Cam's POV .
[It's amazing how you can speak right to my heart,
Without saying a word, you can light up the dark.
Try as I may I could never explain what I hear when you don't say a thing..]
Hay. Hingang malalim, baka hindi ko maabot yung tono, lagot.
[The smile on your face lets me know that you need me
Huh? May ibang kumakanta para sa kin?
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
Imposible! bakit siya pa?
The touch of your hand says you'll catch me if ever I fall
Sinenyasan siya nung teacher namin na hawakan yung kamay ko tapos sumabay na raw sa ako sa pagkanta.
You say it best, when you say nothing at all]
Nagpalakpakan silang lahat lalo na yung teacher namin na sumisigaw pa.
"Hay! Sa wakas! I found the perfect match!"
"Huh? Perfect match?"
Nababaliw na ata siya.
"Oo Cam. Perfect match talaga tayo."
Sabay wink pa. Aist! Pasalamat siya cute siya eh.
"Hoy Mr. Francis Isaiah Feliciano, hindi tayo perfect match k? Miss, mag ba back out na po ako dito."
Dali-dali kong kinuha yung gamit ko. Aalis na sana ako pero---
"Ano bang problema mo? Wala akong pakialam sayo no. Pero sa school natin meron. Kailangan nating manalo okay? Di kita type. Ang pangit pangit mo eh!"
Aba? Pangit pala ah.
"Ah ganun ba? Pangit pala ang tawag sakin? Pano pa kaya ikaw? holdaper sa kanto?"
Sabay wink sa kanya. Tapos ngumiti rin ako syempre. Yung ngiting pamatay. ;)
"Tama na nga yan! Magpractice na kayo! Buong araw kayong magpapractice okay? Na excuse na kayo sa lahat ng subjects niyo kaya wala kayong dapat ipag alala. Iwanan muna namin kayo. Ayusin niyo yang practice niyo ah!"
Sabay alis. Aba? Iwanan daw kami dito? World War III na.
Hindi pa naman ako sanay makipagaway. Ang bait bait ko eh. Nah! Shete naman.
"Oy ang lalim lalim ata ng iniisip mo diyan."
"Lalim lang. Lalim lalim iba na yun eh."
Napatawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Totoo naman e.
"Okay. Ang LALIM naman ng iniisip mo."
"Oh ano ngayon?"
Napangiti na naman siya.
Ano ba! Sapakin ko siya eh. Feeling ko umaapoy na yung pisngi ko.
"Ang cute mo 'pag naaasar."
"Ako?"
"Hindi, yung katabi mo."
HALA? KAMING DALAWA LANG NAMAN YUNG TAO DITO.
Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko......
Sh*t! Wala namang tao eh. G-r-r-r!
Tumingin agad ako sa kinatatayuan ni Francis pero wala na siya.
Omygash. Hala ka Cam. Asan na siya. Wala ka ng kasama. Ang dilim dilim. Katapusan ko na ba?
.
.
.
.
.
"BOO!""Ay! Bwisit ka! Nakakainis ka!"
Nahampas ko tuloy yung braso niya nang sobrang lakas.
"Aray."
Pumikit siya na parang nasasaktan talaga siya.
"Hoy! Umayos ka!"
Tapos napaupo siya na habang iniinda yung sakit sa braso niya.
Hala?
"Uy Francis. Takte naman eh. Sorry na. Sorry sorryyy!"
Lumuhod ako para mahawakan at maalalayan siya pero imbis na mahila ko siya patayo, ako yung nahila niya pababa.
Ngayon, sobrang lapit na ng mukha namin sa isat-isa. Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko.
Nakatitig siya sakin, at nakatitig din ako sa kanya. Ang gwapo niya pala talaga.
"Gwapo ko?"
Natauhan ako sa sinabi niya. Hinampas ko ulit siya at dali-daling tumayo. Omg.
"Ha-ha. Whatever!"
"Practice na nga tayo."
"Bahala ka sa buhay mo."
"Okay. Siya na nga yung nanakit, siya pa galit."
AAAAAIIIISSTT! BWISIT KA TALAGA FRANCIS ISAIAH FELICIANO!
***
Francis' POV
Kaya mo yan Francis. Just do your best. Pakiligin mo yang babaeng yan.
Ang weird lang kasi ang gaan ng loob ko sa kanya. Gusto kong maging mabait sa kanya pero wag muna. Pag tapos na yung clash, pwede.
"Sorry na."
"Ayoko nga."
"Pleaseee!"
Nag puppy eyes siya, ang cute niya talaga.
"Uhm, in one condition."
"Ano naman yun?"
"Be my girlfriend. Fake girlfriend."
Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. Feeling ko nga sasabog na siya eh.
"Huh? Wag na lang. Kahit wag mo na akong patawarin."
Ouch. Totoo ba to? Nireject ako ng isang babaeng tulad niya?
"Is that your final answer?"
"Y-E-S. YES. "
"K."
Tumalikod ako sakanya. Grabe tong babaeng to! Ako na nga tong lumalapit sa kanya eh. Yung ibang babae nga sila yung nanliligaw sakin tapos siya, irereject niya ako?
"May ibang condition pa ba? Please."
Hindi ko nalang sinagot yung tanong niya. Umakyat nalang ako sa stage. Hay, magpapractice na nga lang ako.
Umakyat din siya sa stage para magpractice.
'Di mo ako matitiis Carla Aira Martin.
Sinimulan niya yung kanta, sinundan ko tapos nagsabay na kami.
Feeling ko 20 times naming inulit ulit yung kanta bago pa makabalik yung teacher namin.
Uwian na kaya.
"Okay, bukas naman. You may go."
"Goodbye Miss Ruallo."
"Bye, take care ha. Umuwi na agad para ipahinga yung boses."
"Opo."
Nauna na sakin si Cam. Sa pagmamadali niya, may nahulog siyang pouch.
Ano kayang laman nun?
Kinuha ko agad yun at binuksan. Andun yung I.D. niya. Ang careless naman.
Hindi ka makakapasok bukas Cam. No I.D. No Entry diba? Tsk tsk tsk.
Kawawa ka naman Cam. Pano ba yan? Panalo ako ngayong araw na to. :P
Bukas naman ha!

BINABASA MO ANG
Rules 101
Novela JuvenilMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?