Ian's POV
Grabe. Na stuck ako sa dare kagabi at ngayon, nomination na for Mr. And Ms. Rimes.
At sigurado nang kasama ako kasi yun ang pinili ni Lavigne. Sa totoo lang mas gusto kong mag fake relationship nalang kami kaso mas gusto niya raw yung pageant nalang.
Naka move on na ba talaga si Laviloves ko? I wanna cry.
Hindi ako maka getover sa fact na marami pa rin ang may gustong ibalik ang relasyon namin at magcollide ulit ang The Pops at The Kings pero kahit anong gawin ko, ayaw niya eh.
Hindi ko siya mapipilit, mahal ko eh.
Its fucking final at may 2% chance nalang na magkakabalikan pa kami.
Nakakapag badword tuloy ako nang wala sa oras eh.
"Pre ayos ka lang?" Umiling iling nalang ako kay Trob.
"Bakit?" Tanong naman ni Shawn.
"Kinakabahan?" Tanong naman ni Josh.
"Oo."
Isa-isa nila akong niyakap. Ang bakla naman.
"Lumayo nga kayo sakin kadiri!" Sabi ko habang pinapagpagan ang damit ko.
"Grabe naman tol! Pero pag si Lavigne baka hindi ka na humiwalay sa yakap. Unfair!" Natatawang sabi ni Felix.
"Ay ewan ko sa inyo! Bahala kayo!" Pagkasabi ko nun, tumakbo na agad ako sa activity area sa school. Magsisimula na yata ang program para sa nomination ng Mr. And Ms. Rimes.
Pero nagkamali ako. Ilang minuto akong naghintay, 10 mins, 30 mins, 55 mins, isang oras na nga yata bago pa unti unting magdatingan ang mga estudyante.
Maya-maya dumating na rin ang mga ka section ko. Hindi nga yata nila ako napansin.
"Alam mo ba galit na galit si miss Ferrer kay Ian?"
"Kawawa nga si ate Lavigne eh." Narinig kong nagbubulong bulungan ang dalawang kaklase kong babae.
Tatanungin ko pa sana sila kaso narinig kong nagtatawanan ang mga bwisit kong kaibigan. Nang makita nila ako, lalo silang natawa.
Hindi ko napigilan ang sarili ko sakanila. Bakit ba nila ako pinagtatawanan?
"Hoy bakit ba ang tagal niyo?!"
"Hindi kasi kami nag iiskip ng klase!"
"Bakit, nag skip ba ako?" Tanong ko sakanila nang may pagmamayabang.
"Hindi mo ba natatandaan? Lagot ka kay Ms. Ferrer. Diba ikaw magrereport ngayon sa English? Tapos nagskip ka ng class?"
Ay sht oo nga! Spell tanga? I-A-N.
"OO NGA PALA!!!" Sigaw ko sakanila at nagtawanan pa sila.
"Asan si Ms. Ferrer?" Nang magtanong ako, natahimik ang mga kaibigan ko, tumalikod sila at nagsimulang maglakad palayo. Hahabulin ko sana sila nang...
"Mr. Ian." Pagharap ko, isang matangkad, maputi, at nakasimamgot na babae ang nakita ko.
Si miss Ferrer! Lagot. Dito pa naman sa teacher na 'to hindi tumatalab ang charm ko.
"Sorry ms. Akala ko po kasi magsa start na ang program 1 hour ago. Nawala po sa isip ko na English class palang."
"Tsk tsk tsk. Kay Ms. Lavigne ka magsorry kasi siya ang napagbuntungan ko ng galit sayo. Siya ang pinagreport ko!"
"ANO?! Sige po ms. Sorry po ulit.." tumalikod naman sakin si ma'am. Nako po mas lagot ako kay Lavigne.
Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko na siya. Medyo maluha-luha yung mata niya at parang pinapakalma ng The Pops.
BINABASA MO ANG
Rules 101
Teen FictionMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?
