Chapter 12- Rimes Night

27 1 0
                                    

Jam's POV

Lahat ng mga estudyante ngayon ay busy. Paano ba naman? Mamaya na ang Rimes Night kaya kung ano-anong bagay bagay ang pinagagagawa namin.

Kasalukuyan kaming nagdedecorate ng The Pops ngayon.

Si Cam, nagugupit ng flowers habang kumakanta para sa intermission nila ni Francis. Pano ba naman, naka 1st place sila sa contest eh.

Si Kei ayun nakatulala at hindi pa rin nakaka get over sa kaladlad scene. Ang awkward nga eh kasi nga andito si Lavigne.

Si Lea nagdidikit ng flowers sa baba ng stage.

Si Sab nagugupit ng tape.

Si Lavigne naman ang taga drawing.

At ako, nagpepainting habang nirerecall ang dance moves namin ni Trob.

Yeah siya na nga ang partner ko kesa dun sa plastic na Troy na yun. Magsama sila ni Gela.

Tama na ang nega nasisira ang araw ko. Tssss.

"Lavigne okay ka lang? Iba na ang dinodrawing mo oh?"

Kasi nga Rimes Night tapos ang dino drawing niya broken heart?

"H-huh? H-hindi.. sadya to.. para to sa..."

"Is this about someone you still love?" Hindi siya makatingin ng direcho sa akin. Posible ba na may feelings pa siya?

"Huh? E-eh.. uy Jam tawag ka ni Trob oh." May tinuturo siya sa likod at syempre lumingon ako.

Wala naman si Trob ah. Ay teka malungkot ba ako? Hindi pwede, kadiri kaya!

"Uy Jam!" Ay si Trob! Si Trob? Wala naman siya kanina.

"Ano?!" Naiinis kong tanong. Sino bang hindi maiinis?

"Taray naman." Pa iling- iling pa siya.

"Pwede ba nasasayang ang oras ko."

"Okay, okay. Mag practice na raw tayo sa audi para mamaya sabi ni ma'am Asis. Sumunod ka nalang."

Nakasimangot na siya. Masyado bang mali ang inasal ko? Hindi tuloy ako inantay.

"Girls. Alis na ako may practice daw." sabi ko pagbaba ng stage.

"Oh asan si Trob?" Nagtatakang tanong ni Kei.

"Nagalit eh. Sige bye!"

"Bye Jamyjam!" Masasayang sabi nila.

Hindi ko alam kung masaya sila na wala si Trob o dahil aalis ako. Syempre biro lang.

"Bilisan mo nga! Kanina pa kita tinawag ah!" May narinig akong nagsalita mula sa second floor at alam ko na kung sino yun.

"Sabi mo sumunod lang ako. Wala kang sinabing oras Trob! Tsss." Nagmadali na akong umakyat at sa wakas nakarating din sa auditorium.

"After 123456789 years dumating din." Pagpaparinig ni Trob.

Inirapan ko nalang siya. Umupo ako tsaka kinuha ang phone ko.

"Kaya tayo nandito para magpractice." Ang strict naman nito kaya tinago ko na ang phone ko at tumayo sa position ko.

Tumayo na rin siya sabay play ng music. At ang piniling kanta para sa amin ay remix ng hiphop songs at sa simula ay ang kantang All of me para may thrill.

Unti-unti kaming lumapit sa isat-isa. Walang malisya ha? Sayaw lang 'to.

Defensive ba ako masyado? Yak talaga.

Rules 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon