The living Giovannie👆
Chapter 9
GIO
"Anak! Sabi ko naman sayo hindi mo susunugin yung bawang!" asik ni mama sa likuran ko, napangiwi ako at humarap sa kanya.
Sya kasi itong nagpumilit na paglutuin ako ng ulam eh ano bang alam ko sapag luluto ng ginataang gabi.
"I'm sorry,papaano ba?" kamot ulo kong tanong,napatingin ako kay Mama at muka iyong na i stress sakin. Mabilis ko syang nilapitan at niyakap.
Nag desisyon akong manirahan muna rito kasama si mama gusto ko s'yang bantayan, gaya ng inaasahan naintindihan naman ako ni Emerald kaya wala naman akong problema.
"I'm sorry Ma,mabuti pa ay itigil kona itong pagluluto baka ma stress ka lalo bawal pa naman sayo yun. " Aniko at medyo ngumiti,mas maganda 'yun hindi ako makakapag luto.
"Hindi! Katamaran moyan kaya dimo matapos,ituloy moyan!" sermon nito,bahagyang nanglaki ang mata ko.
"Hindi naman ako tamad,hindi kolang talaga talent ang pagluluto" aniko ng nakanguso, hindi kaya ako tamad diko matatanggap yon!
"Hindi yon ganon,natututunan ang pagluluto. Gusto mobang hiwalayan ka ng magiging asawa mo dahil dyan?" pananakot nito. Saglit akong napaisip at saglit na tumawa.
"Edi hahanap ako ng mapapangasawa na maalam magluto. Easy." pakiramdam ko ay lalo kolang syang ginalit kinuha nito yung sandok at pinukpok sakin. Napasapo ako don at tahimik na dumaing.
"Ayan ang napapala mo! Hindi pwedeng hindi maalam mag luto ang haligi ng tahanan" sermon pa nito,kahit sapo ang ulo ay nagawa kopang ngumisi.
"Sino ba may sabing haligi ako ng tahanan? Ang akala ko ay ako ang ilaw----" hindi kopa natatapos ang sasabihin ko ng hampasin muli ako nito ng sandok.
"Pasaway kang bata ka! Oo at tabingi ka pero kahit baliktarin mo ang mundo lalaki ka parin at may bayag ka!"
Automatic na lumaki ang mata ko sa sinabi nito. Grabe!
"Mama huwag kang maingay, at saka 'wag ka masyado mainitin makakasama sayo yan" nagawa pako nito pukpukin ng sandok bago kumalma.
"Tapusin moyang niluluto mo!" utos nito saakin sabay abot ng sandok.
Napabaling ako sa niluluto ko bawang at sibuyas palang yon at parehas palpak. Napapailing kong sinunod ang pinaguutos nito 'wag lang ako mabatukan ng sandok.
Habang nag hahalo ng gabi ay sinesermonan pako nito,bakit 'raw ganon ang halo ko. Lahat ay napansin nya pati ang lakas ng apoy ay pinuna.
Ending natapos ko iyon ng maayos,nangingiti ako habang tinitikman ang pinaka una kong niluto,na maayos ang kinahantungan.
Kasama sa hapag ang bagong uwi nasi tiya,sabi nya ay galing sya sa bukid.
"Sugurado kaba na si Gio ang nagluto nito?" hindi makapaniwalang tanong ni tiya. Ngumiti ako,nagmamalaki.
"Oo naman tiya,wala kabang tiwala sakin?" maangas kong tanong.
"Ang akala ko ay hirap ka sapagluluto, nagmana pala sayo ang anak mo ate masarap mag luto." lingon ni tiya kay mama na ngayon ay natatawa.
Lalong lumaki ang ngiti ko sa puri ni tiya.
"Napaka talented,ma swerte ang mapapangasawa mo sayo" puri pa nito,bigla namang sumingit si mama.
"Ay nako! Ayan pa ngalang ang kaya nyang lutuin,marami pa syang kailangan aralin!" masungit na sambit nito.
"Masarap naman ang luto Ate" anang si tiya, napalunok ako at saglit na ngumuso.
YOU ARE READING
Winds Of Fate (Completed)
Mystery / ThrillerIn a world where everyone is over exposed,mind a kingdom of unmapped mysteries. Ps: Maunti lang description diba? Parang pag tingin nya sayo. Dejok! Ps ulit: Simpleng tao lang, marami ring mali at typos HAHAHAHA wag na magalit! Sige Godbless,sana ma...