"Yanyan! Yanyan!"
"Bakit po?"
"Ano ka ba naman, bata ka oh, kanina pa kita hinahanap eh."
"Sorry, Ma, nilinis ko lang po kasi 'tong bike ko eh."
"Naku, bata oh, mahal na mahal ang bike niya. Baka mas mahalin mo pa 'yan kaysa sa mama mo ah."
"Ma naman, siyempre mas mahal ko po kayo noh."
"Asus, oh eto, uminom ka muna ng tubig bago ka mag-bike sa labas."
"Salamat po."
"Oh, sige, basta 'wag ka papahapon ah. Umuwi ka agad."
"Opo."
Habang nagbibisikleta ay nakarinig ako ng batang umiiyak. Napahinto ako at napabalik nang makita ko ang batang babaeng umiiyak sa tabi ng kalsada. Paghinto ko ay lumapit ako sa kanya.
"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"
Dahan-dahan siyang umangat ng tingin sa akin. Pag-angat ng batang babae ay nakita ko ang itsura niya.
Matapos ko maalala 'yun sa isip ko ay ang sabi ko sa isip ko,
"Parang kilala ko siya."
Hindi rin naman nagtagal matapos 'nun ay dahan-dahan na akong may naririnig na boses, "Naku, sana okay lang si Gian."
Tanong ng babae, "Si Sophie? Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya?"
Sabi ng boses ng lalaki, "Hindi ko alam eh. Sabi lang sa akin ni Gian ay may pupuntahan sila malapit sa playground. Yung puno doon, yung sa Balayong tree, doon niya daw dadalhin si Sophie."
Matapos nun ay dahan-dahan akong napadilat ng mata. Hindi ko masyadong namulat agad ang mga mata ko dahil sa liwanag ng mga ilaw. Mukhang nakahiga ako sa may kama sa isang hospital.
Pero nang makadilat-dilat na ako ay nakita ko si Cleo at Rino na nakatayo sa may kaliwa ko. Pagkakita nila sa akin ay agad silang napalapit at napatanong. Tanong ni Cleo, "Kamusta?"
Tanong ni Rino, "Okay ka na?" Hindi ko nasagot ang tanong nila at ang sabi ko lang, "S-si... Sophie?" Nagkatinginan sina Cleo at Rino nang tanungin ko yun.
Pagtingin nilang dalawa ay napakunot ng noo si Cleo, "Nang tanungin ko si Rino kung nasaan ba talaga kayo, ang sabi niya sa akin na kasama mo daw siya kanina." Sabi ni Rino, "Oo, diba kasama mo nga siya kanina? Pumunta kayo malapit sa isang balayong tree malapit sa playground." Napakunot ako ng noo at napaisip.
Maya-maya pa ay hindi ako kumikibo at napapaisip pa rin dahil nga sa nangyari sa akin kanina. Sabi ni Rino, "Makalipas ng ilang minuto, nang napagdesisyunan namin na puntahan kayo, pinuntahan namin doon sa may Balayong tree." Sabi ni Cleo na seryoso ang itsura, "At pagpunta namin, wala na kayo doon."
Napakunot ako ng noo nang marinig ko ang sinabi niya. Sabi ni Rino, "Nang bumalik kami sa playground para subukang hanapin kayo, nakarinig na lang kami ng mga taong nag-uusap tungkol sa may nahimatay na lalaki doon sa playground." Hindi ako kumibo.
Sabi niya, "Nang marinig namin ang pagde-describe sa tinutukoy nila ay ikaw, agad namin naisip. Sabi nila ay may tinulungan ka daw na batang babae na nadapa, at nang lumapit ang nanay ng bata sa'yo para magpasalamat, may bigla na lang daw tumawag sa'yo. At nang kausapin mo daw ang tumawag sa cellphone mo, bigla na lang daw sumakit ang ulo mo. At nang mapansin yun ng nanay ng bata, tinanong ka niya kung okay ka lang. At nang hindi ka sumasagot at patuloy pa rin nakahawak sa ulo mo na sumasakit, bigla ka na lang nahimatay."
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomansaThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)