig ko sa paligid ko. At saka ano daw.? Queen bee.? May-ari kaya siya ng bee farm, hala, patay nga ako nito, lulusubin ako ng sandamakmak na bubuyog.? LORD HELP PO.!

“I’m asking you.?”

“H-Hindi po.” Nauutal kong sagot

“Anyway, let me introduce myself. I am Stephanie Aguilar, ang anak ng nag mamay-ari ng school na ito at ang queen bee. And you are.?”

“A-Ako p-po si M-Michaela Torres, new student po dito.” Pakilala ko habang nakayuko pa rin sa sobrabg hiya at takot, bakit kasi sa dinami-dami pa ng mababangga ko ang anak pa ng may-ari ng school na ito.

PAKTAY talaga ako nito.

“Oh, I see.? All students, can I have your attention please.? Meron tayo ngayong new student sa school na ito, can you please give her a warm welcome na hindi niya makakalimutan.?”

Nagulat ako ng may biglang may tumama sa likod kong papel na lukot at sinundan pa ng papel muli at sa ulo ko naman ito tumama hanggang sa sunod sunod na ang mga bumabato.

Maluha-luha na ako hindi dahil masakit ang mga papel na tumatama sa akin kungdi dahil sa hiya na aking nararamdaman. Gusto ko ng tumakbo kaso may biglang may humawak sa magkabilaang braso ko at ang sunod na naramdaman ko ay may malamig na tubig ang dumadaloy pababa mula sa ulo ko.

“I hope you enjoy your warm welcome.! Bye, nice meeting you.” – Stephanie

At pagkatapos ng lahat ng iyon ay narinig ko ang mga estudyante na nagtatawanan ng malakas at iniwan na akong mag-isa.
Bigla na lang akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko lang ay makaalis sa lugar ng kahihiyan.

Takbo takbo..

Takbo takbo..

Takbo takbo..

Boogsshhh..

May nakita akong pintuan, binuksan ko iyon at pumasok, madilim yung kwarto nakapatay kasi ang ilaw, umupo ako sa isang sulok at nag-umpisang umiyak ng umiyak, hindi ko mapigilan, nahihiya at naawa ako sa sarili ko.

T_T

-Terrence POV-

Boogsshh..

o_O

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto, hindi ko maaninag kung sino ang pumasok dahil pinatay ko ang ilaw right after lumabas ng mga DevilBats. Sisigawan ko sana ng bigla kong marinig na para siyang umiiyak, at saka hindi iyak ng lalaki kungdi ng isang babae.

“Sino ka.?” Tanong ko na walang kabuhay-buhay..

Halatang para siyang nagulat, bigla kasing napatayo

“Sino ka.? Bakit ka na sa loob ng kwartong ito.?

“S-Sorry (sobbing), hindi ko po sadya (sobbing).?”

Tumayo ako para buksan ang ilaw.

“A-Ano pong g-agawin ninyo s-sa akin.? L-Lalabas na p-po a-ako, p-pasensya na po t-talaga.”

Narinig kong sinasabi niya na parang nag-papanic ang boses, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi yun sa ganung voice.

-Michaela’s POV-

Umiiyak ako ng umiiyak, awang-awa talaga ako sa sarili ko eh, hindi ko expected na mapapahiya ako ng ganun sa harapan ng maraming estudyante. Tatanga-tang kasi ako, kakaasar naman talaga oh..

Nang biglang may magsalita..

“Sino ka.?”

O_O

Nagulat ako kaya bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko..

“Sino ka.? Bakit ka na sa loob ng kwartong ito.?

Kahit na nagulat, sinubkan ko pa ring sumagot.

“S-Sorry (sobbing), hindi ko po sadya (sobbing).?”

Mas nagulat ako sa sunod na ginawa ng nag mamay-ari ng boses, tumayo siya mula duon sa pinag-kakahigaan niya at papunta sa direksyon ko. Bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko, ito na ba ang pinaka-malas na araw ko, napahiya na nga, magagahasa pa.

OH MY GEE.!! Anong gagawin ko.?

Ito na malapit na siya..

Malapit na..

Malapit na..

“YAAAAAAAAAAAHHHHHH.!!!!” Bigla ko siyang na sipa sa kanyang pinaka kakaingatan sabay takbo palabas ng pintuan.

“ANONG PROBLEMA MONG BABAE KA.! HUMANDA KA SA AKIN, MAGTAGO KA NA.!”

Rinig kong sigaw ng nag mamay-ari ng boses habang tumatakbo ako papalayo sa kwartong iyon.

-Terrence POV-

Malapit na ako sa switch ng ilaw para ito ay buksan, medyo naiirita na rin kasi ako sa babeng ito, gusto ko na siyang palabasin baka anong isipin ng mga estudyante o ng mga DevilBats pag nakita o nalaman nilang may babae dito sa loob at kasama ko, baka pag-isipan pa ako ng masama ng mga iyon.
Nang biglang..

“YAAAAAAAAAAAHHHHHH.!!!!”

Aray.! Parang may nabasag yata sa pinaka kakaingatan ko. Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit. At nakita ko siyang nagmamadaling tumakbo sa pintuan at tumakbo palabas.

“ANONG PROBLEMA MONG BABAE KA.! HUMANDA KA SA AKIN, MAGTAGO KA NA.!” Sigaw ko.

Dahan-dahan akong tumayo para abutin ang switch ng ilaw para i-on..

Click..

Talon talon..

Talon talon..

Talon talon talon..

Napatingin ako sa nakakalat na mga papel sa sahig, dinampot ko at binasa ang nakasulat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NAME: MICHAELA TORRES

SEX: Female

BIRTHDAY: November 5, 1998

CONTACT: 0927*******

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yari ka ngayong babae ka.!

The Angel Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon