𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓

3.3K 138 0
                                    


- 𝖂𝖔𝖑𝖋𝖘𝖇𝖆𝖓𝖊 -

I woke up when I felt my body getting cold from the grass where I was laying.

Bumangon ako at umupo, nilingon ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Hapon na pala. Kaya pala medyo malamig.

Tumayo ako mula sa inuupuan kong damuhan at pinagpag ang dumi na dumidikit sa damit ko. I checked my watch--

5:55 pm. Hmm. Malapit na ding dumilim, I need to go back.

Pumunta nako sa motorbike ko at pinaandar ito, sinuot ko agad ang helmet ko at muling tinignan ang paligid.

Kanina pagkatapos kong pumunta sa South ay agad akong dumiretso dito sa lugar na parati kong tinatambayan kapag gusto kong magpahinga at magrelax. Isa itong malaking lake na pinalilibutan ng malalagong puno at iba't ibang halaman na matatagpuan sa gitna ng gubat.

Natagpuan ko ito dati ng minsa'y napag -tripan kong magliwaliw sa mga gubat na nakapalibot sa Heathlands. This is the only place where I claimed as my territory, why not? I was the only one who found this. Kaya simula noon parati na akong pumupunta dito at gumawa din ng sarili kong trail para makadaan ang motorbike ko.

Sinisigurado ko din na mananatiling sekreto at walang makaka-alam tungkol sa lugar na ito dahil malayo naman ito sa kabihasnan ng Heathlands at mga teritoryo nito. Wala namang naliligaw na rogue dito dahil sinisigurado ko na dinidispatcha ko sila bago makaapak dito, to make sure that this place will be always safe for me.

Agad na kong nagdrive paalis para pumunta sa Central town. Pagkalipas ng mahigit dalawampung minuto ay medyo malapit nako sa central town pero napapalibutan parin ang dinadaanan ko na kalsada ng mga mayayabong na puno.

Nilanghap ko ang preskong hangin na humahaplos sa mukha ko at sinasayaw ang buhok ko.

This feels like-- ! shit.

Agad kong hininto at pinatay ang makina ng motor ko at nilibot ang paningin sa paligid. I'm still here at the road. Walang dumadaan na sasakyan dito kundi ako lang. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa paligid, malamig na umiihip ang hangin at dumidilim na. Pinakiramdaman ko ang paligid at pumikit.

Umiihip ang hangin.

Sumasayaw ang dahon ng mga puno.

Mga tunog ng ibon na lumilipad sa taas.

Ang mabagal na paghinga ko.

Yapak na mistulang tumatakbo--

Mabilis kong minulat ang mga mata ko at nilingon ang direksiyon kung saan may narinig akong tumatakbo. Muli akong lumanghap at--

May rogue. Shit, that foul smell.

I grab my gun from the holster and wear my black mask that only covers my mouth and nose. My katana is still in my back.

Maingat na pumasok ako sa gubat kung saan ko mismo narinig ang mga yapak.

Only one rogue. Tss, I need to quickly end this one.

𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐋𝐔𝐍𝐀 ⁽ᴿᵉᵛᵉʳˢᵉ ᴴᵃʳᵉᵐ⁾Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon