Chapter 20GIO
Aaminin ko nagulat ako don.
Ng gabi ring 'yon ay nilagnat ako,dahil siguro nagpa ulan ako kaya naman uminom agad ako ng gamot.Kinaumagahan ay nakahiga ako sa higaan ko kahit gising na gising nako tinatamad parin akong bumangon.
Wala narin ka agad ang lagnat ko.Lumipat ang paningin ko sa bintana na patuloy ang pasok ng sariwang hangin, inabot ko ang kumot at binalot ang sarili 'don.
Tulala akong napatitig sa labas ng bintana, tila naubusan ako ng lakas at nalungkot ng sobra. Dumako ang kamay ko sa dibdib at kinuyom iyon ng ilang beses.
Gusto nya si Alex. Tapos na ako.
"Tulog paba si Gio, Hart?" boses iyon ni tito, I sighed.
Malumanay ang ginawa kong pag tayo,sa ngayon kailangan kong iisantabi ang lahat. Nauna si Hart at hindi ko iyon maaaring labanan.
Bumaba ako at inaasahan ko na gising na ang lahat,nag iimpake narin sila Hart dahil pabalik na sila ng manila.
"Insan,aasahan kita sa kaarawan ko" nakangiting kinindatan pako ni Hart,parang nakalimutan ka agad nya ang pinag usapan namin kahapon.
"Of course. " ngiti ko. Hindi ko lubos akalain na bilang nalang ang araw at kaarawan na nya.
Nakain pa sila,Andrew,brandon at Alex, si Hart ay tapos na kaya nag iimpake na.
Dumiretso ako sa fridge at kumuha ng tubig.
"Madaling madali kana ah,may nag hihintay ba sayo sa manila?" tanong ni tito kaya naman tinukso sya ng mga kaibigan nya,ako naman ay hindi maka tawa sapagkat kilala kona ang babaeng gusto nya.Tila natuod ako at napatitig sa basong hawak-hawak.
"Pakilala mo sakin 'yan ha ng makilatis ko.." ani pa ni tito,natawa naman si Hart at napailing ng bahagya.
"Ikaw den Gio,pakikilala mo sakin.." bigla akong napa baling kay tito,tinanguan ko sya ng bahagya.
Lumapit ako kay Hart at tinulungan sya mag impake ng gamit nya. Seryoso ang muka nito.
"Alis lang ako saglit,babalik ako pag paalis kayo ako ang mag hahatid sa inyo sa Airport." ani ni tito na tinanguan lang ulit ni Hart.
Ang mga kaibigan ni Hart ay nag pasyang mag impake narin ng kanya kanya,hindi pa nakalampas sa paningin ko ang mga nagdududang mata ni alex.
"Kelan ang balik mo ng manila?." maya mayang imik ni Hart.
"Mamayang pahapon pa.." ani ko.
Hindi naman ako makakasabay sa alis nila ngayong umaga sapagkat pupunta pakong bayan mamaya upang bumili ng regalo nya."Sige,mag iingat ka" ani nito.
"Hart,tungkol kahapon..--"hininaan ko ang boses, tila bulong nalang iyon.
"Kalimutan mona ang lahat ng iyon" ani nito,bakas ang pait sa muka.
"Are you serious?" I spat.
"Yes..." ani nito,halatang seryoso at pursigido na.
Wala nakong magagawa.
"Fine,I hope you won't regret it." ani ko bago lumakad papuntang lamesa.
Bahagya naman syang natigilan. "Regret of what?" ani nito namay galit sa pananalita.
"By,Setting her free..." simpleng ani ko dito.
YOU ARE READING
Winds Of Fate (Completed)
Mistério / SuspenseIn a world where everyone is over exposed,mind a kingdom of unmapped mysteries. Ps: Maunti lang description diba? Parang pag tingin nya sayo. Dejok! Ps ulit: Simpleng tao lang, marami ring mali at typos HAHAHAHA wag na magalit! Sige Godbless,sana ma...