Chapter 8

75 9 0
                                    

Guardian and Wand




...

Someone's POV




Kinuha ko ang cloak ko at sinuot ito, at tsaka dahan-dahang lumabas ng dorm ko. Tingnan ko kung may mga Night Guard na umaaligid gamit ang night vision ko.


First Rule: Walang makaalam na alagad ako ng mga Diyos. At walang makakakita sa tunay na ako.


Pumunta ako sa secret passage papuntang likod ng academy. Inilabas ko ang mga pakpak ko. Namiss kong lumipad medyo lumiwanag ang mga pakpak ko. Kasabay nun ang pag palit ng kulay ng cloak ko, ang dating itim ay naging puti. Hindi ito isang simpleng cloak, ito ay Guardian Cloak.


Isa ung senyales na nakuha nila ang mensahe kong makapasok.



"Operum portales muvundo el dyos."



May lumabas na liwanag sa 'di kalayuan, kaya't nilipad ko yun.


Nakatayo na ako sa pintuan papasok sa kastilyo ng mga Diyos at Diyosa. Bumukas ng kusa ang kulay gintong pinto kaya pumasok ako, nilipad ko pa ito ng bahagya dahil malayo pa ang Paradisyo.Pagdating ko ay nakaupo sila sa kani-kanilang trono.


"Mabuti at napabalik ka agad. Siguro ay alam mo na?" bungad ni Goddess Elaine, Light Goddess and the Celestial Queen.


Tumango ako na lamang ako.


"Pinagplanuhan na namin ang maaring mong gawin bilang Guardian nila." Shazana. Isa syang lumulutang na libro pero para siyang isang Valgaizz na nakikit ang Future. Siya rin ang nagsasabi sa Prophecy. Nakakapagsalita siya dahil may mga libong kaluluwang ang nasa loob ng libro.


"Ano pong gagawin ko?" yumuko ako bilang paggalang.


"Masyado ka namang magalang ahahahahah. Mga kapatid mo na rin kami," sabi ni Goddess Waza— Goddess of Water.

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon