Kei's POV
Ang sakit.. sakit...
[MissA: Drama mo.]
Tumigil ka nga author. Moment ko to. Pagbigyan mo na ako.
[MissA: Bahala ka.]
~Okay.. back to the story... CHAPTER 9 TAKE TWO!!
***
Ang sakit... sakit.
Bakit ba si Lavigne pa rin Ian. Naka move on na siya. Andito naman ako.
Hindi ko kayang mahuli na naman nila ako this time. Kaya after interviewhin si Lav, tinakasan ko sila at nagpunta ako sa garden. At doon ako umiyak nang umiyak.
Sawi talaga ako sa pag ibig eh no?
At yun.. bigla namang umulan. Well okay lang. Wala na akong klase ngayon. Si Lav nalang kaya dito muna ako.
Wait, bat parang di naman ako nababasa?
Omg. Si IAN pinapayungan ako!
Agad akong tumayo at niyakap siya.
"Ian...."
"Kei. Anong problema.."
"Gusto mo ba talagang.. m-malaman?"
"O---"
Itutuloy pa lang sana ni Ian yung sasabihin niya ng may epal na lumapit samin.
"IAN?! WHAT THE HELL? Are you m------"
"Hindi, okay? Wag OA Skie."
Tumingin naman agad sakin si Ian.
"Eto kasing babaeng to eh. Bigla nalang yumakap."
ANG SAKIIIIIIIT. NAKAKAINIS. ANG SAMA NI IAN. PERO MAHAL KO EH... Ayoko naaa.....
Napahiya ako dun ah. Kaya ayun.. binaliktad ko siya.
"Hoy Ian! Ikaw tong yumakap sakin no. Pinipilit mo pa nga akong maging girlfriend mo eh. Ano?"
"Huh?"
"Wag na mag deny Ian. You love me, dont you?"
"H-hindi totoo yan."
Agad naman itong hinila na ni Skie.
I guess panalo ako.. time to spread this news to the whole school. Duh.
***
"Omg, Kei? new love of Ian?"
"ang swerte!"
"bagay ba sila? kay lavigne parin ako."
Yan.. yan ang mga salitang naririnig ko kinabukasan sa school. Yes. How lucky am I?
alam kong binaliktad ko lang ang nangyari pero feel na feel ko eh. Wala akong pinagsisisihan.
Ganito ako kasama.
Nung pumunta ako sa locker, nakita ko si Ian.
Nginitian ko siya.. but he just ignored me. Duh rejection feels.
Nang maraming students na ang dadaan, hinila ko si Ian sakin at niyakap siya, halatang nagulat siya.
Nagtilian tuloy ang schoolmates ko. Kinikilig ako.
Binitawan ko na siya at nagtatakbo, at syempre, nag flying kiss. O diba?
Omg. Omg. Omg.
.
.
.
.
.
.
.
Nakatingin si Lavigne sakin....
WITH A SMILE ON HER FACE. WHOOSH. kinabahan naman ako.
Niyaya ko na siyang pumasok na sa room, hindi siya nagsasalita. Alam kong nasasaktan siya. NASASAKTAN KO SIYA. Mission ko yun eh.
***
Ian's POV
"HOY Sumagot ka! Anong meron sa inyo ni Kei!"
Paulit ulit na nila tinatanong yan. Hay nako kasi yung babaeng yun.
Nalalandian na ako.
"Walang samin okay? sa tingin niyo ba papatulan ko yung babaeng yun? Eh ang landi eh."
Naging seryoso na rin ako. P*ta kasi eh.
"Okay, okay. Chill ka lang. Mamaya mapatay mo kami eh."
Tawa sila nang tawa. Hayst. Maka walk out nga.
Nagdire direcho na ako sa paglalakad. Hanggang sa andaming babaeng nakapaligid. Kasama na si Kei. Oh sh*t.
"Ian. Sabay na tayo mag lunch ha. Ilysm."
Nagtilian na naman tas umalis na si Kei.
Bwisit. Sabayan mo sarili mo.
BINABASA MO ANG
Rules 101
Ficção AdolescenteMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?
