CHAPTER 23

8 0 0
                                        

Pagkarating namin ni Sophie doon ay nakita namin na may iilang bata ang naglalaro sa playground. Habang naglalakad kami papalapit sa playground ay nakita ko na paunti-unti napapangiti si Sophie. Nang mapansin ko 'yun ay bigla na lang siyang napahinto sa paglalakad kaya ako rin naman ay bigla napahinto sa paglalakad. 

Pagkatigil niya sa paglalakad ay humarap siya sa'kin. Pagharap niya sa'kin ay nanatili lang naman siyang nakangiti, ako naman ay nanatili lang nakatingin sa kanya dahil sa pagtataka. Bigla na lang siyang nagsulat sa whiteboard niya. 

Pagtapos niyang magsulat ay binasa ko 'yun: "Natutuwa ako, natutuwa ako ngayon na makita ko na may naglalaro pa rin pala sa playground na'to."

Pagbasa ko noon ay nanatili siyang nakangiti kaya napangiti na rin ako. Pagbalik niya ng tingin sa mga batang naglalaro sa playground ay nakita namin na habang naglalaro ang limang bata sa playground ay bigla naman silang tinawag ng mga nanay nila na nakatayo sa gilid. Tinawag sila para umuwi na. 

"Tristan, uwi na tayo! Anong oras na oh," sabi ng isa pang nanay. "Halika na, Mara!" 

At ang iba namang nanay ay tinawag din ang kanilang mga anak para umuwi na, kaya wala rin namang nagawa ang mga batang naglalaro sa playground kundi sumunod sa kanilang mga nanay.

Pag-alis nila ay sinubukan nang maglakad ni Sophie papalapit sa playground kaya sumunod na rin naman ako sa kanya. Paglapit ni Sophie sa swing ay umupo siya doon. Pag-upo ni Sophie sa swing ay napangiti siya sa'kin. Paglapit ko naman sa kanya at nang makita siyang nakangiti sa'kin ay napangiti naman din ako pabalik sa kanya. Sabi ko sa kanya, "Gusto mo itulak ko ang swing mo?" Nang sabihin ko 'yun ay dahan-dahan siyang napatango habang nakangiti. Kaya pagtango niya ay pumunta na nga ako sa likod niya.

Pagtayo ko sa likuran niya ay humawak ako sa upuan ng swing. Paghawak ko noon ay bago pa man itulak ang swing ay ang sabi ko sa kanya, "Ready ka na?" Pagtanong ko noon sa kanya ay tumango siya. 

Kaya pagtango niya ay ang sabi ko, "Okay, ready, 1, 2... 3." Pagsabi ko ng '3' ay sinimulan kong itulak ang swing niya. Kaya tuwing lalapit sa'kin ang swing niya ay tinutulak ko 'yun para mas magkaroon ng force o lakas ng pagsway ng swing. 

Nang medyo malakas na ang pagsway ay tumigil na ako sa pagtulak ng swing.

Pumunta ako sa gilid para makita ang reaksyon ni Sophie. Pagtayo ko sa gilid ay nakita ko na mas nakangiti si Sophie. Nakangiti si Sophie na para bang nagustuhan niya ang pagsway ng swing kaya napapangiti rin naman ako dahil sa nakikita kong natutuwa si Sophie sa swing.


Makalipas ng ilang saglit ay nang humina na ang pagsway ng swing ni Sophie ay umupo naman ako sa kabilang swing. Pag-upo ko sa swing ay nanatili naman akong nakatingin kay Sophie. Nang tuluyan na ngang medyo tumigil ang pagsway ng swing niya ay napalingon at napatingin siya sa'kin habang nakangiti.

Pagtingin niya sakin ay nanatili siyang nakangiti kaya nanatili rin naman akong nakangiti sa kanya. 

Bigla siyang nagsulat sa whiteboard, pagsulat niya ay binasa ko anman agad yun: "Salamat sa pagtulak sa swing, natuwa ako, pakiramdam ko ay naging bata uli ako hehe." 


Nag-giggle siya ng bahagya ng basahin ko yun kaya masa napangiti ako at natuwa na makita siyang nag-giggle. Sabi ko, "Masaya ako na makita kang masaya." Nang sabihin ko sa kanya at nang marinig niya yun ay natigil siya sa pag-giggle at napatingin uli sakin. 

Nakatingin siya akin na para bang may naalala. Sabi ko, "Bakit?" Nang tanungin ko yun sa kanya ay nagsulat siya sa whiteboard niya. 

Pagsulat niya sa whiteboard ay binasa ko ang sinulat niya: "Sorry, naalala ko lang kasi bigla si Yanyan. Sinabi niya rin kasi sakin yan nung bata pa kaming dalawa habang nandito rin kami sa playground." 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now