CHAPTER 27

4 0 0
                                        

Makalipas ng ilang oras at pagkatapos namin magpaliwanag ni Sophie, nalaman rin nina Cleo at Rino ang mga ikinuwento, napag-usapan, at nalaman namin mula kay Raylan. Habang naglalakad pa rin pabalik ng kotse, sabi ni Cleo, "Grabe, hindi ako makapaniwala na hindi ang totoong Yanyan ang nakausap ni Sophie kanina." 

Sabi naman ni Rino, "Kaya nga eh, pati ako rin, hindi makapaniwala. Akala ko siya na yun. Hihingi pa naman ako ng tawad dahil sa mga pambubully ko noon sa kanya." Natahimik lang kami ni Sophie sa sinabi ni Rino. 

Maya-maya pa, nang mapadaan kami ulit sa playground, habang nakatingin ako roon, para bang nakakarinig ako ng boses, "Yanyan, Yanyan!" Napalingon ako sa kaliwa't kanan dahil sa narinig ko. Sabi ko sa sarili ko, "Yanyan?" 

Paglingon ko, nakita ko si Sophie na nakakunot ang noo sa akin. 

Dahan-dahan siyang lumapit at nagtanong gamit ang whiteboard niya: "Okay ka lang ba? Bakit ka napahinto sa paglalakad?"

Pagbasa ko noon, pagtingin ko ulit kay Sophie, nakita kong nag-aalala ang itsura niya. Napailing na lang ako at ang sabi ko, "Okay lang, may... may tiningnan lang ako." Napatango na lang si Sophie nang marinig niya ang sinabi ko. 

Kaya matapos noon, ang sabi ko, "Tara?" Tumango siya, at nang pagtango niya, nagpatuloy na nga kami ulit sa paglalakad.

Nang makarating na kami sa kotse, agad naman kaming sumakay sa loob. Pagkasuot ng seatbelt, agad pinatakbo ni Rino ang kotse. Maya-maya pa, habang nagda-drive si Rino, sabi niya, "Kamusta kayo diyan ni Sophie?" 

Napatingin ako kay Sophie, at pagtingin ko sa kanya, nakatulog na siya. Napangiti naman ako ng bahagya nang makita siyang nakatulog.

Pagbalik ko ng tingin kay Rino, ang sabi ko, "Okay naman kami. Si Sophie, mukhang napagod kaya nakatulog." Tanong ni Rino, "Ah, ganun ba? Sa akin dito, ang labby ko tulog na tulog na rin eh." Napangiti ako sa sinabi niya. 

Tanong niya, "Eh ikaw? Hindi ka pa ba pagod?" Napatingin ako ulit kay Sophie. Pagtingin ko sa kanya, ang sagot ko sa tanong ni Rino, "Hindi eh, hindi pa, hindi pa 'ko pagod."

Pagsabi ko noon, ang sabi ni Rino, "Naks, sweet naman." Pagbalik ko ng tingin kay Rino, napakunot ako ng noo. Tanong ko sa kanya, "Um... ano'ng sweet dun?" 

Sabi niya, "Ang sweet dun ay sa lahat ng nangyari o pinagdaanan niyo, at sa pagtulong mo kay Sophie hanggang sa matupad ang gusto o hilig niya, hindi ka pa rin napapagod." Hindi ako nakakibo. 

Sabi ni Rino, "Nakikita ko na ngayon kung gaano mo pinahahalagahan si Sophie. Hindi lang dahil siguro gusto mo siya ngayon, kundi rin dahil naiintindihan mo siya at naiintindihan ka niya, hindi man sa pakikipag-usap gamit ang boses niya, kundi siguro sa pakikinig niyo sa isa't isa."

Sabi ko sa kanya, "Tama, tama ka." 

Sabi niya, "Alam mo, yan naman talaga ang importante sa bawat tao. Sabi nga nila, 'communication is the key to understanding and connection,' at since listening is part of communication, tingin ko, nakuha niyo agad ang pag-unawaan niyong dalawa. Hindi lang kung ano ang sinasabi niyo sa isa't isa kundi sa pamamagitan ng pakikinig niyo sa gustong sabihin ng isa't isa."

Napatango ako at napaisip sa sinabi ni Rino. Tama siya eh. Yun nga ang narealize ko sa aming dalawa ni Sophie. 

Kahit na hindi man niya kayang sabihin ang gusto niyang sabihin gamit ang boses niya, nakukuha niya pa rin itong iparating. Ako naman, naiintindihan ko siya, hindi lang sa pakikinig gamit ang tenga ko, kundi dahil gusto ko talaga siyang pakinggan sa pamamagitan ng mata ko. Nakikita at napapansin ko ang bawat gustong sabihin ni Sophie kaya naiintindihan ko siya.

Sabi ni Rino, "Kung kami ni labby, swerte at nagkakilala kami, tingin ko, swerte kayong dalawa at nagkakilala rin kayo. Isipin mo yun, alam naman natin na hindi man kayo ganun katagal magkakilala, pero sa dami ng tao sa mundo, nagawa ng tadhana na ipagtagpo kayo."

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now