Chapter 10

72 5 0
                                    

Confused




...

Light's POV




"...Class dismissed." Nagmadali naman kaming lumabas para puntahan si Max.


"Guyss faster," tas nagpauna na ako, alam kong nakasunod na si Seo at ung dalawa. Bale may hawak akong mapa ngayon, baka kasi maligaw kami. Ilang sandali lang ay nakita namin ang clinic, kumatok ako sa pinto.


"Come in," kaya dali-dali kaming pumasok.


"Uhmm, where's Mexine Azymize. Ung sinugod po dito dahil sa allergy sa mushrooms?" Napatango-tango naman ang doctor at sinabing nasa may dulong kama raw.


Bale lahat ng kama kasi dito ay may mga curtina, at may nakapagsabi sa akin na each bed ay may barrier. Kaya agad namin pinuntahan ang bed ni Max. Nang hawiin namin ang kurtina ay nandoon ang mga royalties pwera sa isa.


"Ohh guys. Tapos na pala ang klase niyo?" Tumango kami, nilapitan naman nila ang natutulog pa ring si Max. Napaupo naman ako sa malapit na sofa. Malaking room, kahit mga kurtina lang ung mga nakaharang—magic.


"Di pa ba siya nagigising?" Nagaalalang tanong ni Rie.


"Hindi pa. Tinanong din namin si Doc siguro maya-maya ay gising na siya." Tumango ako sa sinabi ni Iysia.


"Kanina pa ba kayo dito?" Narinig kong tanong ni Seo.


"Oo, kanina pa. Naabutan nga namin si Luke na nakatulog—"


"Nakatulog? Impossible? Bakit naman niya gagawin yun?" pagputol ko sa sinabi ni Airo, oo, nagseselos ako.


"Uhmm, 'yun din ung tanong ko kanina. Pero siguro binantayan hanggang nakatulog." Tsk. Tama naman ang sinabi ni Sirenna. Pero anong rason?


"Siguro na guilty siya," sabay na sabi nila Kaz at Nathan. Nagkatinginan naman sila at nagbrofist. Kahit kailan talaga 'tong si Kaz, boyish at makulit napailing na lang ako.

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon