CHAPTER TWENTY-SIX

89 38 4
                                    

Chapter 26



"G-Gio? Oh my god!" humihikbing lumapit sa rehas si Lexxy,inabot nya agad ang muka ko at pinasadahan ng tingin.

"A-Are you okay? Malupit ba sila sayo? Kumakain kaba ng tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog kaba ng maayos?"

Gaya ni mama ay marami rin syang tanong.. Hindi ko maiwasan ang mapag titig sa malungkot nitong muka.

"I-Im fine,Lexxy." ani ko rito,ilang hikbi pa ang pinakawalan nito bago tumingin sakin.

"H-Huwag kang mag alala,sisiguraduhin kong malalabas ka dito" ngiti nito sakin,

"Asan si Mama? Hindi moba kasama?" tanong ko sakanya ng mapansing mag isa lang sya.

" Hindi,nag sabi ako sakanya na ako na muna ang dadalaw sayo ngayon." panay parin ang hikbi nito, pinasadahan nya nang tingin ang buong selda bago tumingin sakin.

"Sabi kona,dapat ay hindi kana bumalik pa dito sa Manila"

Umiling ako sa sinabi nito. Kung hindi nga ako bumalik dito sa Manila posible ngang wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Ngunit si Hart,sigurado akong kahit wala ako dito ay mangyayari ito sakanya.

"Insaaan!Alam moba!!! Aamin nako kay Alex ngayonnn! Wuhuu! Cheer me up please,ayan kasing mga kaibigan ko mga walang kwenta!!"

"Lasing kalang,"

"Hindi ako laseng! Totoo namann! Hindi ako sinusuportahan ng mga kaibigan ko!! Lalo nasi Andrew! Dina down pa nya ako,kaya naman insan suportahan mo ako! "

Ng gabing iyon ay pursigido na si Hart na umamin kay Alex,kaya naman wala na akong nagawa kundi ang suportahan sya.

"Hey,Gio! Are you listening?" nabalik ako sa ulirat ng bigla akong niyugyog ni Lexxy.

"Ah huh?"

"Ang sabi ko,naghahanap na kami ng Tita at Mama mo ng taong makakapag palabas sayo dyan"

"Huh?talaga?"  tanong ko,ngumiti ito ng malawak pagkatapos ay tumango.

Hindi ko maiwasan na sa panahong ito ay pabigat ako.

"B-Basta, mag tiis ka muna dyan  ha,baka bukas o sa makalawa ay makalabas kana dyan"

"Salama---"

"HINDI! Anong makakalaya?! Mabubulok kana sa kulungang yan! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko!!" 

Nanigas ako sa kinauupuan ko,ang galit na mga magulang ni Hart ay nasa entrada ng kulungan at doon ay galit na galit na nakatingin sakin. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang malungkot na mga mata ni Tito Rael.

I want to say sorry.. I want to apologize.

Even if i'm not the one who killed Hart. I feel sorry.

"Mabubulok kana sa kulungan!!Hayop ka!! Pagbabayaran mo ang lahat!!" nag wawala na ngayon ang Mama ni Hart at wala akong magawa kundi ang tumungo.

"P-Pasensya na ho." ani ko.

"Napakasama mo! Naging mabuting tao ang anak ko sayo!tapos ganito lang ang i susukli mo!manang mana ka talaga sa Mama mo!" sigaw nya.

"Ah,mawalang galang naho. Tapos na kasi ang oras ng pag dalaw." anang si Warden.

"Hindi ko dinadalaw ang halimaw nayan! Aalis na kami,at ikaw! Hindi pa tayo tapos maghaharap pa tayo sa korte!" padabog na lumabas ang mga Magulang ni Hart.

"G-Gio,"

"Xy,pasensya kana. Umuwi kana tapos na ang oras ng dalaw."

Umupo ako sa sahig at sumandal sa
simento. Sumipol si Warden ng makaalis si Lexxy sa prisinto.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now