Chapter 15

74 4 0
                                    

Past

...



Sirenna's POV



Huminga na muna ako nang maluwag.

"It all started while we are training. First step is ung connection right? Something strange happen." Tiningnan ko siya na pinagliitan niya ako ng mata.


Lumunok muna ako, "nagkaroon siya ng mga itim na ugat. Naging itim ang mga labi. Tapos naging pula ang mga mata. Tapos naglabas siya ng dark at shadow vazz. Para siyang—"


"Dzarkians," walang emosyong saad niya.


"Oo pero isa pa rin siyang Azymize, Luke." Nakita kong naikuyom niya ang mga kamay niya sa ibabaw ng lamesa.


"Isang Azymize o isang pekeng Azymize?" Sarcastic yun lang ang masasabi ko sa sinabi niya.


"Luke wala tayong alam sa tunay na pagkatao ni Mexine. Pwedeng-"


"Pwedeng ano Sirenna, huh? Pwedeng hindi siya isang Dzarkians? Nakita mo na ung nangyari 'di ba? May nangyari at isang royal dzarkians ang pwedeng magpakita ng ganung itsura."


"Luke calm down, we don't know her -"


"Yes you're right! We. Don't. Know. Her. What if tama ang kutob ko huh Sirenna?! Kasi kung tama ang kutob ko papatayin ko siya, sa mga kamay ko mismo." Nanggigil siyang tumayo, pero nagawa ko siyang pigilan agad.


"Luke hindi nga tayo sigurado 'di ba? Paano kung namana niya ung Vazz niya somewhere or may nagpasa nito. We don't know the background yet! 'Wag kang padalos-dalos!" napasigaw na ako. Hindi maaring mamatay ang isang Found.


"Pag gumawa siya nang masama papatayin ko siya. Sinasabi ko Sirenna, papatayin ko sila sa mga kamay ko." Tapos ay padabog niyang tinanggal ang mga kamay ko at tsaka tuluyan nang umalis.


Kaya umakyat na agad ako sa kwarto ko.

Luke 'wag ka agad mag papasya baka magsisi ka sa huli.

Matutulog na ulit ako.



Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon