Chapter 28
GIO
One time.
I was shocked when suddenly Lexxy appear infront of me,but shes not alone.
"Good Morning Im Attorney Jang Cuerdo,you must be Giovannie Reyes?" ani ng matandang tingin ko ay nasa mid 40 na.
"Y-Yes that's me." sa likod nya ay nandoon si Lexxy na nakangiti sakin.
"Siguro ay hindi mopa ako kilala,gaya ng sinabi ko ako si Atty. Jang Cuerdo,ako ang hahawak ng kaso mo." ani nito habang nagbubukas ng attachecase 'kuno.
Nasa loob na kami ng isang silid,tanging kaming dalawa nalang ang tao dito. Sa kisame ay isang cctv ang nakita ko,sa likod nya ay isang malaking salamin.
Napansin siguro nya ang paninitig ko sa paligid ko kung kayat nag salita ito.
"Don't worry,its safe. Gaya ng sinabi ko kanina,kailangan molang maging tapat saakin,maliwanag?"
Hindi ko alam kung kailan nya iyon sinabi,o baka nalingat lang ako. Dahan dahan akong tumango at diretsong tumingin sa kanya.
Umupo ito sa unahan ko at naglabas ng notebook at ballpen.
"Mr. Reyes, gusto ko ay huwag ka saking mahihiya. Isipin molang na ako ay isang pari wala kang gagawing iba kundi ang magtapat saakin ng mga kasalanan mo,nakukuha mo?" ang boses nito ay malumanay at halata ang pagka seryoso sa muka.
Dahan dahan akong tumango,sinuklian ako nito ng simpleng ngiti.
"Sige,umpisahan na natin." untag nito habang may kinukuhang bagay sa gamit nito.
Inhaler?
Nangunot ang noo ko,may sakit sya? Gusto ko sanang tanungin kung anong sakit nya pero nahiya ako,baka sabihan pa akong chismoso.
"Ayan! Gio right? So Gio,gusto ko sabihin mo sakin. Lahat-lahat,
buong kwento ay gusto kong isalaysay mo saakin ng maayos. "Hindi ako nakaramdam manlang ng takot o kaba sa pananalita nito,huminga ako ng malalim bago pumikit ng mariin.
"Hindi ako ang puma---"
"Stop,I want you to start in the beginning. Magtiwala ka sa puso at memorya mo,isalaysay mo saakin kung saan alam mo na doon nag simula" sinserong utas nito.
Saan nga ba ito nag simula?
"H-Hindi ko alam kung saan nag simula" pag amin ko,napatungo ito at pagak na tumango.
"Oh sige, Noong Marso tatlomput isa ng gabi ay nasawi ang biktimang nag ngangalang Hart Cabaliez Lozano. Kaarawan nya iyon hindi ba? At ikaw ang nakasuhang may sala sapagkat nag possitive sa damit mo ang dugo ng bigtima." nangungunot ang noo kong napatingin sakanya.
"Hindi nga ako ang pumatay,pinsan koyun papanong--" hindi kona tapos ang sasabihin ng putulin nya iyon.
"Alam mo, naniniwala ako sayo. Marami akong kasong nahawakan na ganito. Pero gusto kong ipaliwanag mo sakin.Bakit hindi dapat ikaw ang masisi dito? Bakit kaya nandoon ka ng mga panahong iyon? Enlighten me" napatungo ako saglit at napaisip.
"Ako at si H-Hart ay mag pinsan,nakilala ko sya dito sa Manila. Ng kaarawan nya mismo ay nagkusa akong maghatid sa kanya sa kwarto nya sa pangalawang palapag dahil sa kalasingan. Pero dahil sa nag inuman kami ng araw nayon mismo,mabilis ako kung maihi. Nagpaalam akong aalis saglit para magcr sa unang palapag....pero"
Naputol ko ang sasabihin ng muling nagbalik ang lahat sa ala ala ko."Pero ano?"
Pero...
Flashback
YOU ARE READING
Winds Of Fate (Completed)
Mystère / ThrillerIn a world where everyone is over exposed,mind a kingdom of unmapped mysteries. Ps: Maunti lang description diba? Parang pag tingin nya sayo. Dejok! Ps ulit: Simpleng tao lang, marami ring mali at typos HAHAHAHA wag na magalit! Sige Godbless,sana ma...