Makalipas ang ilang oras ay habang nasa sala pa rin kami ay napaisip ako. Napapaisip ako dahil sa kung ano man ang pinag-uusapan ni Sophie at ni Yanyan. Habang nag-aantay kami sa sala ay kinakausap sina Rino at Cleo ng nanay at tatay ni Yanyan.
At habang nag-uusap sila ay tumingin ako sa paligid ko at napakunot ng noo. Napatingin sakin ang nanay ni Yanyan at napatanong, "Iho, okay ka lang?" Nagulat ako nang tanungin ako kaya agad naman akong napatingin sa kanya at ang sabi ko, "A-ah, opo, okay lang po ako."
Sabi ng nanay ni Yanyan, "So, hindi ka taga-rito noh?" Sabi ko, "Ah, opo." Tanong niya, "Matagal mo na rin bang kaibigan si Sophie?"
Sabi ko, "Ah, eh, hindi po eh." Sabi niya, "Ah, ganun ba? Akala ko kayo rin eh. Teka, kung si Cleo at si Rino ay mag-jowa, ay kayo bang dalawa ni Sophie ay mag-jowa din—"
Sabi ko agad nang marinig ko ang tanong niya, "Ah, hindi po. Magkaibigan lang po kaming dalawa." Napatango ang mag-asawa at ang sabi nila, "Ahh." Napangiti na lang ako sa hiya matapos nun.
Napatingin ako sa may kaliwa ko dahil sa nandoon nga na nagpunta si Sophie at si Yanyan. Nakita ko na patuloy pa rin sila na nag-uusap gamit ang pag-sign language nila sa isa't isa.
Maya-maya pa ay narinig ko nang nagtanong si Cleo, "So, may tanong lang po sana ako." Sabi ng tatay ni Yanyan, "Ano yun, iha?" Sabi ni Cleo, "Paano niyo po nalaman na may kondisyon na bilang mute si Yanyan?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Sabi ni Cleo, "Pasensya na po, okay lang po kung hindi niyo sagutin." Napangiti ang mag-asawa kay Cleo.
Sabi ng nanay ni Yanyan, "Okay lang, hindi lang namin aakalain na tatanungin mo yan sa amin." Napangiti si Cleo sa kanya.
Sabi ni Ms. Lucia, "Noong mga three years old si Yanyan ay napansin na namin ng asawa ko na para bang hindi gaano kami makarinig ng tunog mula kay Yanyan, pero hindi naman namin pinroblema yun dahil sa akala namin ay normal lang yun at medyo bata pa naman siya noon kaya medyo binalewala namin yun. Pero nung nag-five years old si Yanyan, napansin na namin mag-asawa, ay nung may dumaan na nagbebenta ng lobo, ay nakita ni Yanyan, yan napangiti siya at natuwa. Pero nung lumapit siya sa amin at tinuro lang ang mga lobo ay doon na kami nagtaka dahil sa ni isang salita ay wala man kaming narinig mula sa kanya."
Nagsalita ang tatay ni Yanyan, "Kaya kinabukasan nun ay napag-isipan na namin na dalhin siya sa hospital para matignan o macheck ng doktor ang kondisyon ni Yanyan." Sabi ni Ms. Lucia, "Kaya nung sinabi nga sa amin na mute nga si Yanyan ay syempre, doon kami nagulat at nag-alala. Pero kahit na nag-alala kami ay gumawa kami ng paraan para maibigay namin ang pangangailangan niya."
Sabi ng tatay ni Yanyan, "Nag-aral kami na mag-sign language para maintindihan namin siya." Napangiti sila mag-asawa kaya napangiti rin sina Cleo at Rino.
Napalingon naman ako sa direksyon nina Sophie at Yanyan na patuloy pa rin na nag-uusap sa may labas. Habang nakatingin ako sa kanila ay napansin ko na napakunot ng noo si Sophie, kaya nang makita ko siya na napakunot ng noo ay doon naman din ako biglang napakunot ng noo dahil sa pagtataka. Habang seryosong nakatingin sa kanila ay ang sabi ko nang mahina, "Ano kaya ang pinag-uusapan nila?"
Maya-maya pa ay nakarinig na lang ako na may tumawag ng pangalan ko, "Gian."
Napalingon naman ako bigla sa direksyon na yun na medyo nakakunot ng noo pa rin. Paglingon ko ay nagtanong sakin si Rino, "Okay ka lang?" Hindi ako nakakibo.
Sabi niya, "Bakit sobrang seryoso ng itsura mo habang nakatingin ka kina Sophie at Yanyan?" Hindi ako nakakibo lalo nang tanungin niya yun. Sabi ni Rino, "Pansin kasi namin na nakakunot ka ng noo diyan eh."
Napatingin ako kina Cleo, kay Ms. Lucia at Sir Berting. Pagtingin ko sa kanila ay nakita ko na nakatingin silang lahat sakin. Kaya nang malaman ko na nakatingin sila sakin ay dahan-dahan na nawala ang kunot ng noo ko.
YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...
![Beside You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/198563644-64-k787558.jpg)