Chapter 2- Introducing the rules

28 0 0
                                    

Lea's POV

"Bakit? Ano bang nangyari kahapon at nagpatawag ka ng meeting Lav?"

"Long story Lea."

Nakakainis naman to sila. Hindi ba pwedeng mag share man lang? Azar.

"Okay sige makinig ka."

Nagkwento na nga si Kei, Cam, at Sab. Sa pagkekwento nila, nakatingin lang sa malayo si Lav at kahit ayaw niyang ipakitang umiiyak siya, ramdam namin yun. Si Jam naman kahit nandito kahapon, wala ring alam sa nangyari.

"Oh, okay na Lea at Jam?"

"Yaz."

"Actually sinundan ko siya kahapon. But then nalaman niyang sinusundan ko siya so tinaboy niya ako. And it hurts so bad. Simula nung nagbreak kayo Lav, hindi niya na rin ako pinansin. Bestfriend ba tawag dun? Kaya ayun, siyempre nasaktan ako, sinabi ko sakanyang lalayo ako but in one condition."

Ano kaya yun?

"Lalayuan niya tayo. Wala siyang papansinin kahit isa sa atin. In short, there's a clash na magaganap between The Pops and The Kings. Are you girls ready?"

Good job, Sab. GOOD JOB.

Ngiting ngiti kaming lahat, lalo na si Lav.

Except for Kei. Nung nakita niya akong nagtataka sa inaasal niya, ngumiti siya. May tinatago kaya siya samin?

"Anong strategies gagawin natin?" Tanong ni Jam.

"Wait, strategies agad? How about kung rules muna ang gawin natin?"

"Good idea Cam."

Naglabas si Sab ng notebook. Nakalagay sa cover The Pops.

"So, rule no. 1 is?"

Napaisip kaming lahat.

"No one will be nice to them."

"2nd, Ang kaaway ay wag kaawaan."

"3rd, Ipagtatanggol natin yung mga inaapi nila."

"4th, lagi natin silang babarahin."

"5th, walang pwedeng makaapi sa atin na isa sa kanila. In short, we should always win."

"Okay na yan?"

"Yez. Dagdagan nalang natin if important."

"Let's get ready gals. Sure akong may hinanda rin sila."

"Let's show them what we got."

"Tara na."

Naghiwahiwalay na kami ng daan. Kinakabahan pa rin ako sa clash na 'to. Pero at least dahil dito, mapaghihiganti namin si Lav. Magkakapatid na yung turing namin sa isat-isa. Kaya kung anong ginawa mo sa isa, babalik yun sayo ng anm.

Whatever, mag fo focus nga muna ako sa studies ko. Isang oras na rin lang naman uwian na. Minsan lang ako magsipag kaya sasagarin ko na.

***

Felix' POV

Ano kayang nangyari at nagpatawag ng meeting tong ugok naming leader?

Nasa harap palang ako ng kwarto ni Ian, rinig na rinig ko na yung usapan nila. Pano 'pag narinig sila ng parents niya? Gago talaga.

"Tang'na ka Ian. Ba't mo pa pinatulan ha?"

"Akala ko ba magbabago ka na, magbabago na tayo? Diba?"

"May utak ka pa ba?"

"Gag* ka. Babae pa kinaaway natin? At mga babaeng gusto pa natin!"

Babae? Kinaaway? What the hell is happening?!

"Sandali nga! Isa-isang tanong lang!"

Binuksan ko na agad yung pinto. Halata naman sa mukha nilang nagulat sila. Multo ba ako?

"Aga mo naman, sabi ko 2pm, mag fa five na!"

"Ano naman?"

Binatukan agad ako ni Trob. Hindi sinasaktan ang mga gwapo. Lang'ya.

"Umupo ka na nga lang."

Umupo nalang ako, para kasing seryoso si Shawn e.

"Ito na yung rules."

Naglabas si Skie ng isang cartolina. Isa-isa naming binasa ang mga ito.

RULES - THE KINGS

1. Walang makikipag usap sa kanila.

2. Walang lalapit sa kanila.

3. Mang aapi tayo ng mas marami.

4. Lagi silang barahin.

5. Wala dapat mag pa api sa isa sa mga The Kings.

"Seryoso ba talaga kayo diyan?"

Naguguluhan pa rin kasi ako.

Tumango silang lahat sakin.

"Sino bang girl group yang sinasabi niyo ha? Seven stars? o--"

"The Pops."

THE POPS?! WHAT THE HELL. NAGIISIP BA SILA? KINAAWAY NI IAN? PANO SI LAVIGNE? DI NIYA NA BA MAHAL SI LAVIGNE?!

"Ni minsan hindi ko naisip na itigil yung pagmamahal ko sa kanya. Kaya please, wala naman tayong gagawing masama. Sakyan nalang natin yung trip nila."

Gag* talaga to e. Pasalamat siya kaibigan ko siya.

"Hay."

"Tara basketball nalang!"

"Mabuti pa nga."

***

"Ge uwi na kami Ian."

"Sige. Ingat. Alam niyo na gagawin niyo ah."

"Oo naman."

"Bye bro!"

Tuluyan na nga kaming umalis kila Ian. Hindi pa rin ako maka move on sa relasyon nilang dalawa ni Lavigne. Nasaksihan ko lahat sakanila. Nung nagliligawan palang hanggang nung nag hiwalay sila. Ang saklap lang na ang alam ni Lav may mahal na iba si Ian kaya nag move on na siya. Naaawa ako kay Ian kasi 'di niya naman gusto yung nangyari at alam naming makabubuti yun para kay Lavigne.

Sobrang saya nila noon. Pero may natuklasan si Ian.

Magkakilala pala ang parents nila noon. Bestfriends nga raw. Kaso nag away sila. Dahil sa pera. Dahil sa kayamanan.

Tama na nga. Sumasakit na ulo ko kakaintindi sa kanila eh.

Mapaglaro talaga ang tadhana eh no?

Sana hindi niya ako mapagtripan. Baka kung anong magawa ko.

Nung nakarating ako sa bahay, ayun pa rin yung iniisip ko. Mag eeleven na pucha naman.

Hay nako Felix, itulog mo na nga yan.

Yeah right.

Goodnight!

Bago ko pa maipikit yung mata ko, nag ring bigla yung cellphone ko. Sino ba namang magtetext sakin ng 10:43 pm?

New Message

From: +639982348294
To: +639214714143

Uy goodnight na nga! :) I just want you to know that I miss you.

F*ck? WRONG SEND?!

Rules 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon