Maya-maya pa ay nanatili lang akong nakaupo sa sala. Habang hinihintay si Mama, napapaisip pa rin ako sa sinabi niyang kilala niya si Yanyan. Natanong ko lang naman 'yun dahil noong nahimatay ako, para bang may naalala ako na tinatawag ako ni Mama sa pangalang Yanyan. Pagbalik niya mula sa kwarto, umupo siya sa sala sa tabi ko.
Pag-upo niya ay pinakita niya ang isang parang album. Sabi niya sa akin, "Ang album na 'to ay ang mga pictures mo nung bata ka." Sabi ko, "Alam ko na po 'to, nakita ko na po 'to noon, hindi ba?"
Sabi niya, "Oo, nakita mo na nga ito, pero hindi mo naman alam kung ano ang kwento sa bawat litrato na nandito." Napakunot ako ng noo.
Pagbuklat niya ng photo album ay bumungad ang litrato ko nung sanggol pa lang ako. Sabi niya sa akin, "Nung pinanganak ka, sobrang saya ko. 'Yan ang hindi-hindi ko malilimutan, dahil bukod sa narinig ko ang una mong pag-iyak, naalala ko ang una kong paghawak sa'yo nung ipinanganak kita."
Sumunod na page ng album ay ang mga picture nung nag-isang taong gulang ako. Nakita ko lahat ng litrato ngunit natapos din ang pahina. Sabi niya, "Kung inaakala mo na 'yun na ang lahat ng litrato mo na nakita mo na noon at ngayon, nagkakamali ka."
May kinuha siya mula sa isang maliit na pahabang kahon. Pagbukas niya nun, may kinuha siya mula sa kahon na 'yun. Pagharap niya sa akin, may ipinakita at inabot siyang mga litrato. Napakunot ako ng noo.
Pagtingin ko doon, at pagtingin ko naman kay Mama, ang sabi niya sa akin, "Yan ang iba mo pang mga litrato." Inabot ko ang mga litratong 'yun at nanatiling nakatingin doon, nagtataka. Sa unang litrato, nandoon si Mama, ako, at... "S-si... si Papa po ba ito?"
Napatanong ako kay Mama nang may nakita akong lalaki sa tabi ko. Sabi niya, "Oo, siya nga 'yan."
Napatanong ako kung tatay ko 'yun dahil 'yun pa lang ang unang litrato na nakita kong kasama siya. Ang litrato na 'yun ay nakatayo kami sa labas ng isang bahay na parang pamilyar sa tingin ko. Sabi ko nang titigan ko 'yun, "Yung bahay."
Sabi niya, "Diyan tayo dati nakatira ng tatay mo. Nakatira tayo dati... sa may Santiago City, Isabela." Nang sabihin niya 'yun ay napakunot ako ng noo at naalala ang bahay na pinuntahan namin ni Sophie—yung bahay kung saan nakatira si Raylan. Sabi niya, "Yan ang una nating bahay, simula ng ikasal ang Papa mo hanggang sa mabuntis ako sa'yo. Kaya... sa Santiago City, Isabela ka pinanganak."
Nang sabihin 'yun ni Mama ay hindi ako makapaniwala. Sabi niya, "Tignan mo ang pangalawang litrato." Pagkakita ko doon ay nakita ko ang litrato ni Tatay kasama ako, at sa tabi ko ay may isang... "Bike?"
Pagtanong ko nun, sabi ni Mama, "Binili 'yan ng Papa mo sa'yo noon." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya at nanatili akong nakatingin sa bike. Habang nakatingin ako doon, parang may sumagi sa isip ko.
"Oh, dilat mo na ang mga mata mo."
"Wow!! Bikee!"
Napakunot ako ng noo nang maalala ko nun.
Sabi ni Mama, "Binilhan ka ng Papa mo ng bike dahil hindi ka lumalabas ng bahay. Binili niya 'yan para sa'yo at para makipagkaibigan ka sa labas ng bahay. Oo, mabait at matulungin ka simula pa lang noon, pero mahiyain ka kasi nung bata ka pa, kaya parang hirap kang makipagkaibigan."
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig kay Mama. Sabi niya, "Pero sinusubukan mo naman talaga makipagkaibigan sa isang tao kaso... sadyang ayaw lang nila makipagkaibigan sa'yo. Kaya rin hirap kang makahanap ng kaibigan mo."
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)