Chapter 35

53 2 0
                                    

Air & Music

***


"Don't let lies blind you from the truth."

Paulit-ulit na nagreplay 'yung sinabi nilang dalawa sa akin. Pagkawala nang liwanag ay siya namang balik sa ulirat ng lahat. Sinabihan kami ni Luke na magpahinga na, kaya nandito ako sa kwarto ko, nakahiga at napapaisip.

Bakit ako? Ano bang meron sa akin at hindi ako tinatantanan ng mga misteryo ko sa buhay?



"Karisya, Sonie?"

"Queen?" sabay pa nilang sabi.


"Sino ba talaga ako? Tsaka akala ko ba magpaparamdam ka Karisya pag may panganib? Pero 'di kita mahagilap nitong mga lumipas na panahon?"

"Hindi ka namin agad masasagot sa mga katanungan mo, sa ngayon gabay at proteksyon ang kailangan mo sa amin." napalunok ako sa sinabi ni Karisya.


"Meron bang hindi magandang mangyayari sa paglalakbay na ito?"




'Di nila ako sinagot sa halip ay napapikit ako at tsaka may mga imahe akong nakita.
Imahe namin kung saan ang saya ng lahat, maski ni Luke. Pero bigla ito napalitan ng mga 'di inaasahang pangyayari, lahat nalunod sa isang matinding vazz pwera sa dalawa...

Napadilat ako nang wala sa oras. "Sila ba ang mauuna??"








Agad naman akong napabangon at napalabas nang makarinig ako ng mga sigaw. Napahawak pa ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng mga sigaw, nagsilabasan din ang ilan. Napansin ko pa ang hawak na scroll ni Luke na bahagya pang lumiliwanag, "Luke anong nangyayari?"


Imbis na sagutin ay binuksan niya 'yung scroll at lumabas doon ang dalawang simbolo, "air and music. Kailangan na nilang maghanda."


Pagkasabi niya nun ay bigla na lang tumahimik, agad kaming pumasok sa kwarto nila Seo at Airo, agad akong tumuloy sa kwarto ni Seo. Kasama si Luke at may iba ring sumunod at ang iba ay pumunta kay Airo.


Pagkakita ko kay Seo, ay nakaluhod siya sa sahig, pawis na pawis at nakahawak sa pulsuhan niya. "Seo..." pagtawag ko rito, nanghihina siyang tumingin sa akin. "M-mex, ang s-sakit..." pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang natumba.


Agad ko naman siyang dinaluhan at tinapik-tapik. "Seo, gising Seo!"



"Mexine," may humawak sa balikat ko, tiningnan ko si Luke na nakatingin sa pulsuhan ni Seo. Napatingin din ako doon, "it's changing."






Inihiga namin si Seo sa kama, dala siguro ng pagod at sa sakit ay nakatulog ito. Lumabas na ako at dumiretso sa sala sa baba, nandun din ang ilan. Umupo ako at naramdaman kong niyakap ako ni Rie.


"Magiging maayos din si Seo, Mex." Tinuring ko na kasing kuya si Seo, kaya masakit sa aking nakikita siyang nasasaktan.

"Sana nga," at tsaka napabuntong hininga.


"Ano ba kasing nangyayari sa kanila?" frustrated na rinig ko kay Kaz.


"Sila ang unang sasabak sa misyon," napalingon kaming lahat kay Luke nang bumaba ito sa hagdan habang hawak 'yung scroll.


"As you can see here," at tsaka inilapag 'yung scroll sa lamesa sa gitna, nilapitan namin lahat 'to. Patuloy pa rin siya sa pag-ilaw, pero kapansin-pansin ang nakaukit sa baba nito.


Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon