THE DEVILBATS

37 0 0
                                    

-DevilBats Tambayan-

Ecckkkk.. (Huwag ka tunog yan ng pintuan)

Sunod sunod nagsipasukan ang mga zombies na kagaya ng palabas sa “Walking The Dead”, na gutom na gutom para kumain ng laman ng tao. Nakita nila si Terrence na nakahiga sa couch at sinugod para kainin ang lamang loob, hehe joke lang, ano ito.? may galit ba si author kay Terrence, lagi na lang kasi siyang pinapatay. Haha.!

Anyway, back to reality..

Sunod-sunod nagpasukan sa tambayan sina John Paul, Sean, Peter, Kevin at Phillip na mga DevilBats..

-John Paul's POV-

“Guys.! Look who’s here.?” – Sean

“Wow, ang aga yata ni captain ah.? Excited yata.?! Haha..” – David

“Ssshhh, huwag kayong masyadong maingay baka magising si captain at lahat tayo matamaan ng ka-demonyohan niyan.” Pagpapaalala ni Peter.

Haisk, totoo ang sinabi ni Peter, ayaw na ayaw ni captain na naiistorbo siya, naalala ko dati yung naalimpungatan siya sa kanyang pagkakatulog duon sa kwarto sa mansion nila, dahil birthday niya, gusto sana namin siyang i-surprise. Kaso, ayun nga, dahil ayaw niyang naiistorbo, tig-dadalawang suntok lang naman sa sikmura ang pasasalamat niya sa amin.

“Philip, paki-check mo nga yung ref kung may food ng mga stock, nagugutom pa rin kasi ako, si mommy kasi pinagmamadali akong pinaalis sa mansion baka daw ma-late pa ako, hindi tuloy ako nakakain ng maayos.” – Kevin

“Brad, wala pang laman yung ref natin baka nakalimutan o mamaya pa lalagyan..?” – Philip

ANO.?” – Kevin

Ngeks, ang O.A. talaga ng kaibigan naming ito, akala mo hindi nakakain ng sampung taon kung makasigaw.

ANONG SILBI NG BINABAYAD NATIN SA KANILA KUNG HINDI NAMAN NILA GINAGAWA  ANG DAPAT NILANG GAWIN.!” – Kevin

“Brad, ang puso mo.? Ka-aga-aga high blood ka, aminin mo may period ka noh.? – Sean

“HAHAHAHA.!!” Tawanan ang mga DevilBats

Nang may biglang lumipad na Samsung S5 ang tumama sa ulo ni Kevin.

“Lalabas kayong lahat o gusto ninyong makatikim ng tig-iisang batok sa ngala-ngala.!?”

Nagulat kameng lahat ng mabosesan namin ang nag mamay-ari ng boses na iyon, hehe, nakalimutan naming may natutulog palang demonyo.

Hala, sige, takbuhan lahat palabas ng tambayan, hehe..

Ako si John Paul Cipriano, assistant captian ng DevilBats, binubo kame ng labindalawang nag-gwagwapuhang mga nilalang, THANK YOU LORD sa mga pagmumukha naming ito, sa uulitin, hehe. Kameng lahat ay mga senior dito sa NEW WESTTON UNIVERSITY, nabuo ang DevilBats noong first year palang kame at hangang ngayon ay solid pa rin ang samahan. Hindi na rin kame nagpapasali o nagpapatry-out, solve na kame sa bawat isa, hindi naman sa nagyayabang, three years na kameng ‘over all district champion’.

“Mga brad, ngayong taon kaya magkakaklase ba ulit tayong lahat.?” Tanong ko habang naglalakad kame sa pasilyo papuntang quadrangle area kung saan nakalagay sa bulletin board ang year, section at room assignments ng mga estudyante.

“Sana.!? Pero kung hindi okay lang iyon para maiba-iba naman, three years na rin kase tayong mga DevilBats na magkakasama sa iisang section.” – Sabi ni Philip

Sabagay, tama naman siya para maibaba-iba naman..

-Terrence's POV-

Papaidlip na sana ako ng maramdaman kong bumukas ang pinto, syempre hindi na ako nag-abala pang alamin kung sino ang pumasok dahil tanging mga DevilBats lang naman ang pumapasok dito.

“Guys.! Look who’s here.?” – Sean

“Wow, ang aga yata ni captain ah.? Excited yata.?! Haha..” – David

“Ssshhh, huwag kayong masyadong maingay baka magising si captain at lahat tayo matamaan ng ka-demonyohan niyan.” Pagpapaalala ni Peter.

Buti naman at may nagsasaway, kung hindi uulitin ko ulit yung ginawa ko sa kanila dati sa mansion.

“Philip, paki-check mo nga yung ref kung may food ng mga stock, nagugutom pa rin kasi ako, si mommy kasi pinagmamadali akong pinaalis sa mansion baka daw ma-late pa ako, hindi tuloy ako nakakain ng maayos.”

Rinig kong sinabi ni Kevin

“Brad, wala pang laman yung ref natin baka nakalimutan o mamaya pa lalagyan..?”

ANO.?” ANONG SILBI NG BINABAYAD NATIN SA KANILA KUNG HINDI NAMAN NILA GINAGAWA  ANG DAPAT NILANG GAWIN.!

“Brad, ang puso mo.? Ka-aga-aga high blood ka, aminin mo may period ka noh.?

HAHAHAHA.!!”

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw kong masigawan sila pero ng may biglang sumigaw at sinabayan pa ng malakas na tawanan, doon ako na inis.

Napadilat ako ng mata, tumingin sa lamesa na malapit sa couch na hinihigaan ko, wala akong makita na pwedeng ipambato kaya kinapa ko ang bulsa ko at ayun may lamang cellphone na S5 at ibinato ko ito duon sa parang babae kung makasigaw.

“Lalabas kayong lahat o gusto ninyong makatikim ng tig-iisang batok sa ngala-ngala.!?”

Pagbabanta ko, mabilis pa sa kunehong naglabasan sila ng tambayan.

Makabalik nga ulit sa pagkakaidlip.

-After 10 minutes-

Eeccckkk..

Kararating lang ng ilang mga DevilBats na sina David, Jayson, Harold, Christian, Timothy at James. Hindi nila ako na malayan na nakahiga sa couch dahil busy sila sa kwentuhan.

“Nakita nyo ba yung kotseng nasa labas ng gate ng school.? – Harold

“Alin.? Yung basag-basag na salamin at yupi-yuping mga pintuan.? – David

“Yup.” – Harold

“Alam ko kung sino ang nagpagawa noon.” – Christian

“Sino.?” Sabay sabay na tanong ng mga DevilBats

O_O

Mga tsismoso talaga itong mga baliw na ito. Haisk, gusto kong matulog.

AKO.!” Sagot ko.

AT PWEDE BA NA UMALIS NA KAYO.! GUSTO KONG MAGPAHINGA.!, KAYA KUNG AYAW NINYONG IPA-SALVAGE KO ANG MGA KOTSE NYO SA ILOG PASIG, CAN YOU PLEASE LEAVE, NOW.!” – Dugtong ko

“O, captain nandiyan ka pala.?” – Tanong ni Jayson

“Ay, hindi.! Anino lang yan ni captain.?!” – Timothy

I SAID LEAVE.!”

Nag-sunuran naman sila at naglabasan, dahil alam nilang totohanin ko ang mga sinabi ko.

The Angel Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon