Habang nasa byahe ay bigla na lang nag-aya si Rino, "Okay, medyo malapit na tayo sa Santiago City, Isabela!" Napangiti naman kami nang sabihin 'yun ni Rino, "Pero..." Napahikab si Rino.
Paghikab ni Rino ay ang sabi niya, "Okay lang ba sa inyo mag-coffee break muna kahit saglit?" Sabi ni Cleo, "Sa'kin okay lang." Napatingin si Cleo sa'min, "Sa inyo?"
Nagkatinginan kami ni Sophie, pagtingin namin sa isa't-isa ay sabay naman kaming napatango kay Cleo. Sabi ko, "Okay lang naman sa'min." Sabi ni Cleo, "Okay, coffee break muna."
Sabi ni Rino, "Okay, tara." Matapos nga nun ay nag-park si Rino sa may coffee shop. Pag-park niya ay agad naman kami bumaba ng kotse.
Pagbaba namin ay agad rin naman kami pumasok sa loob ng cafe. Pagpasok sa loob ay medyo marami-rami rin naman ang tao, pero okay lang naman dahil may mga spaces pa naman na puwede naming pagpwestuhan. Sabi ni Rino kay Cleo, "Labby, CR lang ako, alam mo naman kung anong usual drink ko, di ba?"
Sabi ni Cleo, "Yes, the usual drink, double shot of espresso macchiato." Napangiti si Rino sa kanya. Sabi ni Rino, "Tama."
Sabi ni Cleo, "Okay, sige na, mag-CR ka na." Pagkatapos nga nun ay umalis na nga si Rino para mag-CR. Maya-maya pa ay napalingon si Cleo kay Sophie, "Ikaw Sophie, ano gusto mo?"
Napatingin si Sophie sa may menu board na naka-display. Pagtingin niya doon ay nagsulat siya.
Pagsulat niya sa whiteboard ay binasa iyon ni Cleo: "Isang medium size lang na Iced Strawberry Lemon Tea."
Tanong ni Cleo, "Yun lang sa'yo? Ayaw mo mag-coffee?"
Nagsulat uli si Sophie at binasa naman niya uli 'yun: "No, thank you, hindi ako mahilig mag-coffee, usually tea lang."
Sabi ni Cleo, "Ahh, okay." Pagkatapos nun ay napatingin sa'kin si Cleo, "Ikaw Gian, ano ang gusto mo?" Pagtanong sa'kin ni Cleo ay napatingin rin ako sa may menu board na naka-display.
Pagtingin ko doon ay ang sabi ko, "Um, siguro isang medium size lang din na Spanish latte." Sabi ni Cleo, "Okay, hot or cold?" Sabi ko, "Kahit hot na lang, thank you."
Pagkatapos nun ay napatango si Cleo. Matapos nun ay nakita ko si Rino na lumabas na ng CR. Pagkita ko sa kanya ay napahinto siya sa paglalakad at bigla na lang napaupo sa isang bakanteng pwesto.
Pag-upo niya doon ay sumenyas siya sa'min na para bang sinasabi na may nahanap siyang pagpwestuhan namin. Pagkakita ko kay Rino ay napatango ako sa kanya bilang pasabi na naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Paglingon ko kay Cleo ay tinawag ko siya, "Um, Cleo."
Paglingon sa'kin ni Cleo ay napatingin rin sa'kin si Sophie. Sabi ni Cleo, "Bakit?" Sabi ko, "Um, may nahanap na pwesto si Rino, doon ka na lang namin aantayin ni Rino."
Napatango si Cleo sa'kin at ang sabi niya, "Ah sige, puntahan mo na siya para makapwesto ka na." Tumango ako kay Cleo, pagtango ko kay Cleo ay napatingin ako kay Sophie. Sabi ko kay Sophie, "Gusto mong sumama o samahan mo na lang muna si Cleo?"
Pagtanong ko sa kanya nun ay nagsulat si Sophie sa may whiteboard niya at binasa ko naman 'yun pagkatapos: "Ah sige, mauna ka na, samahan mo si Rino doon. Sasamahan ko na lang din muna si Cleo dito."
Pagkatapos nun ay nginitian ko siya at napatango ako sa kanya, sabi ko, "Okay, sabihin niyo lang kami pag kailangan niyo ng tulong." Nginitian ako ng bahagya ni Sophie at napatango. Pagkatapos nga nun ay paglapit ko kay Rino ay umupo naman ako sa may tapat niya.
Sabi niya, "Mabuti na lang at nakahanap ako ng pwesto." Sabi ko, "Oo nga eh, sa dami ng tao ngayon mabuti at nakahanap ka ng pwesto." Pagkatapos nun ay nginitian ako ni Rino.
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomansaThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)