Makalipas ang ilang oras ay nagsalita si Rino, "Okay, nandito na po tayo sa Santiago City, Isabela!" Napangiti at natuwa naman si Cleo. Sabi ni Cleo, "Yey!"
Pagkasabi nun ni Rino ay dahan-dahan na akong nakangiti at napatingin kay Sophie. Pagtingin ko naman kay Sophie ay nakita ko na bigla naman siyang napangiti ng marinig niya ang sinabi ni Rino. Masaya ako na makita na nakangiti si Sophie dahil sa finally at nakapunta na rin kami sa gusto niyang puntahan. Napatingin naman din sa'kin si Sophie, at pagtingin niya sa'kin ay ang sabi ko sa kanya, "Andito na tayo, makikita mo na ang kaibigan mong si Yanyan."
Nagtango si Sophie sa sinabi ko at mas lalo naman siyang napangiti.
Matapos nga nun ay nagsulat siya sa whiteboard niya at binasa ko naman yun: "Kaya nga eh, excited na akong makita siya uli."
Pagkabasa ko nun ay nanatiling nakangiti si Sophie kaya naman ako na napangiti rin pabalik sa'kin. Maya-maya pa ay pagkakuha ko ng cellphone ko mula sa bulsa ko ay agad naman akong nagmessage kay Ms. Ricollejo para sabihin o i-update sa kanya na nakarating na nga kami sa Santiago City. Message ko sa kanya, [Ma'am, update lang po, nakarating na po kami sa Santiago City.]
Pagsend ko nun ay bigla nalang nag-error, 'Message failed to send.' Nang basahin ko yun ay may bigla akong naalala. Sabi ko, "Naubusan nga pala ako ng load."
Pagkatapos nun ay sabi ko sa isip ko, "Mamaya nalang ako magload pagbaba namin." Maya-maya nga ay pag-park ni Rino sa parking ay agad na rin kami bumaba ng kotse. Sabi ni Rino, "Medyo malayo ang pinagpark ko mula sa pupuntahan natin kaya okay lang sa inyo na maglakad o kaya sumakay nalang ng mga tricycle?" Tumango sina Sophie at Cleo.
Sabi ni Cleo, "Okay lang yun noh, medyo malapit naman dito ang pupuntahan natin eh... ay teka hehe...." Napatingin si Cleo kay Sophie, tanong ni Cleo kay Sophie, "San nga pala talaga tayo pupunta? I mean alam namin na sa kaibigan mong si... ano nga pala pangalan nun?" Nagsulat si Sophie at nang ipakita naman yun ni Sophie ay sabay na sabi ko, "Yanyan."
Sumakto ang timing ng pagkakasabi ko sa pangalan ng kaibigan ni Sophie sa pagpapakita ni Sophie ng whiteboard para basahin ni Cleo. Nang marinig ni Sophie ang sinabi ko ay napatingin siya sa'kin at pati na si Cleo at Rino nang marinig nila akong biglang nagsalita. Nang tignan naman ako ni Sophie ay dahan-dahan siyang napangiti.
Nahiya nalang ako dahil doon. Sabi ni Cleo, "Okay, Yanyan, paano natin siya uli pupuntahan? Alam mo ba kung nasaan ang bahay niya?" Tumango si Sophie nang tanungin yun ni Cleo.
Pero pagtango niya ay napakunot ng noo si Sophie at biglang nagsulat siya sa whiteboard. Pagsulat niya sa whiteboard ay binasa naman namin yun: "Alam ko kung saan ang bahay niya pero hindi lang ako sigurado kung nandoon pa siya."
Nang basahin yun nina Cleo at Rino ay nanatili silang tahimik at napatingin lang kay Sophie. Nang natahimik sila at nanatili lang na tinignan si Sophie ay ramdam ko na para bang naduda sila kay Sophie. Napatingin naman ako kay Sophie matapos kong tignan ang reaksyon nina Cleo at Rino dahil bigla akong napakunot ng noo dahil sa bigla akong nag-alala para kay Sophie.
Nang makita ni Sophie ang naging reaksyon nina Cleo at Rino ay binura niya ang nakasulat sa whiteboard at muli siyang nagsulat doon.
Pagsulat niya ay binasa naman namin yun: "Pasensya na kayong dalawa. Alam ko na parang nadisappoint kayo nang malaman ninyong hindi ako sigurado sa pupuntahan ko, o kung mahahanap at makakausap ko nga si Yanyan dahil hindi ko sinigurado bago pa man ako nagpasama na pumunta dito kung nandito pa nga ba siya nakatira o hindi na."
Muli binura ni Sophie ang nakasulat doon at nagsulat ng bago.
Pagsulat niya ay binasa naman namin uli yun: "Kaya humihingi na agad ako ng sorry dahil sa inabala ko kayo. Gusto ko lang naman talaga na makausap uli at makita si Yanyan dahil sa gusto ko siyang kamustahin at pakisalamatan lalo na sa lahat ng ginawa niya para sa'kin."
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)