CHAPTER TWO

307 126 25
                                    

The living Alexa Mariano 👆

Chapter 2

                        ALEX

Nakain kami ngayon kasama si granpa. Sa hapag ay samut sari ang naka latag.

"May sasabihin pala ako sayo ija." baling ni lolo kay mama.

Bumagal ang pag nguya ko sa kanin at binaling ang atensyon kay Lolo.

"Ano ho iyon papa?" si Mama. Tumiwid muna ng upo si lolo bago nag salita.

"Meron akong pinapatakbong Sugarcane field sa Singapore.
Gusto ko sanang ikaw ang kasama ko sa pamamalakad 'non."gulat akong napatingin kay lolo.

What? Bat naman biglaan? Wala akong nasagap na impormasyon na may pinapatakbo na naman si lolo. Papaano na ang mga Bar nyang pinapatakbo roon?

"Papa mukang mahirap 'yan,papaano si Alexa?walang kasama dito,ang daddy naman nyan e dipa tukoy kung kailan ang uwi."ayan na naman sa Alexa.

I cleared my throat. Yeah that useless father of mine.

"Malaki naman nayan si Alexa iwanan molang 'yan ng isang maid e ayos nayan!"

Pinigilan ko ang mag salita, tila nawawala ang panlasa ko sa kinakain.

"Papa babae parin 'yan,at delikado pag mag isa nalang 'yan dito."si mama.

I heave a sighed. Nakuha ko ang atensyon ni lolo bago muling bumaling kay mama.

"Aba'y muka namang lalaki ang anak mo e. Come on Andra!" tila nauubusan na ng pasensya ang lolo.

Napabuntong hininga naman si Mama, ibinaba ko ang kutsara at umupo ng tuwid.

"Tingnan mo nga at nagawa pang makipag basag ulo." nanlaki ang
mata ko at napabaling kay Lolo.

"Lo? Paanong?"

"Kaibigan ko si Chief Caguro,sinabi nya saakin ang nangyari kahapon. Buti at hindi nagsampa ng kaso sayo ang lalaki." galit at tila nanunusok ang mga mata nito.

"Lo--"

Umiling ito at tumayo sa kinauupuan.

"Bibigyan ko kayo ng oras para makapag usap,pero siguro naman ay 'di mo tatanggihan ang alok ko anak."seryosong sabi ni lolo bago lumabas.

Napanganga ako at tulalang naiwan doon. Tumayo si Mama at naglakad sa gilid ko.

"Ayos kana ba anak sa dalawang maid at apat na body guard?"tanong ni Mama kumunot naman ang noo ko at hindi narin napigilan ang mapatayo.

"Kaya ko ang sarili ko mom!iniisip ko lamang ay kung kelan ang uwi nyo? Tiyak na taon ang aabutin 'nyo niyan."

"Hindi ko alam 'nak,matatagalan ako roon panigurado tama ka nga at taon ako 'ron. Mahirap tanggihan ang papa alam mo iyan."

Napailing ako.

"Kung ganon,hindi ho talaga tatanggihan si lolo?"tanong ko, nasasaktan.

"Alexa alam mo na ang sagot ko diyan sa tanong mo." malumanay na sambit nya.

Hinagip ng kamay ko ang baso na mayroong tubig at pinangalahatian iyon.

"Sige,kung yan ang gusto mo ay makakaalis kana."malamig kong utas bago naglakad paakyat ng kwarto.

I hate it! Yung mga panahong hindi umuuwi si papa sa kaarawan ko ay lalong lumalayo ang loob ko. At ngayon lalo lang akong nayayamot. Pakiramdam ko ay ayaw nila saakin.

Gusto ko lang ay mag kulong sa kwarto at huwag silang harapin sapag alis nila. Duon ako tunay na nasasaktan.

Imbis na mag mukmok ay binuksan ko ang Facebook ng sa ganoon ay malibang 'man lang ako kahit kakaunti.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now