-Michaela’s POV-
“Tara, para maka-pagbonding pa tayo kasama ang mga new classmate natin.”
Ang sabi ni Jhael, pero para yatang ayaw kong sumama, wala kasi akong pera, eh diba nga, 1500 na lang ang pera ko sa wallet tapos nabawasan pa kanina kasi bumili pa ako ng mga kailangan ko sa National Book Store..
Alam ko na, magdadahilan na lang ako na hindi ako makakasama..
“Guys, hind …” Naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Princess..
“Opps, walang hindi sasama, kungdi magtatampo ako.” – Princess
Sabya tingin sa akin at nag-sad face pa..
“K-Kasi may gagawin pa ako sa bah …”
Naputol na naman ang sasabihin ko nang biglang akong hilahin ni Jhael papalabas ng room..
“Tara na.! Huwag nang tumanggi, minsan lang ito, malay mo baka bukas o sa mga susunod na araw ay hindi natin ito magawa kasi busy na tayo.” – Jhael
-At the Mall-
11:47 AM
Ito na kame ngayon nasa mall, nakakagulat ang mga kaklase kong ito, sobrang yayaman talaga, kanya kanya kasi ng kotse at gaganda pa, aaminin ko first time kong makasakay sa isang kotse puro bus, jeep at tricyle lang kasi ang madalas kong masakyan..
“Ano ang una nating gagawin.?” – Princess
“Ummphtf, kumain muna kaya tayo.?” – Sarah
“Tama, medyo nagugutom na rin ako at saka mag-12 na rin naman.” – Georgia
P-A-K-T-A-Y ako nito nakakahiya, wala akong pera na pang gastos, okay lang sana kung sa turo-turo lang sa may tabi-tabi baka ako pa ang manlibre sa kanila pero hinde eh baka nga itong pera ko ay pang-tubig lang ang ma-order..
Umakyat kame ng 3rd floor ng mall at naghanap-hanap ‘SILA’ syempre ng makakainan ‘NILA’ syempre muli..
Lakad lakad..
Lingon lingon..
Lakad lakad..
Lingon lingon..
“Dito na lang tayo sa Aristocrat, gusto nyo ba.?” – Angel
“Okay lang, ikaw Michaela, okay lang bas a iyo dito.?” – Princess
Hanla ka, tinanong pa talaga ako, na nanahimik na nga ako at sumusunod na nga lang sa kanila kasi nahihiya na talaga ako..
“B-B-Bahala kayo..”
Ano ba yan, mukhang mamahalin pa itong kakainan namin, sana bumuka ang lupa at kainin ang mall na ito o di kaya magkaroon ng lindol o sunog para hindi lang matuloy itong pagkain namin, wala kasi talaga akong pera, as in wala akong pambayad..
“Okay ka lang ba Michaela.? Namumutla ka.?” – Christian
“O-O-Okay lang ako, excuse me mag-CR lang ako.” Sagot ko at tumalikod na sa kanila at nagsimula ng maglakad..
“Saan ka pupunta.? Dito ka na mag-CR sa loob ng restaurant may CR naman sila para hindi ka na lumayo pa.” – Angel
At pumasok na kame sa loob ng Aristocrat, dumiretso na lang ako sa CR at pagbalik ko ay nakita ko silang nakaupo na at naghihintay sa akin..
“Nandito na siya, so order na tayo.? Gutom na ako..” – Christian
Ito na yun, ito na yung moment..
Lumapit ang isang waiter at inabot ang menu book sa bawat isa..
“Can we have Chicken Honey (Whole), Sweet and Sour Fish Fillet, Hototai Soup and Shanghai Rice, please..” – Jhael
BINABASA MO ANG
The Angel Of The Devil
Teen Fiction"The more you hate, the more you love." Ano ang mangyayari kung ang dalawang magkaibang mundo na ginagalawan ni Terrence Kelvin Roxas (Daniel Padilla) at Michaela Torres (Kathryn Bernardo) ay biglang magtagpo.?