Chapter 38

50 4 0
                                    

Mystery Eggs



***

Airo's POV


" Airo..." napadilat ako nang wala sa oras dahil sa pamilyar na boses.


At tama nga ako, kay Goddess Arina 'yung boses na 'yun.


"Anong ginagawa ko dito?" Nandito kasi ako sa lunga niya, floating island.


"Tutulungan kita para mapadali kahit papaano ang misyon niyo," napatango lang ako sa kanya. Mas papadali talaga ang misyon namin, ayoko na mahirapan masyado 'di ko na naasar si Iysia, my loves.


"I have an eye but I can't see, I rotate but I'm not the earth
I have a spout but I'm not a teapot, I can destroy buildings but I'm not dynamite
I'm in the Wizard Of Oz but I'm not a witch." Ang dali lang sagutin, it's a tornado.

"And additionally, you need to talk with Karisya."

Karisya? Pero bakit ko pa siya kakausapin? Itatanong ko na sana nang napamulat ako kaagad at nakitang nasa loob na ako nang kwarto ko. Minsan nakakainis din 'yang si Arina eh, bigla-bigla na lang akong binabalik sa ulirat.

"I can hear you."

Napakamot na lang ako sa ulo ko at dumiretso ng banyo at naghilamos. Habang naghihilamos naalala ko 'yung mga ngiti ni Iysia kagabi habang kumakanta kami. Alam kong enjoy na enjoy siya 'nun kaya 'di ko rin maalis 'yung tingin ko sa kanya. Napailing na lang ako sa sarili ko, nababakla na ako!

Dagli ko nang tinapos ang pagaayos at tsaka lumabasa ng kwarto at bumaba.

"Goodmorningggg!!" bungad ko pagbaba pero si Mex lang ang nakita ko, at nagbabasa siya ng libro.

"Nasaan 'yung iba?" siya lang kasi mag-isa.

"Ayun tulog pa, ang aga mo atang nagising ah? By the way, good morning."

"Dapat nga ako magsabi niyan, bakit ang aga mong nagising?" Tsaka ako tumabi nang upo sa kanya.

Nagkibit balikat siya, "routine ko na ata?" Napatawa naman 'to, Mexine is a gorgeous creature I assure that. Now I know bakit siya pinagaagawan 'nung dalawa, at wala na akong balak sumali I have my yelo already.

"Nga pala Mex..."

"Hmm?"

"Nakausap ko si Goddess Arina, ang goddess ng Air." Napatingin siya sa akin at mukhang nakuha ko ang atensyon niya, "she wants me to talk with Karisya, and hindi ko rin alam kung bakit, could you help me? I mean can you let me talk to her?"

Sinara niya 'yung librong binabasa niya, at 'di kalaunan ay tumango siya. Nangunot ang noo ko, "anong sabi ni Karisya?" Inilahad niya ang kamay niya at ang tattoo na nasa ring finger niya ay naging singsing.

"Anong kailangan mo sa akin Airo?" rinig ko mula sa singsing.

"Seryoso bang nasa singsing ka? I mean ang astig lang!"

Narinig ko naman silang natawa, "siguro sinabi ni Arina ay kausapin mo ako 'no?"

"Yes, and I don't know why."

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon