Matapos ng ilang sandali, naiwan kaming dalawa ni Sophie na nakaupo doon. At nang matapos din umiyak ni Sophie, nagtanong ako sa kanya, "Kamusta? Okay ka lang?" Kahit na medyo namumula pa ang mga mata at ilong niya, dahan-dahan na lang siyang napatingin sa akin.
Pagtingin niya sa akin, mas nalungkot ako dahil nakita ko ang naiiwang kalungkutan sa itsura niya. Dahan-dahan siyang tumango sa akin matapos niya akong tignan. Sabi ko sa kanya, "I'm sorry."
Pagkasabi ko noon, napayuko ako. Pagyuko ko, napansin ko na bigla siyang nagsulat sa may whiteboard niya.
Pagtapos niyang magsulat, pinabasa niya iyon: "Bakit ka nagsosorry?"
Pagkabasa ko noon, napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, sabi ko, "Nagsosorry ako dahil sa... dahil sa hindi ko natupad ang hiling mo." Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
Sabi ko, "Hindi mo nakausap, nakasama, o nakita man lang ng personal si Yanyan." Dahan-dahan siyang napatingin pababa. Sabi ko, "Kaya, I'm sorry."
Umiwas ako ng tingin at napayuko na lang din. Maya-maya pa, habang nakayuko ako, napansin ko na para bang nagsusulat ulit si Sophie. Kinalabit niya ako sa balikat ko.
Pagkalabit niya sa akin, dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, pinakita niya ang whiteboard niya.
Pagtingin ko sa whiteboard, binasa ko ang sinulat niya: "Hindi mo kailangan mag-sorry. Hindi mo kailangan mag-sorry dahil wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman alam na wala na dito si Yanyan."
Pagkabasa ko noon, kinuha niya ang whiteboard at nagsulat ulit.
Pagtapos magsulat, pinabasa niya sa akin: "Ako nga dapat mag-sorry dahil inabala pa kita. Ang daming nangyari sa atin dahil sa akin."
Pagkabasa ko noon, muli niyang binura iyon at nagsulat ng bago: "Sinayang ko ang panahon at oras mo para lang tulungan ako, para lang sa kagustuhan kong makausap o makita uli si Yanyan."
Binura niya iyon at nagsulat ng bago.
Pagtapos niyang magsulat, dahan-dahan niyang pinakita iyon sa akin: "Kaya, I'm sorry."
Pagkabasa ko noon, napakunot ako ng noo. Pagtingin ko sa kanya, tinitigan niya lang ako. Nagkatinginan lang kami ng saglit doon.
At hindi rin naman nagtagal, pagbaba niya ng whiteboard ay bigla ko siyang niyakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero... hindi ko lang siguro napigilan ang sarili ko na gawin iyon. Habang yakap-yakap ko siya, sabi ko, "Wag kang mag-sorry. Wala kang kasalanan, hindi mo ako inabala, hindi mo sinayang ang panahon at oras ko dahil..."
Pagbitaw ko mula sa pagkakayakap sa kanya, sabi ko, "Masaya akong nakilala kita, masaya akong nakasama kita." Pagkasabi ko noon, dahan-dahan akong napangiti sa kanya. Kaya dahan-dahan din siyang napangiti sa akin.
Matapos noon, bigla na lang siyang nag-sign language sa akin. Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. Tanong ko sa kanya, "Ano ibig sabihin noon?"
Nagsulat siya sa whiteboard niya at pinakita iyon sa akin.
Pagkabasa ko, naroon ang nakasulat: "Ang ibig sabihin noon ay 'Masaya rin ako at nakilala kita, masaya rin ako na nakasama kita.'"
Pagkabasa ko noon, napatango ako. Sabi ko, "Ahh, yun pala ang ibig sabihin noon." Tumango siya matapos kong sabihin iyon.
Sabi ko sa kanya, "Pwede mo ba akong turuan kung paano gawin yung sign language na iyon?"
Nang sabihin ko iyon sa kanya, para bang nagulat siya at hindi makapaniwala.
Nagsulat siya at pinabasa niya iyon: "Gusto mong turuan kita kung paano sabihin iyon sa sign language?"
Pagkabasa ko noon, tumango ako sa kanya at sabi ko, "Oo, gusto kong matuto kung paano sabihin iyon sa sign language. Kaya pwede mo ba akong turuan?" Dahan-dahan siyang napangiti at napatango sa akin. Napangiti rin naman ako matapos nun, kaya matapos rin nun ay sinimulan niya na akong turuan.
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)