CHAPTER FOUR

199 112 16
                                    

     
Chapter 4

                    VANNIE

BWISET na umaga! Muka yatang walang balak si Alex mag luto! Arg! So ako talaga ang magluluto? Animal talaga!

Alas siete palang ng umaga at eto ako nag babati ng itlog. Nabulong bulong ako habang nag babati. Badtrip kong pinainit ang kawali,kasabay ata nang pag usok non ay sya ring usok ng ilong ko sa inis.

Nilagyan ko'yun ng langis at mabilisang nilagay ang itlog.

Woah first strike!

Nangingiti akong nagbaliktad ng itlog! Ansaya palang magluto,kahit nag gugutay gutay iyon ay patuloy ako sa pag babaliktad. Natawa ako sa kaaliwan. Umikot ako at hinagis sa ere yung itlog.

Beng! Sakto sa kawali. Nilakasan ko lalo ang apoy at pina baliktad ang itlog habang inaalog ang kawali. Mas lalo akong naaliw ng makitang naluluto ito.

"Anong ginagawa mo?"

Sagulat ko ay napamali ang ang alog ko sa kawali at hindi nasambot ang itlog! Sheyt! Nanlalaki ang mata kong pinagmasdan ang nagkalat na itlog sa sahig.

"Ano ba sa tingin mo? Edi nagluluto! At ikaw bakit moko ginulat! Tingnan mo tuloy nangyari" inis na asik ko kay Alex,ngumisi ito at saglit na pinagmasdan ang buong kusina bago umiling.

"Nagluluto ka pala? Tikman nga natin kung masarap" ngisi nito, bahagyang nanglaki ang mata ko ng pinulot pa nito ang kapirasong itlog sa sahig bago sinubo. Pumikit ito at parang ninam nam ang lasa ng niluto kong itlog .

"Hoy! Bakit mo naman kinain pa? Madumi nayun" sermon ko dito. Kadiri!

Tumayo s'ya at ngumiti.
"Tatlong beses nababaldiyo yang sahig nayan" ani nito.

"Wow?nagbabaldiyo ka?" tanong ko. I heard him chuckled.

"Nope. I can't clean, nagpapa house cleaning si Mommy  pero dahil wala s'ya. Tingin ko ay medyo dudumi na ang bahay " tawa nito. Napa busangot ako

So maalam sya mag luto pero hindi maalam mag linis?Hanep. Tahimik kong hinagod ng tingin ang suot n'ya. Long sleeve na itim at jeans, san naman kaya ang punta nito?

"Bakit? Hindi ka maalam mag linis?kahit lalaki ay dapat maalam mag linis." ani ko, napakurap naman ito saglit sapagka mangha.

"Sorry,but I don't do cleaning see?" pinakita nito sakin ang namunula at makinis nitong kamay. "I'm not poor, bakit hindi ikaw ang maglinis? Tutal ay hindi ka naman maalam mag luto?" he insulted.

"Yabang mo!" asik ko dito.

"Hindi yon pagyayabang, nag sasabi lang ako ng totoo." ngiti nito na parang mabait .

"Wow nagsasabi ng totoo,neknek mo" patuya ko.

Tumawa sya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pangibaba nito.

"Walang lasa yung itlog,hindi mo ata nilagyan ng asin" he smiled sarcastically! Arg bakit ngaba nakalimutan kong lagyan!

Nakataas ang isang kilay ako nitong pinagmasdan.

"Tingnan mo ang kusina,dinumihan molang. Kaya linisin mo" ani nito bago naglakad papuntang sala.

Napapikit ako at napasapo sa noo'ng pawisan. Nakakainis ang taong yon ano tingin nya sakin? Yaya?

"Come with me,let's eat somewhere" rinig kong sabi nya mula sa sala. Napairap ako,gutom na gutom narin ako kaya di koyan tatanggihan.

Mamaya na ako maglilinis,napailing akong nag punta sa sala. Naka tayo na si Alex sa pintuan at pinapaikot sa kamay ang susi ng kanyang kotse.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now