Chapter 16

66 4 0
                                    

Weapon Class


...

Mex's POV



Nagising ako at kumain ng agahan na hindi namin nakikita si Luke. Pagkatapos nun ay kinausap ako nang masinsinan ni Sirenna sa nangyari kagabi.

Hindi ko alam na ang nangyari sa presensya ko ay nangyayari rin sa katawan ko. Kaya hangga't maari ay kailangan ko nang matinding pag concentration. Hindi na namin yun pinaalam sa iba at pumasok na kami.

Nasa room na kami at hinihintay na ang magiging Guru namin ngayon, "Guys nasaan kaya si kuyang Luke natin noh?" Napatingin ako kay Kaz.


"Aba ewan namin kita mong magkakasama tayo eh." Psh yan nanaman ang kapilosopohan ni Driem.


"Hays, ang ibig kong sabihin ay saan siya pwedeng pumunta. Tsaka ang aga niyang nawala," nakangusong sabi ni Kaz.


"Teka nga Kaz matanong kita ikaw ba may gusto kay Luke?" Pagsingit ni Seo.


"Halaa wala akong sinabi ahhh." Bigla siyang umiwas ng tingin.


"Confirmed!!" sabay na sabi namin ni Light. Natawa na lang kami.


"Paano na si Nathan nyan?" Nagulat kami ng mamula ito.


"Hala Kaz! Two timer ka!" natawa kami sa sinabi ni Driem.


"Shut up. Andyan na ung guru natin." Gaya nga nang sinabi ni Kaz ay dumating na ang isa naming lalaking Guru.


"Good morning everyone, I know I'm your new Guru within this rank level. So I will introduce myself to all of you I'm Master Walter I'm a guru from Higher Class and been transferred here for everyone's sake."


"Viena Guru"


Tumikhim muna siya bago magsalita, "I want all of you to proceed in the training field and change your uniform into your training clothes. See you in the field for the next 15 mins."


After nun ay lumabas na siya or should I say naglaho si Master at naging anino. Amazing!!

Kaya naman dagli-dagli kaming nagpuntahan sa cubicle at nagbihis. Halos nagmadali na ang lahat dahil umanong strikto ang Gurung iyon. Kaya kahit kami nila Driem at Kaz ay binilisan nang kumilos.


"Kinakabahan ako, sana 'di naman ganun ka-strict si Master Walter?" kinakabahang tanong ni Kaz, palabas na kami ng cubicle at patakbong pinuntahan ang training field, kasabay din namin ang iba na nagmamadali.


"Siguro sobrang strict nun, look ung mga classmate natin nagmamadali sila. I think bilisan na natin." Kaya patakbo na naming pinuntahan ang training field at halos magsiksikan na ang iba para lang makapasok.

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon