Sab's POV
Ang saya pala dito sa garden. Buti nalang dito ang tambayan naming The Pops. Kaso tatlo lang kami ngayon. Si Kei at Jam may klase na agad. Si Lea naman di nakapasok.
"Alam mo Lavigne, bagay kayo ni Ian."
'Di ko na napigilang tumawa sa sinabi ni Cam na agad namang ikinasama ng tingin sa akin ni Lavigne.
"Tigilan niyo nga ako. Sinisira niyo yung umaga ko eh."
Masama pa rin yung tingin niya samin.
"Anong masisira? 'Pag naririnig kaya yung pangalan ko, mapapangiti ka agad."
Si Ian! Speaking of..
"The Monster."
Nakangiti siya samin pero ngiting pang asar.
Ang sama ng tingin sa kanya ni Lavigne. Kung nakakamatay man ang tingin, malamang kanina pa nakabaon sa lupa 'to si Ian.
Umalis nalang si Ian. Nadala ata sa tingin ni Lavigne. Grabe siya ha. Siya na nga 'tong nilapitan ng pinakasikat na lalaki dito sa Rimes, siya pa galit.
"Sab!" Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko. Pre occupied siguro ako. Takte! makasigaw naman kasi to si Cam eh.
"Problema mo Cam?"
"ASAN SI LAVIGNE?"
Tumingin ako sa paligid. Oo nga nawala siya. Multo ba yun?
"Palagi namang nawawala yun eh. Tara punta na tayo sa classroom."
Kinuha namin yung bag namin at dumerecho sa room.
Sa labas palang, rinig mo na yung sumisigaw. Hay nako. Nakalunok ba siya ng microphone?
"Hinding hindi namin magugustuhan ang mga taong katulad niyo."
Parang pamilyar sakin yung boses na yun ah. Agad kaming nakipagsiksikan ni Cam para makita kung anong nangyayari.
"Hindi ba kayo naturuan ng mga magulang niyo ng pagrespeto? Ano ba grade niyo sa Values, 65?"
Tama nga yung hinala namin. Si Lavigne yung sumisigaw at si Kei naman may tinutulungang babae para makatayo.
"Ate, what happened po?"
Siguro di na mapakali 'to si Cam kaya nagtanong na.
"Kasi po yung The Kings may binubully pong nerd. Eh nahuli po sila ni Lavigne and Kei ng The Pops. Kaya ayan tuloy. Teka, The Pops ka rin po kayo diba?! Tulungan niyo na kaya sila!"
Yeah right. Oo nga 'no. Naenjoy ko manood.
"Tara na nga Sab."
Tumango nalang ako sa kanya. Let's do this pops.
"Hindi 'no. 93 nga ako sa Values eh. Sa gwapo kong 'to, lahat ng teacher naiinlove sakin. Kahit lalaki pa yan."
Wtf? Kahit lalaki?! Kaya naman pala ang bait sa kanya ni Sir Hans eh.
"At, hindi ka nagkagusto sakin? 'Di ako naniniwala."
Aba, ganon Ian?
Bago pa man ako magsalita, naunahan na 'ko ni Cam.
"Sabihin na nating nagkagusto siya sayo. Pero, anong ginawa mo? Niloko mo."
Boom panes. Hindi maipinta yung mukha niya. Pero parang nalungkot siya. Bakit?
"Hindi niyo naman alam yung dahilan."
Nga-nga.
"Anong sinasabi mong dahilan diyan? Niloloko mo na naman ba ako?"

BINABASA MO ANG
Rules 101
Teen FictionMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?