Chapter 32

51 2 0
                                    

Queen's History II




...

Tinus POV




"Yan hulihin niyo yang mga yan!"

"Mga sinungaling!"

"Mga mangkukulam!"

"Ibigay niyo na lang kasi sa amin ang mga Vazz niyo nang walang away na magaganap!!"



Naiiyak ako sa mga naririnig ko, pero hindi ko ipapakita sa kanila na mahina ako. Binigyan nila kami ng kapangyarihan dahil naiiba kami sa kanila. Alam nilang impossibleng magkaroon kami ng mga Vazz na kagaya nito. Kaya sinabihan nila kami ng mangkukulam, na ang ibig sabihin ay mga kumukuha ng kapangyarihan. Kaya hangga't maari 'di ako iiyak. Kasama ko si ina, habang prinoprotektahan kami ni ama. Hinarap naman ako ni ina sa kanya.



"Tinus, anak, ito pagkatandaan niyo, na kahit anong mangyari gagawin naming lahat, naming mga magulang niyo ang lahat para sa pagprotekta sa inyo. Kaya oras na tumayo kami, tatakbo kayo sa 'gubat nang buhay'. Maliwanag? Susunod kami doon, ha. Ililigaw lang namin sila, hihintayin mo ko ah."



Nakita kong tumulo ang luha ni ina. Niyakap niya ako ng napakahigpit. "May tiwala ako sa inyo anak. Kakayanin mo ito, naniniwala ako sayo." Hinalikan niya ako sa noo ng matagal, at tsaka siya tumayo. Tinignan ko rin ang ibang ina ng mga kaibigan ko, nagsitayuan na sila.



"Ngayon na!" Bago ako tumakbo, ay tumingin ako sa mga taong bayan na may galit.



"Fiur bǣl." 


At nagkaroon ng guhit sa lupa na umuusok sa init. Tinignan ko naman ang iba, at nagsimula na kaming tumakbo.



"...naniniwala ako sayo." Tumulo na lamang ang luha ko. Nangako si Ina, alam kong tutupad siya.



"Tumatakas sila! Habulin bilis!" Mas binilisan namin ang takbo. Napansin ko namang may ibinulong is Euraika, at bahagyang dumilim ang parte kung saan kami dumaan.



"Pumasok tayo sa gubat," sabi ko sa kanila, na siya naman nilang sinunod. Pagdating sa gitna ng gubat ay napagdesisyonan namin na magpahinga na muna, dahil hindi na nila kami masusundan.



"Bakit ganun sila? Paano sila ama, si ina? Kuya Oni balikan natin sila," naiiyak na sambit ni Hesleth. Ang bata pa niya para maranasan 'to lahat.

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon