CHAPTER 21

3 0 0
                                        

Nang makarating na nga kami sa isang parang luma o sinaunang bahay, sabi ni Cleo, "Okay, first stop." Sabi ni Rino, "Balay na Santiago?" Sabi ni Cleo, "Yes, since andito naman tayo sa Santiago City, at dati na rin nakatira dito, ay bakit di natin balikan ang tungkol sa lugar na Santiago City of Isabela." 

Sabi ni Rino, "Nakapunta na 'ko dito eh, nung nagkaroon kami ng educational trip." Tanong ko, "You mean like field trip?" Tumango si Rino, sabi niya, "Oo, parang ganon din." 

Sabi ni Cleo, "Huh? Field trip? Ang lapit naman, eh diba parang pang malayuan kapag field trip?" Sabi ni Rino, "Oo nga, pero sabi ko naman diba, EDUCATIONAL TRIP hindi field trip." Sabi ni Cleo, "Okay, sabi mo eh." 

Nagkatinginan nalang kami ni Sophie dahil kina Cleo at Rino. Pagkatapos nga nun ay ang sabi ni Cleo, "Halika na nga, pasok na tayo sa loob." After nga nun ay pumasok na kami sa loob. 

After namin mag-purchase ng ticket, naglibot-libot na kami sa loob. Marami kaming natutunan doon like local history, traditional architecture, cultural artifacts, arts and crafts, cultural traditions, and historical figures and events. Malipas ang ilang oras ay ang paglabas namin mula doon ay ang sabi ni Cleo, "Okay, next naman tayo." 

Matapos nga nun ay sumunod nalang kami kay Cleo kahit na hindi naman alam kung saan kami pupunta. Pero maya-maya pa ay habang naglalakad, napahinto kami at huminto at nagsalita si Rino, "Teka lang, kain muna tayo." Napalingon at napatingin kami kay Rino. 

Sabi ni Cleo, "Gutom ka na agad?" Sabi ni Rino, "Labby namin eh, yung huli nating kain is kaninang morning pa at kanina naman sa café ay coffee lang ang binili natin." Napaisip si Cleo sa sinabi ni Rino. 

Maya-maya pa ay ang sabi ni Rino, "Sige na labby, pa-lunch naman na eh." Pagkasabi ni Rino, bigla nalang kami may narinig, may bigla nalang kaming narinig kaya napatingin kami sa tiyan ni Rino. Napatingin kami sa tiyan niya dahil sa narinig namin na kumulo ang tiyan ni Rino. 

Pati si Rino ay nabigla ng marinig niya kumulo ang tiyan niya. Pagtingin niya sa tiyan niya, napaangat naman siyang tingin. Sabi ni Rino, "Oh diba, sabi ko naman sayo eh. Gutom na 'ko eh." Napasimangot si Rino kay Cleo. 

Sabi ni Cleo, "Oh sige na nga, tara, kain muna tayo." Nang marinig ni Rino ang sinabi ni Cleo, bigla rin naman siyang napangiti. Makalipas ng ilang saglit, pumunta kami sa isang public market. Pagkarating doon, pumunta kami sa isang carinderia. 

Pagpasok namin sa loob, nakita namin ang mga pagkain na nakadisplay doon. Sabi ni Cleo, "Yan na mahal na prinsipe. Ano ba gusto mo diyan?" Napangiti si Rino at sinabi niya, "Ayun, isang order ng Igado, Pancit Cabagan, at Pinakbet naman para may gulay." 

Tinignan lang ni Cleo si Rino at napailing dahil sa hindi makapaniwalang mga inorder ni Rino. Sabi ni Rino kay Cleo, "Oh? Bakit? Sabi ko naman gutom ako eh." Sabi ni Cleo, "Oo nga, halatang-halatang gutom ka. Patay gutom." 

Nawala ang ngiti sa mukha ni Rino. "Sobra ka na labby ah, kala ko ba sabi mo kumain ako ng marami at wag magpakagutom." Bigla nalang napangiti si Cleo kay Rino at ang sabi niya, "Ay oo nga pala, edi mag-order ka lang ng gusto mo labby, okay?" 

Sabi ni Rino, "Talaga labby?" Sabi ni Cleo, "Oo, pero basta ikaw ang magbabayad ah." Sinabi yun ni Cleo habang nakangiti parin kay Rino. 

Si Rino naman ay napakamot nalang sa ulo at bahagyang napangiti. Matapos nga nun ay pagkuha ko ng pera sa wallet ko, o kaya naman sa naipon ko galing sa envelope, tinignan ko si Sophie. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko na mukhang naghahanap siya ng gusto niyang kainin.

Tutok ang mukha niya sa salamin ng mga ulam na nakadisplay kaya lumapit naman din ako sa tabi niya at ginaya siya. Bahagyang tinutok ko rin ang mukha ko sa salamin kung saan nakadisplay ang mga pagkain. Sabi ko kanya habang nakatingin doon, "May napili ka na?"

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now