Jam's POV
Sayaw.. sayaw.. sayaw.. Argh! Ayoko na. Pagod na pagod na ako.
Pinagsisisihan ko na kung bakit ipinanganak akong dancer. Masaya naman ako kaso nakakapagod lang talaga.
"Jam hahanap pa ako ng makakapartner mo dito sa sayaw."
Partner? Hay.
Biglang bumukas yung pinto.
.
.
Si Trob shems!
"Pero I think nahanap ko na siya."
Nakatingin lang ako sakanya. Wag niyang sabihing si T---
"Trob. You will be the partner of Jam. Hindi ka na makakatanggi, okay?"
"Eh ma'am wala naman po talaga akong magagawa eh.Pero matanong lang po, siya po ba talaga yung makakapartner ko?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba.
"Wala na po bang iba?"
Wow. Kung ayaw mo edi wag. Bwisit.
"Sige ma'am ayaw po yata ni Mr. Trob na makapartner ako, so... hahanap nalang po ako ng ipapalit sakanya."
Habang sinasabi ko yun, tumingin ako sakanya with "nakakadiri look".
"Mabuti pa nga Jam. Humanap nalang tayo."
Nauna nang umalis yung instructor namin.
Paalis na rin sana ako pero may humila sakin pabalik.
"Oooops. Ako nalang nga."
Huh? Bahala ka.
"May nahanap na ako. Umalis ka na."
"At sino naman?"
"Si.. Troy.. Bakit? MAY ANGAL KA?"
Kinabahan tuloy ako sa reaksyon niya. Tinignan niya ako nang walang emosyon sa mukha niya.
Kambal niya si Troy. Pareho silsng gwapo at maangas pero ang nakakatawa, para silang mortal na magkaaway. Palagi silang may pinagaagawan. Minsan nananalo si Troy, minsan si Trob.
Unti-unti niyang binitawan yung kamay ko.
Dahan dahan din siyang naglakad palayo pero nung nasa pinto na siya, lumingon siya bigla sakin.
Yung nakakatakot na tingin kaya kinabahan ako kaagad.
Maaawa at matatakot na sana ako eh. Pero sabi nga sa rule no. 2, dapat silang ituring na kaaway.
Mabait naman ako, pero hindi sa mga kaaway ko. Che. Kainez.
Hinayaan ko muna siyang maka alis saka ako pumunta sa classroom ni Troy.
Troy is my boy bestfriend. Siya yung palagi kong kasama pag wala yung The Pops at siya yung andyan pag down ako. Tuwing may pinagtatalunan sila ni Trob, sa kanya ako kumakampi.
Hindi ko alam kung bakit si Trob pa ang nasa The Kings. Dapat si Troy nalang eh. Tsss.
Pagdating ko sa classroom nila Troy, wala raw siya dun. Pagpunta ko sa garden, wala rin siya.
Ah, alam ko na.
Dumerecho ako sa likod ng third building. At tama nga ako.
"Troy, bakit ba si Jam pa yung gusto mo? Ako nalang Troy. Ako nalang."
Huh? Tama ba yung naririnig ko? Gusto ako ni Troy? Omfffg.
Sumilip ako. Si Gela? Gusto niya si Troy?
"HINDI KO SIYA GUSTO OKAY? GINAGAMIT KO LANG SIYA PARA MAKALAMANG AKO KAY TROB!"
.....
Nangingilid na yung luha ko. Alam ko tutulo na to anytime. Haaaay. Wag kang iiyak Jam. Wag.
"Hindi mo siya gusto?"
"Hindi nga. Diring diri nga ako sa babaeng yun. Ni minsan di ko siya ginusto Gela. Kasi ikaw yung gusto ko. Okay? Ikaw."
Ang kapal ng mukha niya.
Bago pa man ako makaalis, may nakabangga pa sakin. Badtrip naman. Napasigaw ako. Nakita tuloy ako ni Troy at Gela.
"J-jam?"
Bulag ba 'to?
Nagpanic bigla si Troy. Ang galing talaga umacting nito. Akala niya ata di ko alam.
Nagtatakbo siya papunta sakin.
Inalalayan niya ako pati ni Gela. Pucha sila. Pucha.
Si Trob naman nakatayo lang. Ay!
Nang makatayo ako, 'ito na yung chance mo Jam'
Sinampal ko nang malakas si Troy. At yun. Tuloy tuloy na nga yung pagtulo ng luha ko. Sheeeet.
"Jam! Anong problema mo?"
Sinampal ko nalang din si Gela bago pa ako magsalita.
Hingang malalim. Wooo.
"Una sa lahat, niloko NIYO ako. Pangalawa, nahuli ko kayo. Pangatlo, ang lakas pa ng loob niyong umacting na kunwari FRIENDS tayo."
"Huh what do you mean Jam?"
"Wag kang magpanggap diyan Gela. Akala ko pa naman mga kaibigan ko talaga kayo. Lalo ka na Troy. Ang sama sama mo. Wala kang kwentang bestfriend, WALA KANG KWENTANG TAO!"
I left them dumbfounded.
Hays buhay. Habang tumatakbo ako, alam kong may nakasunod sakin. Si Troy kaya yun? Or si Gela?
None of the above. Si Trob yung humabol sakin.
Hindi ko inasahan yung mga sumunod na pangyayari. Niyakap ako ni Trob. Ang alam ko lang umiiyak ako at niyakap ko rin siya.
Ay nako naman Jam! Ang shunga shunga mo! Kaaway mo yun e!
What was that for?
***
Trob's POV
Ito na yung chance ko para maiparamdam yung pagkagusto ko kay Jam.
Kung di lang dahil sa break up ni Ian at Lavigne isama mo na ang rules, siguro matagal ko nang naligawan si Jam.
Nagsisisi na ako na ipinagkatiwala ko siya kay Troy. Pinigilan ko lang ang sarili ko kanina pero sa totoo lang gusto ko na siyang sapakin.
ANG DRAMA NAMAN.
Bigla kong naaninag yung tropa! Nako patay! Alis na ako.
Wrong timing naman oh. Naiwan ko tuloy si Jam. Leche kasing rules to!
Pero masaya pa rin ako. Kasi first fight, ako ang nanalo.
Dont worry Jam, matatapos din tong clash na to.
You'll be mine.
BINABASA MO ANG
Rules 101
Teen FictionMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?
