Sab's POV
Sunday Morning, rain is falling.
Kakaasar naman. Hindi tuloy natuloy yung sundate with the pops.
Pero syempre kahit umuulan, magsisimba parin ako.
Kahit papano naman, Banal po ako.
..
Dali dali akong nagbihis at nag ayos. Kasama ko pa parents ko. Ang aga nilang magsimba eh.
Nasa family kasi kaming the pops tuwing weekends. Skl hihi.
Nang makarating kami, as usual, andaming vacant seats. ANG AGA PA KASI.
Umupo na kaagad ako. Mabilis rin kaming naghintay. Mag wa one hour na nang magsimula yung misa. Pero okay lang.
***
Maya-maya biglang may umupo sa tabi ko. Naka shades siya. At ang cool ng porma.
Diba sabi nila makikilala mo ang isang tao for a reason. Pano kung siya pala yung future ko? Pano kung siya pala yung magmahal sakin at mamahalin ko rin? Pano kung nakatadhana pala ka---
Natigil ang pagde daydream ko nang tanggalin niya yung shades niya.
WTF "IKAW?!"
At nagkasabay pa kami. Naagaw tuloy ang atensyon ng mga tao na malapit sa inuupuan namin. Napatingin sila sakin.
Yung teens, ayun naka meaningful smile. Yung matatanda ayun parang ampalaya. Masyadong bitter. TAPOS YUNG PARENTS KO....
They gave me that 'Anong-nangyayari-sayo-look'
Kaasar kasi si Shawn super!
Ikaw kaya, yung feeling na katabi mo sa isang banal na place yung kaaway mo!
Fuuuuuuuuuu----
***
Shawn's POV
Lang hiyang babae to. Nag eskandalo pa sa simbahan?! Hay.
Dali dali siyang nagtatakbo papunta sa somewhere. Mabuti pa sundan ko to.
Pero bago pa ako maka alis, hinatak ako ng daddy ni Sab. Hala.
"ANONG GAGAWIN MO SA ANAK KO?!"
Uhmmm...
"Huh? Di ko po kilala ang anak niyo. Babalik na po ako sa parents ko. M-may...dumaan po kasing.. p-pusa.. kanina eh.."
Mukha namang napaniwala ko siya kaya binitawan niya na ako.
Nakita ko si Sab na pabalik na kaso may isang grupo ng mga lalaki ang humarang sakanya.
Anong gagawin nila sa Sab ko? Kaya agad na akong tumakbo para makapatay.
SuperShawn to the Rescue!
"Hoy. Tigilan niyo siya."
Humarap naman sakin yung grupo, pati na ang leader nila.
"Nice to see you again Shawn."
Huh? Ang ___ nagbabalik?
"Ba't bumalik pa kayo? Anong kailangan niyo?"
"Kayong The Kings."
"Hayaan niyo na yang babaeng yan. Pakawalan niyo siya."
"Bakit? Eh sa popormahan ko siya eh. Boyfriend ka ba niya?"
"OO. KAYA UMALIS NA KAYO."
Napatingin sakin si Sab. Kainis di nalang makiride tong babaeng to.
I gave her that 'makiride-ka-nalang-look'
"Eh kung sa ayaw ko? May magagawa ka?"
Aba. Leche to ah parang di niya ako kilala.
Kaso imbis na ako yung sumagot,.....
"Oo."
Biglang sinunggaban ni Sab yung leader, si Ranz.
Sinuntok, sinipa, inumpog, sinuntok, sinipa, inumpog.
Sa limang ganyan niya, bagsak na silang lahat.
Nagtatakbo siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
Napatulala lang ako sakanya. Taena ang lupet ng babaeng to.
"Hoy. Tara na. Ano? Nabighani ka na naman sakin? wag ka nang umasa Shawn, tara na..... boyfriend pala! Dali!"
At yun nagtakbuhan kami nang nagtakbuhan. Hinahabol kasi kami nung mga gago eh.
Nilito namin sila at tagumpay kami. Narinig kong sabi ni Oli, kanang kamay ni Ranz na next time nalang ako upakan kaya eto kami ni Sab. Nakaupo sa bench sa may pond.
Tuluan ang pawis. Lecheeee.
Pero kahit ganun, she's still beautiful.
Nawawala ang pagkabad boy ko every time i'm with her.
Im still inlove with her pa ba? Di ko rin alam.
BAKIT BA KASI NAG BREAK PA SI IAN AT LAVIGNE? EDI SANA KAMI NA NI SAB DIBA? SHET
Maya maya pa nag aya na siyang bumalik pero nauna siya.
Sakto naman na time na for 'Peace be with you' na.
Pasimple kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Mga 1 inch. ^_^
Halata sa kanya na kinabahan siya eh binulungan ko lang naman. Kinikilig to?
"Peace be with you Sab."
"Hmp! Peace be WITHOUT you!"
Naging maayos naman ang parents niya sa kanya.... at sakin...
Pinakilala niya pa ako as her Boyfriend.
...
SYEMPRE JOKE LANG. AS A FRIEND LANG NAMAN. MEDYO IMPOSIBLE KASI.
Guess what?
Inaya ako ng parents niya for dinner tutal kaibigan naman daw pala ako ni Sab nahiya pa raw ako.
How lucky am I?
***
Sab's POV
Ang kapal naman ng face neto. Inaya lang ng parents ko magdinner akala mo close PA kami.
Well, miss ko na siya actually.
Dahil sa Ian and Lavigne break up, naudlot tuloy yung pagsagot ko sa kanya. Edi sana kami na right?
Hayyy, bakit ba kasi sila nag break? Hanggang ngayon curious pa rin ako. Di ako naniniwala na hindi na mahal ni Ian si Lav.
Nandito kami ngayon sa tapat ng gate. Uuwi na raw kasi siya. Pero, nagusap muna kami.
"Sab, sikreto lang lahat ng to ah. Alam naman nating may clash na nangyayari eh."
"Oo naman."
"Sab... I... still... l-love...y-you... Right after this clash, liligawan kita ulit.. pero di natin alam kung matatapos pa to. Pero Im sure... please give me a second chance..."
Nanatili akong tahimik. Basta ang alam ko lang niyakap niya ako saka siya nagpaalam.
Mahal pa rin kita Shawn..
Pero we should sacrifice first. Just wait for me...
At tuluyan na siyang umalis.
---
HI GUYS! Kinikilig din ba kayo sa Sab-Shawn loveteam? Hahaha. Marami pa silang moments kaya abangan niyo pa!
-MissA
BINABASA MO ANG
Rules 101
Teen FictionMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?