Chapter 19

72 3 0
                                    

Ceremony

...


Laurence POV


Tiningnan ko si Phoebe mata sa mata. At bahagya siyang yumuko, napangiti na lamang ako.

Nakakatuwa at nabuhay na muli ang Dream Kingdom. At nakakatuwang isipin na maari nang makilala ni Driem ang mga magulang niya.

Kaya gumawa si Phoebe ng isang portal papuntang Dream Kingdom, at pagapak na pagapak pa lamang ni Driem sa lupain nila ay nanumbalik ang dati nitong liwanag.

Ang dating itim at patay na kapaligiran, ito'y unti-unting nabubuhay. Ang lupa ay naging light violet, ang mga puno ay muling kumikinang. May mga nagsisiliparan na moon fairies at pinalibutan si Driem. Kitang kita ang tuwa sa mga mata ng fairies na nagbalik na ang kanilang Prinsesa.

Tuwang-tuwa ring naglakad papuntang kastilyo si Driem na sinundan namin. Nabuhay na rin ang mga Mivanians, tiningnan nila kami nang may pagsasalamat. Ang mga Mivanians ay parang elf pero in normal size. May mahabang tenga at maliliit na boses.

Pati sa pananamit ay magkapapareho sila. Sa mga lalaki na pangibaba, sa taas ay may damit at vest. Sa mga babae naman ay naka dress at may panyo sa mga ulo. Meron din akong nakikitang mga batang ginagamit na muli ang kanilang kakayahan, tulad na lamang ang pagkontrol sa moonlight at starlight. Meron ding nakakapagforetell pero ang tawag nila dito ay Augur kakayahang makita ang mangyayari sa future, subalit ilang araw lamang ang kaya nilang makita.

Ang mga star fairies naman ang nagpapaganda sa lugar lalo na pag gabi. Pag nasisinagan sila ng sinag ng bituin ay mas nagiging makapangyarihan sila.

Tiningnan ko ang mga Royalties at ang Founds tuwang tuwa sila. Nakita ko si Phoebe na masayang lumilipad kasama ang mga kauri niyang mga Owl. Nang makaapak kami sa kastilyo ay bumungad sa akin ang Hari At Reyna ng Dream Land.


"Kamusta Reyna Vishnia at Haring Drew."


Bahagya nila akong tinanguan at tiningnan nila ang kanilang anak na si Driem.


Dagli namang yumakap si Vishnia kay Driem. "Anak ko, nakabalik ka na."


"M-mama?" naluluhang sabi ni Driem at niyakap naman ang ama niya.


Hayssss, napatingin ako sa wrist ko at nakita ang oras na nakalagay doon.


5 months


Mahaba pa. Kailangan namin mahanap ang lahat.

Kailangan malaman ni HM ang tunay kong pagkatao, kakailanganin ko ang tulong ni ate.




~~~

Pinatuloy kami nina Vishnia at Dreew sa kanilang palasyo. Magstay kami dito hanggang bukas ng madaling araw, kailangan daw gawin ang seremonyas ng pagkilala ni Driem sa Dream Land.


Kaya habang nagiikot sila sa buong palasyo ay hinanap ko si Lorraine, na nasa veranda.

"HM Lorraine, may gusto sana akong sabihin." Lumingon siya at bahagyang umuko, lumingon ako at nakita ko sina Vishnia at Dreew.

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon