𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏

4.8K 136 4
                                    


- 𝕳𝖊𝖆𝖙𝖍𝖑𝖆𝖓𝖉𝖘 -

Pagdating nila, agad silang nagsikilos at dinakip ang rogue na pinagod lang ako sa paghahabol kanina.

" Hey, Dave." bati ko sa isang hunter na busy sa pag uutos sa mga ibang hunters at scouts.

" Yo! How's your day?" bati niya sakin.

Tumalon ako at lumapit sa kanya.

" Tiring as always. Kainis naman kasing nilalang na yan pinaghabol pa ako. " giit ko sa kanya.

" Of course. Ikaw lang ang maaasahan ni Captain eh. Alam mo na, isa ka sa mga magagaling na hunters dito sa lugar. Sigurado akong matatapos mo agad yan." Sagot niya sakin at tinuro ang nadakip na rogue.

Lumingon naman ako at tinignan ito, na nakatali na ngayon.

" Mas lalo lang pinapahirapan ng mga rogues na yan ang buhay ko. Sakit sa ulo."

"Hahaha, chill. Siya nga pala Lade, pinauutos ni Cap na bumalik ka na sa headquarters. Di ako makakasabay sayo sa pagbalik dahil sasama lang ako sa pagdala sa rogue at babalik agad ako kay Mich." Sabi niya sakin at tinapik ang balikat ko.

" Sige, ikamusta mo ko kay Mich tsaka bibisita ako sa inyo bukas para makita ang anak niyo. Miss ko na yung gwapong anak niyo eh. Kayo na ang bahala dito inayos ko na ang ibang dapat ayusin kanina. Bye." ngumiti ako sakanya at tumalikod na.

Isa si Dave at Mich sa mga kaibigan ko dito sa Heathlands. Di ko nga inakala na sila din pala para sa isa't isa. May anak na din sila ngayon, tss. The problem of having your mate, di mapigilan ang hormones.

Napangisi na lang ako sa naisip.

--
At Headquarters

" Hey Captain, ba't niyo ko pinapunta dito?" Tanong ko sakanya at umupo sa harap ng office desk niya.

" I just want to make sure that you're fine." Sagot niya at tumingin sakin.

Ngumiti ako sakanya at tinapik siya sa balikat.

" I'm fine, Dad. Kilala mo naman tong anak niyo. Malakas at Magaling!"

" Kahit na. Nag aalala din ang Mom mo about sa binigay kong mission ko sa iyo."

" Yeah right. Just tell Mom that I'm perfectly fine." sabi ko sakanya.

" There's also a new mission and I am going to assign you for that. Hindi lang ikaw, may iba ka ding makakasama na scouts at hunters pero ikaw ang magiging temporary leader nila, because I can't assign myself to that mission dahil may iba din akong inaasikaso na investigations about sa Death Pack. I assigned you because I trust you, Ichyrose." bilin niya sakin.

I smiled at my Dad and gave him a nod.

" Sure, pero bakit kayo ang binigyan?" tanong ko kay dad.

" The other sentinels were on their own missions and that is to provide a high safety in heathlands lalo na sa ibang packs. This mission will start next week." Sagot niya sakin.

" Okay, I'll get the other informations tomorrow. Pupunta muna ako sa West, I'm going to visit someone." Paalam ko sakanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.

" Sige. Mag iingat ka. Make sure you'll be back before 6pm. Naghihintay ang Mommy mo." bilin niya sakin at ngumiti.

" Copy. Bye Captain!" Lumabas na ako ng office niya at tuluyan nang nilisan ang Head Quarters.

I drove my motorbike and head to west part of Heathlands.

Heathlands is a place where werewolves live. Ito ang lugar kung saan kami naninirahan, mga tao na kayang mag anyong lobo. Nakahiwalay ang lugar kung saan kami naninirahan at lugar kung nasaan ang mga ordinaryong tao. Hindi kami pwedeng gumala at mamuhay sa labas ng boundary para narin sa kaligtasan namin at kaligtasan ng mga tao. May mga High ranked scouts and hunters na ina-assign para lumabas at magmasid sa mundo ng mga tao, just to make sure that they are safe from mythical creatures like us and no werewolves were straying in mortal world. Makakapunta ka lang sa labas ng boundary through a portal and only the Founder of Council can create this.

Maraming taon na ang nakalipas mula noong magkaroon ng peace between Humans and Werewolves, hanggang sa nagpadesisyonan na putulin ang ugnayan sa isa't isa at mamuhay ng mapayapa. Ilang daan na taon na ang nakalipas hanggang sa tuluyan na nakalimutan ng mga tao ang existence ng lahi namin, na tila parang naging parte nalang ang Werewolves sa mga kwento at alamat. Mas mabuti narin ang ganoon para wala nang mangyari pang komplikasyon at banta sa buhay.

Binubuo ng isang malaking council ang Heathlands. Some of the members of council are mostly, Elders. Elders are the one who have a great knowledge and experiences in werewolf packs. Some Elders were former Alpha or Luna and Beta. So technically ang iba ay parents mismo ng mga Alpha sa iba't ibang packs.

Ang Heathlands ay binubuo ng Walong packs, bawat pack ay pinipresenta ang bawat teritoryo sa loob ng Heathlands. Ang North, South, East, West, North-East, North-West, South-East and South-West. Like sa bandang North ang namumuno doon ay ang North Pack then pag sa South naman ay ang South Pack.

Totally there are EIGHT PACKS in Heathlands. And the center part of Heathlands, is where the Heathlands Council lies, ang Central Town. Sa Central Town, nandoon ang mga kakailanganin mo sa araw araw kumbaga parang City, kung saan nandoon ang mga establishments,club, restos, malls and etc.

Lahat ng werewolves dito sa Heathlands ay may kanya kanyang roles.

• Una ang mga Alpha/s - sila ang namumuno sa mga packs nila, with dominant, strong and leadership auras. They have their own extra ordinary abilities and skills as they are the ALPHAS. Currently, may walong Alpha sa Heathlands at sila ngayon ang namumuno sa mga packs nila dito.

• Next is Beta/s - sila ang mga second in command sa pack. Kumbaga kung wala ang Alpha sila ang temporary leader ng pack. They also serves the alpha.

• Delta/s - sila ang mga werewolves na nagte-training for beta positions. Kapag may mag ste-step down na Beta, ang mga delta na fully trained ang papalit sa dating Beta in request sa Alpha.

• Salutary/ies - sila ang nagsisilbing mga healers. They are herbal healers. Bawat pack ay may isang salutary, incase of emergency. Dahil may kakayahan din ang mga taong lobo na magheal sa sarili.

• Sentinel/s - sila ang nag e-ensure ng safety ng bawat packs sa Heathlands. Nag papatrol din sila sa mga assigned territories. Halos lahat ng sentinels sa Heathlands ay may office sa Headquarters kung saan nagiging captain din sila at nagbibigay ng utos sa mga hunters at scouts.

Isa ang Dad ko sa Sentinels sa Heathlands but he's assigned in central town guarding the safety of council.

• Scout/s - They are responsible for warning the pack of dangerous territory outside the clearing, if any. They stay in touch with other packs and keep friendly relations. They are to report any important changes to the alphas and betas. Kabilang din ang scouts sa force ng Headquarters na nagmamanage ng safety sa Heathlands.

• Hunter/s - Nagsisilbing mga taga dakip ng may mga sala. They are exceptionally skilled at tracking and hunting down. Most of the hunters were Male and only few were Females, and I am one of them. We also belonged to Headquarters forces.

• Omega/s- the low ranked werewolves, but they also have roles. Kumbaga parang simpleng mamamayan lang ng Heathlands. Ang iba sa mga female omegas na unmated or wala talagang mate ay nagiging 'breeder/s' para magbreed sa mga male werewolves na unmated at gustong magkaroon ng 'pup/s'.
(When werewolves have a babywerewolf or a child it's called 'Pup or Pups')

• Lastly ang mga Rogues. I don't even see them as one of the werewolves in Heathlands. But, sila ang mga makasalanang werewolves dito. Mga taong lobo na tumalikod sa dating pack at sa Heathlands Council. Mayroon silang sariling pack na tinatawag na 'Death Pack'. They are against the council and they want to take lead of the Heathlands. Mapupula ang mata at medyo iba ang anyo sa mga ordinaryong werewolves. Mga pangit at mahahabang balahibo. They also have a bad odour radiating from their bodies.

✾✾✾✾

- 𝚔𝚑𝚊𝚢𝚎𝚘𝚜𝚢𝚝𝚑𝚎.

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐋𝐔𝐍𝐀 ⁽ᴿᵉᵛᵉʳˢᵉ ᴴᵃʳᵉᵐ⁾Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon