Cam's POV
Naaalala niyo pa ba nung nagpractice ako kasama yung na yun. Nasa kanya pala ang I.D ko kaya kinabukasan hindi ako pinapasok. Sayang tuloy ang lessons na na miss ko. Nakakainis.
Pero siyempre nabawi ko rin. Sugurin ko ba naman siya sa address niya? Tsss.
Enough for that...
Simula nang mag clash, marami na akong kakaibang napansin.
Flashback...
Naglalakad ako ngayon sa may likod ng school nang may nakita akong babae na umiiyak. Umuulan pa naman. Papayungan ko na sana siya nang naunahan ako ni..... Ian?
Parang nag lighten yung mukha nung babae at sa wakas nakilala ko rin. Si Kei.
Iba yung ngiti niya eh. Ibang iba sa mahiyaing Kei. Niyakap niya pa si Ian. Bigla namang dumating si Skie at mahuhuli sana ako kaya tumakbo na ako paalis at kinalimutan yung mga nakita ko.
Kinabukasan, kumalat naman sa buong campus na gusto nila ang isat isa. Hindi pwede.
One time, habang naglalakad si Ian, niyakap ito ni Kei at... nag flying kiss pa.
Nakita kong nakatingin sa kanila si Lav and flashed a weak smile. Nasasaktan siya. Halata. At pumasok na sila sa room pati rin ako.
End of flashback...
At ngayon naman ay lunch time. Nakita kong papunta sa table ni Ian si Kei at may dalang order.
Pero ang nakakagulat tumayo si Ian at kinaladkad si Kei. Halata sa mukha ni Kei na nasasaktan siya.
Nakaagaw sila ng atensyon mula sa mga estudyante.
Wala akong nagawa kundi ang sundan sila. Until we reached the locker room.
Pumasok na sila kaya nakinig nalang ako sa pinto.
"Kei itigil mo na to, okay? Wala ka namang mararating eh."
"No, no, no...never Ian."
"Alam mo bang nalandian na sila sayo? Lalo na ako. May mga taong nakakita kung ano yung totoong nangyari sa likod ng school. At pinagkakalat na nila. WALA KA BANG DIGNIDAD HA? Babae ka pa naman. Nakakahiya."
Alam kong lalabas na si Ian kaya nagtago ako. Pag alis niya, pinuntahan ko si Kei, at sakto namang nagsasalita siya.
"Ang sakit... bakit ganito ha? BAKIT! Pagbabayaran niyo tong lahat. Sisiguraduhin ko yan!"
"K-kei..." kinakabahan tuloy ako. Kami kaya ang tinutukoy niya?
Nagulat naman siya. Pero mas nagulat ako nung niyakap niya ako.
"Cam... napahiya na ako sa buong school. The Pops pa naman ako tapos... hay... sorry talaga...so---"
"Tama na okay? Tara na..."
At inalalayan ko siya papunta sa parking lot.. uuwi na raw kasi siya. Oh gosh. I smell something fishy. Pero, nevermind.
Kalimutan mo na ang lahat ng pagdududa Cam.
***
Kei's POV
Hay. Akala ko mahuhuli na ako ni Cam. Hindi pala. Buti naman.
Ang kaso lang napahiya ako sa buong school about that kaladkad-scene.
At syempre, ang sabihin sayo ng taong mahal mo na malandi ka. O diba? Double kill.
Kaya eto umuwi na ako. Mangingielam na lang ako ng gamit nilang apat. At kung ano ano pa. Hayst.
BINABASA MO ANG
Rules 101
JugendliteraturMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?