CHAPTER THIRTY-SIX

37 13 0
                                    

Chapter 36

 
"Does the prosecutor has any more witness to call?" tanong ng judge matapos makita ang ebidensya.

"No your honor, the prosecution will rest." yumuko itong muli at naupo sa upuan.

"The defence will call their first witness." sambit ng judge.

Tumayo si Attorney at binalingan ako ng tingin.

"Yes your honor, the defence would like to call Mr. Giovannie Reyes as our witness."

I stood and feel those eyes fixed in me. I probably look lousy right now.

"Mr. Giovannie before we start can you rise your right hand and repeat after me."

Gaya ng kanina ay binaggit korin ang sinabi ni Andrew. Pagkatapos non ay naupo ako sa upuan kaharap ng judge. Tumayo si Attorney at lumapit saakin.

"Mr. Reyes, can you tell us what happen that night the murdered happend?" tanong ni Attorney saakin. Tumango ako at nag pakawala ng malalim na hininga.

"N-Nung gabing iyon, naroroon nga ako. At tama ang sinabi ni Andrew, I escorted Hart to his room. " umahon na naman ang kakaibang ingay.

I continued.

"Ngunit hindi gaya ng iniisip nyo. Nang gabing iyon ay dapat na mag tatapat na sya ng pag ibig sa babae nyang pinaka mamahal. Naroroon ako upang tulungan sya sa plano nya dahil ilang gabi palamang bago ang kaarawan nya ay pumunta sya saakin upang sabihin na tulungan ko sya sa sorpresa na gaganapin dahil sabi nya ay wala ni isa sa mga kaibigan nya ang may gusto ng ideyang iyon,." natigil ako sapag sasalita at marahang nilingon si Alex.

"Do you know who is this girl?" tanong ni Attorney. Syempre ay tumango ako ngunit ay nandoon ang bara sa lalamunan ko.

"S-Si Alexa Mariano, his long time friend." pag ka sabi ko niyon ay wala sa oras na napatayo si Andrew.

"Nang gabi ring iyon ay bumaba ako upang mag restroom, mag aalas onse na ng gabi ng bumaba ako ngunit wala akong natagpuang tao sa lamesa na pinag iinuman nila Andrew." sambit ko diretso ang tingin kay Andrew. Halata ang gulat at pagka lito sa muka nya bago ay muli syang naupo.

"Nang marinig ko ang putok ng bala ng baril hindi ako umakyat. Sapagkat akala ko ay lasing lamang ako pero nang muli itong pumutok ay umakyat ako sapag aakala na ligtas pa sya. Natagpuan ko syang buhay pa at nahinga, kinuha ko ang telepono sa bulsa para tumawag ng ambulansya ngunit isang hampas sa ulo ang nakapag patulog saakin." sambit ko. Ang muka ng judge ay mukang hindi kumbinsido.

"Does the prosecution want to cross?"tanong ng judge sa prosecutor.

Tumayo ito at tumango, mabilis ang lakad ng Prosecutor papunta sa harapan ko. 

"Sinabi mo na umakyat ka at natagpuan mo ang biktima na nahinga pa, nakakapag taka at inuna mopang tumawag ng ambulansya kaysa sumigaw at humingi ng tulong sa ibaba?" medyo napa ngiwi ang judge sa tanong ng prosecutor.

"Sapagkat mag uubos lamang ako ng boses kung sisigaw ako gayung sobra ang lakas ng tugtugin at alam kong wala saaking makaririnig at mas lalong bababa ang porsyento na maisasalba ang biktima kung hindi kaagad ako tatawag ng ambulansya. But then I repeat may humampas sa ulo ko and God knows how I want to stay awake, nang sa ganon ay masilayan ko manlang kung sino ang gumawa sakanya non." purong tunay ang mga lumabasa sa bibig ko.

"Such a liar." nanlaki ang mata ko sa binulong ng prosecutor sapat upang ako lang ang nakarinig.

"The defence would like to redirect." si Attorney. Tumango ang judge.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now