INTRODUCTION

15 0 0
                                    

"Tatlong experience na hindi ko malilimutan: una ay nung nagdesisyon ako nang walang kasiguraduhan, pangalawa ay nung nagkaroon ako ng mga kaibigan, at pangatlo ay nung unang beses ko siyang nakilala.

Oo, medyo madrama ako doon sa sinabi ko. Pero alam mo na, minsan kahit papaano, napansin ko na minsan pala talaga kailangan may drama sa buhay mo. Well, hindi ko nilalahat, pero hindi mo aakalain na may mga pagkakataon nga na may lungkot na pala na nangyari sa buhay mo, at paunti-unti mo pa nga lang mare-realize yun. Siguro, siyempre, kasi maraming mga bagay na rin ang naiisip mo, maraming mga bagay na sa tingin mo ay mas kailangan mong isipin. Kaya sa sobrang dami nun, hindi mo na alam kung ano ba talaga ang mararamdaman mo dahil siguro hindi mo na maalala kung ano ang tumatak sa kanila at kung ano na lang ang nakalimutan mo bigla."

Simulan ko na ang pagkukwento para malaman mo kung ano nga ba ang tinutukoy ko.

"Okay, class, palakpakan natin si Gian dahil siya ang nakakuha ng first place sa poster-making at quiz bee." 

Matapos niyang sabihin iyon, pinalakpakan na nga nila ako.

Yun yung time na nasa elementary pa lang ako.

Well, sa totoo lang, kada taon naman ay lagi nila akong pinipili bilang representative ng klase. Hindi naman sa nagyayabang ako, pero... hindi ko rin alam kung bakit ako lagi. Siguro dahil taon-taon, ako na lang ang laging nakakabilang either sa 1st o sa 2nd place. 

O kaya maaari din dahil may alam ako sa kahit anong bagay kaya nila ako pinipili. Again, hindi sa pinagyayabang ko na marunong ako o may alam ako sa maraming bagay; nagsasabi lang ako ng totoo. Actually, kahit sabihin natin na may alam ako, hindi ko naman iyon pinapaalam sa kahit sino. 

Mas pinipili ko na lang manahimik, pero kahit pinipili kong manahimik, marami pa ring tao ang pinapausap ako. Hindi dahil sa magagandang bagay o dahil sa pagpupuri nila sa akin, kundi dahil naiinis sila sa akin. Naiinis sila sa mga bagay na kakayahan kong gawin. 

Pagdating sa academics, arts, o sports, may palagi silang sinasabi tungkol sa akin.

"Ano ba yan? Si Gian na naman ang representative?"

"Oo nga, wala na bang iba?"

"Pabida talaga kahit kailan."

"Yabang, porke't may alam sa ganun, nanahimik na lang bigla-bigla. Kaya wala gusto kumaibigan sa kanya eh."

Nang marinig at palagi kong naririnig ang mga ganung bagay, sabi ko na lang sa isip ko, "Ayun na nga eh, paano ako magiging mayabang kung nanahimik na nga lang ako? At saka ako mismo ang hindi nakikipagkaibigan dahil simula noon, nung sinubukan kong makipagkaibigan, sila na mismo ang lumalayo sa akin. Kaya okay nang hindi makipagkaibigan kung sila din mismo ang ayaw makipagkaibigan sa akin."

Ngayon, na nasa 3rd year na kami ng college, hindi rin naman ako makapaghintay na makapagtapos na. Medyo makasarili man pakinggan na sabihin ko yun, pero kasi... kung alam mo lang kung ano ang mga klaseng tao at ano ang mga sinasabi nila kapag dumadaan ako o napapadaan sila sa akin kahit na wala naman akong ginagawa sa kanila. 

Sanay na'ko kaya kahit sabihin nila ng masama tungkol sa akin, hindi na ako naapektuhan. Hindi ko na rin sila pinapatulan; sayang lang oras ko kapag pinansin ko pa sila. Maya-maya pa, habang nakaupo sa pwesto at nagbabasa ng libro, nagsalita ang prof namin. 

Sabi niya, "Okay class, you'll be having a 3 weeks sem break. Medyo matagal-tagal tayong hindi magkikita, kaya hope you'll enjoy your short vacation. Stay healthy and safe, see you after 3 weeks." 

Pagkatapos nun, nag-dismiss na ang prof namin. Pagkadismiss, nauna na ang ibang kaklase ko lumabas dahil nagmamadali silang umuwi. Hindi ko rin alam kung bakit, pero mukhang gustong-gusto na nila umuwi, siyempre, sem break na nga naman. 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now