Lea's POV
Ang sakit na ng kamay ko kakatype ha! Pero okay lang katext ko naman si Jem, my loves eh.
Pero syempre friendzoned ako. Azar.
{Uy goodnight na nga. I just want tp know that I miss you. :) }
Sorry kung masyado akong obssessed ha. Mahal kita eh. Kahit di moko pinapansin.
HUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU---
Biglang nag beep yung phone ko. Omg. Posible bang siya? Siya lang naman tinext ko at hindi ako tinetext ng The Pops. Omggggg.
New Message
From:
Miss, WRONG NUMBER. Magtetext nalang tatanga tanga pa eh.
End
---
AY LESHE NAMAN OH. ANO BANG KATANGAHAN TO LEA. BUNGOG KA ALAM MO YUN!
Pero grabe naman maka 'tanga' tong nagreply sakin. Na wrong send lang ih. Mareply nga.
{Kung maka 'tanga' naman to wagas. Chill lang kuya! Sa words mo napagkakamalan ka tuloy chaka. Hay. Leche.}
NAGBEEP NA NAMAN YUNG PHONE KO.
*Conversation
Unknown: Bakit? Di ka ba tanga. Hoy! Baka ikaw ang chaka! Gwapo gwapo ko eh!
Me: Gwapo lang, gwapo gwapo imposible nang ikaw yun eh.
Unknown: Wow, bakit ikaw? Maganda ka ba?
Me: Oo naman. In and out.
Unknown: In and out daw eh bakit desperada ka dun sa tinext mo. Pangit na inner personality yun!
Me: Pakielam mo ba eh sa mahal ko yun eh! Depende lang kung nagseselos ka? Grabe ah. Nagtetext text lang tayo di mo pa nga ako nakikita inlove na agad? Pano pa pag nakita mo ko? Baka bigla kang manigas sa kinatatayuan mo.
Unknown: Hoy miss wag ka ngang feeler. Wala akong paki sayo no. Pati diyan sa nilalandi mo. Magsama kayo!
Me: Nilalandi agad? Bakit di kayo ang magsama, bagay kayo! Mas babae ka pa yata kesa sakin eh. Warfreak ang pucha.
Unknown: Umayos ka! Baka sugurin kita.
Me: Natakot naman ako. Alam mo address ko? Stalker lels.
Unknown: uuuurgh!
Me: Pikon! HAHAHAHAHA!
Unknown: TUMIGIL KA NA!
Me: Libre mo muna ako. ;))
Unknown: Malandi ka! Siguro gold digger ka no? Manggagamit ka ata eh. O kaya budol budol gang. Siguro mayaman yun kaya mo nilalandi no? Kawawa naman yun uy! Maawa ka! Mukang pera! Pucha ka bwisit ka!
WOW. MEDYO NASAKTAN AKO DUN AH. KILALA BA AKO NITO? BAT WALA NAMANG CONNECT YUNG SINABI NIYA? KAPAL NG MUKHA NG G*G*NG TO.
Me: Hoy Sumusobra ka na ha! Di mo nga alam pangalan ko kung makapanglait ka akala mo kilalang kilala mo ako! Malas mo di ka pa siguro naiinlove kaya para kang ampalayang puno ng bitterness diyan. Kulang ka sa atensyon no? Kawawa ka naman. Siguro disappointed parents mo sayo no? Masama kasi ugali mo tol. Hay. Anyways, I DONT EFFIN' CARE ABOUT YOU. GET LOST!
***
Felix' POV
Me: Pikon ka no? Kawawa ka naman. Affected much uy? Landi kasi.
Me: Ano natahimik ka? Sakit no?.
Me: TALO KA PALA EH.
Naka sampung milyong text na ata ako dun sa babae. Pero di na nagreply. Kawawa naman baka wala nang load.
Kaya matutulog nalang ako.
Kinabukasan..
Agad kong pinakita sa barkada yung convo namin nung babae.
Imbis na tumawa, isa isa nila akong binatukan!
"Guys! Whats your problem?!"
"Bro, you're so dense." Sabi ni Ian.
"Not because you're rich, you can judge people easily." Dagdag pa ni Trob.
"You dont even know that girl." Sabi pa ni Francis.
"Bro, know your limitations." Dagdag pa ni Shawn.
"Kinawawa mo yung babae. Say sorry." Skie said.
Pinagtutulungan nila ako ngayon. Eh malay ko bang sineryoso yun ng babaeng yun?!
"Call.her."
Utos ni Ian, ayoko pa sanang sundin kaso yung tingin nila sakin siguro sa utak nila 10 beses na nila akong pinatay.
Buti naman sinagot nung babae kaagad kaya ni loud speaker ko.
Kaso magsasalita pa lang ako, nagsalita na siya.
[Kung tumawag ka para laitin ako, pwes wala akong oras para diyan. Maghanap ka ng iba mong lalaitin Mr. AMPALAYA. because I've. Had. Enough.]
Nag end na agad yung call. Lintek di man lang ako hinayaang mag explain?! Sabagay.. kasalanan ko rin.
"AYUSIN MO YAN. WAG KANG MAKIKIPAGKITA SAMIN NA DI YAN AYOS."
Mukhang disappointed na disappointed yung tropa.
"Di bale, babawi ako sakanya."
Umalis na nga sila.
Ilang beses pa akong nag text at nag call pero lahat yun walang response. Rejection kills.
Bigla namang nag beep yung phone ko. Sabi nga nila, expect the unexpected. Nag reply yung babae!
*Conversation
Unknown: Okay na. Tama na pangungulit!
Me: Yey! Sabi na nga ba di moko matitiis eh.
Unknown: Wag kang feeler Mr. Ampalaya.
Me: Sabi ko nga eh! Hahaha
Unknown: May nakakatawa?
Me: Wala.
Unknown: Bitter.
Me: Porket sweet ka ha? Halikan kita diyan e!
Unknown: Magaral ka nalang kesa nang iistorbo ka diyan.
Me: Sige! Love you :*
Unknown: tss. Love you your face. Gdnyt!
Me:
At yun, nagpatuloy ang araw na puno ng asaran at kulitan. Magaan ang loob ko sakanya. Pero di ko pa siya nakikita. Haaaay. Buti may katext na ko ngayon.
Pano kaya kung magkita na kami?
Ay wait..
DI KO NGA PALA ALAM PANGALAN NIYA. TSSS.
Excited na akong magkita kami kahit na medyo imposible.
Mr. and Ms. Ampalaya's love story.
![](https://img.wattpad.com/cover/25267720-288-k233636.jpg)
BINABASA MO ANG
Rules 101
Teen FictionMagkakaroon ba ng second chance para sa pagiibigan nina Ian at Lavigne? o magkakaroon lang ng isang malaking away sa pagitan nila kasama ang kanilang mga kaibigan?