CHAPTER 24

2 0 0
                                        

"Napaupo lang ako nang matumba ako, pero si Yanyan ay napahiga at—"

Hindi ko natuloy ang pagbabasa nang biglang may tumawag sa pangalan namin ni Sophie, "Gian, Sophie!"



Napalingon kami ni Sophie nang marinig namin ang boses ni Cleo. Paglingon namin sa direksyon na 'yon ay agad naman namin nakita si Cleo at Rino na naglalakad papalapit sa amin. At paglapit nila, ang tanong ni Cleo sa amin, "Kamusta? Kamusta kayo dito?" 

Nagkatinginan kami ni Sophie, at pagtingin ko kay Sophie, nakita ko na napatingin din siya sa akin, pati na rin sa whiteboard na hawak niya. Pagtingin niya sa whiteboard, napatingin ulit siya sa akin—mukhang tinatanong niya kung natapos ko na basahin ang sinulat niya kanina. Nang maisip ko 'yon, sabi ko, "A-ah, okay na, nabasa ko naman na, kaya pwede mo nang burahin."

Sinabi ko 'yon kahit hindi ko pa talaga nababasa lahat ng sinulat niya sa whiteboard. At nang sabihin ko 'yon, napatango siya at binura naman ang nakasulat sa whiteboard. Pagkabura niya, nagsulat siya ng bago para sagutin ang tanong ni Cleo. 

Pagkatapos niyang magsulat, pinabasa niya ito: "Okay naman kami dito, kayo? Kamusta? Kamusta tiyan mo, Rino? Nakapag-CR ka na?"

Nang mabasa 'yon ni Rino, dahan-dahan siyang napangiti, "A-ahh, oo, okay na 'ko, salamat." Sabi ko, "Sigurado ka? Hindi na masakit ang tiyan mo?" Napatingin si Rino kay Cleo, at nilakihan naman ni Cleo ang mata niya habang tinitingnan siya ni Rino. 

Pagbalik ng tingin ni Rino sa amin, sabi niya, "Oo-oo, okay na 'ko. Hindi na masakit ang tiyan ko. Na-nailabas ko na, hehe." Napatango ako at sabi ko, "Ahh, okay."

Matapos nun, sabi ni Rino, "Naku, anong oras na? Baka nakauwi na 'yung kaibigan mo, si—si ano nga pala 'yon?" Sabi ko, "Si Yanyan." Sabi ni Rino, "Oo, siya." 

Sabi naman ni Cleo, "Kaya nga pumunta kami dito para rin ipaalala at yayain kayo na bumalik na tayo doon, para makausap na ni Sophie si Yanyan." Napatingin ako kay Sophie. 

Pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya sa whiteboard niya. Habang nakatingin siya, bigla akong nagsalita, "Ready ka na?" Napatingin siya sa akin nang marinig niya ako. 

Pagtingin niya, huminga siya nang malalim at dahan-dahang tumango. Matapos siyang tumango, nginitian niya ako kaya bahagya naman akong napangiti rin sa kanya. Pagtayo ni Sophie mula sa pagkakaupo niya sa swing, kumapit si Cleo sa braso niya at nauna na sa paglakad. 

Sumunod naman sa kanila si Rino, at ako naman ay nanatiling nakaupo at nakatingin lang sa direksyon nila habang papalayo sila.

Habang nakatingin ako, napalingon ako sa swing at slide. Dahan-dahan akong napakunot ng noo habang napapaisip. Sabi ko sa sarili ko, "Ano kaya nangyari kay Yanyan?" 

Maya-maya, biglang sumakit ang ulo ko. Sabi ko, "Agh, aray." Napahawak ako sa noo ko dahil sa biglang pagsakit. 

Maya-maya pa, nagulat na lang ako nang may nagsalita, "Okay ka lang, brad?" Nanlaki ang mata ko at napaangat ng tingin. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Rino na nakatayo at nakayukong nakatingin sa akin, mukhang nag-aalala. 

Natanggal ang pagkakahawak ko sa noo at napahawak na lang ako sa dibdib ko. Sabi ko, "Nagulat ka naman. Akala ko nakasunod ka na kina Sophie." Sabi ni Rino, "Sensya na. Napahinto ako at napabalik nang makita kitang naiwan pa rin dito." 

Sabi ko, "Ahh." Alalang tanong niya uli, "Okay ka lang? Napansin kong napahawak ka sa noo mo, masakit ba ulo mo?" Sabi ko, "Ah, okay lang naman ako. Kumirot lang bigla kaya parang sumakit." 

Sabi ni Rino, "Ahhh, sigurado ka? Okay ka lang?" Sabi ko, "Oo, okay lang ako, salamat." Kahit na hindi na siya kumibo, nanatili ang nag-aalalang itsura ni Rino habang nakatingin siya sa akin.

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now