Pagkarating namin sa loob ng mall, nagtanong si Rino, "Ano pwede natin gawin dito?" Sabi ni Cleo, "Madami, pwede tayong maglibot-libot sa laki ng mall, noh. Kaya tara!" Hinila niya si Rino kaya sumunod, nanatili na lang kami ni Sophie sa kanila.
Pagpasok namin sa department store, nagsimula na maghanap si Cleo ng mga damit. Sabi ni Rino, "Akala ko ba nandito tayo para maglibot-libot." Sabi ni Cleo na patuloy pa rin sa paghahanap ng damit, "Kaya nga, nandito nga tayo para maglibot. Pero siyempre bago pa man tayo magsimula maglibot talaga, since double date nga ito ay..."
Biglang nanlaki ang mata ni Cleo nang parang may nakita. Kinuha niya ang apat na damit na nakalagay sa mga hanger at inabot iyon mula sa rack tsaka biglang pinakita. Sabi niya, "Kailangan magsuot tayo nito."
Napatingin kami sa hawak-hawak na mga damit na kinuha ni Cleo mula sa rack. Sabi niya, "Couple t-shirts!" Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko ang couple t-shirt na hawak-hawak ni Cleo.
Dalawang magkaibang klase ng couple t-shirt iyon. Dalawang t-shirts na puti na may kalahati ng puso, ang left part ng heart shape at ang isa naman ay ang right side part ng heart shape. Ang dalawang t-shirts naman ay color white din at nakalagay sa isang t-shirt ay 'soul' at sa isa naman ay 'mate', para mabuo ang salitang soulmate.
Napangiti si Rino nang makita niya ang couple t-shirt na hawak ni Cleo. Napangiti na lang din si Sophie pero medyo nahiya, at ako naman ay nanatili lang na nanlaki ang mata habang napapangiti at hindi nakakibo, nakatingin pa rin sa mga couple t-shirts. Si Cleo naman ay nanatiling nakangiti sa amin at sabi niya, "So ano? Ganda, diba?"
Sabi ni Rino, "Oo, labby, ganda at ang cute nga eh. Bagay na bagay sa mga mag-couple." Napatingin sa akin si Rino at nginitian niya ako. Hindi naman ako nakakibo nang tingnan ako ni Rino kundi napangiti na lang din ako kahit medyo nahihiya.
Nagulat na lang ako nang biglang tumango si Sophie at lumapit kay Cleo para mas tignan pa niya ang mga couple t-shirt ng malapitan. Pagkatapos noon ay napatingin sa akin si Cleo. Tanong ni Cleo sa akin, "Ikaw Gian? Ano sa tingin mo, Gian?"
Sa pagtatanong ni Cleo sa akin ay napalingon si Sophie at pati na rin si Rino. Sabi ni Rino sa akin, "Oo nga, ano ang sa tingin mo, Gian?" Tinapik ako ni Rino sa balikat ko at nginitian ako.
Pagbalik ko naman ng tingin sa couple t-shirt ay napatingin ako kay Sophie. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko na nanatili pa rin siyang nakangiti na para bang okay lang sa kanya ang mga couple t-shirts. Sabi ko, "Um, m-maayos naman, tulad nga ng sabi ni Rino, maganda at cute din."
Napangiti na lang ako kay Sophie nang sabihin ko yun. Ngumiti na lang din si Sophie nang sabihin ko yun. Maya-maya pa ay nagsalita si Rino habang nakatingin ako kay Sophie, "Yung couple t-shirts ang tinutukoy ko tungkol sa pagsabi ko ng maganda at cute. Sigurado ka ba na yun din ang tinutukoy mo? Baka kasi si... iba ang tinutukoy mo sa sinabi mong maganda at cute eh."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rino at napatingin na lang ako bigla kay Rino. Pagtingin ko sa kanya ay nginitian niya lang ako. Sabi ni Cleo, "Hay naku, sige na nga para hindi masayang oras natin. Pili na kayo ng gusto niyong design para masuot na natin 'tong mga to."
Nanlaki ang mata ko, "Susuotin natin? Para sa inyo ni Rino at para sa amin... ni Sophie?" Tumango si Cleo at sabi niya, "Yes, para nga sa atin itong mga to." Hindi na naman ako nakakibo matapos noon.
Sabi ni Cleo, "Pili na kayo, itong may half heart shape for both sides, or itong may word na 'soul' and 'mate'?" Hindi kami makakibo ni Sophie at nanatili lang kaming hindi nakakibo. Sabi ni Cleo, "Ah pwede itong heart shape—"
Natigil ang sasabihin dapat ni Cleo nang marealize ang design. Sabi niya, "Ay well, hindi pa naman kayo mag-couple kaya..." Inangat niya ang hawak niyang isa pang klase ng couple t-shirt.
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)