𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐

3.9K 131 10
                                    


- 𝕴𝖈𝖍𝖞𝖗𝖔𝖘𝖊 -

Mayroon ding hierarchy dito sa Heathlands, mga malalakas, mayaman at maimpluwensya na mga pamilya o kilala bilang clan. Like, old monies.

Nangunguna ang Helios Clan. Lahat ng Elders sa Helios Clan ay kabilang sa Council. Halos sila mismo ang namumuno sa buong Heathlands dahil sila din ang bumuo sa mga packs dito sa lugar. Lahat ng Alpha sa Heathlands ay kabilang sa Helios Clan.

Nagsimula ito noon 1,470 years ago sa kauna-unahang Alpha dito sa Heathlands, si Great Marcial Helios. Siya ang naging unang pinuno sa pagpapatupad ng kapayapaan sa pagitan ng mga taong lobo at mortal na tao. Nang matagpuan niya ang lugar ng Heathlands, dito sila nagsimulang mamuhay hanggang sa lumago at dumami ang bilang ng mga taong lobo.

Pagkaraan ng dalawang daan na taon, nagsimula siyang magpatupad ng proteksiyon at council sa Heathlands.

Isa siya sa naging miyembro ng council, kabilang din ang ibang mga taong lobo na kasama niya sa paglalago at paglaganap ng kapayapaan. Makalipas ulit ang ilang daan na taon, nahanap niya ang kanyang luna at nagkaroon sila ng walong lalaki na anak.

•Marco Helios
•Dante Helios
•Antonio Helios
•Gratio Helios
•Carlo Helios
•Benjamin Helios
•Warren Helios
•Laurel Helios

Hanggang sa nagkaroon din ang mga anak nila ng sariling pamilya. Napagdesisyonan ng Alpha na hatiin sa walo ang lugar ng Heathlands. Ang North, East,South,West, North-East, North-West, South-East at South-West.

Nilagay niya isa-isa ang mga anak niya sa mga bago na walong teritoryo. Upang mas mapalakas at maproteksiyonan ang lugar ng Heathlands. Nagsimula ang pagbuo ng pack sa bawat teritoryo at lahat ng anak ni Great Marcial Helios ay naging Alpha katulad ng kanilang ama.

Hanggang sa kasulukuyan, lahat ng bagong Alpha ay kabilang sa Helios Clan. Sila ang mga panganay na anak ng mga anak ni Great Marcial. Nagkataon din na lahat ng panganay ay mga lalaki. Sabay sabay silang itinalaga bilang mga bagong Alpha, 3 years ago. Sa ngayon wala pang asawa ang lahat ng Alpha.

'Di pa kaya nila nami-meet ang destined mate nila?'

Ang mga dating Alpha at Luna ay naging parte ng council kasama si Great Marcial at ang luna nito.

(A/N:  So in this story, Werewolves were not really immortals like vampires. They just have a long life span, from 1000 to 3500 years of age)

Mayroong limang clan sa buong lugar sa Heathlands, kabilang sila sa council kaya din naituri nga silang maimpluwensiya at nangunguna nga dito ang pamilyang Helios.

----

Pagdating ko sa West ay agad kong pinark ang motorbike, malapit sa puno. Bumaba ako at naglakad papunta sa isang bahay. Kumatok ako sa pinto at naghintay na may sumagot o bumukas sa pinto.

" Sino yan?" tanong ng isang babae mula sa loob ng bahay.

" Hey Nicole, it's me Lade." sagot ko sa kanya.

Agad bumukas ang pinto at sumigaw sa tuwa ang isang baliw na babae.

Oh God.

" OMYGOSHHH! LADEEEE!" sigaw niya sakin at dinamba ako ng yakap.

" Aray! ano ba babae!? Ang bigat mo kaya!"

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐋𝐔𝐍𝐀 ⁽ᴿᵉᵛᵉʳˢᵉ ᴴᵃʳᵉᵐ⁾Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon