Chapter 13

69 6 0
                                    

Release

***




Pagdilat ko ng mga mata ko, sobrang ilaw ang nakikita ko. Bahagya ko pang kinusot-kusot ang mga mata ko.



dO___Ob


Na-nasa Lab Room na ako-kami.

Nagulat naman ang iba at napatingin sa amin. Nakita ko pang lumapit si Madam at si Driem pati si Kaz.

" Ayos lang ba kayo?"


"Ano ang nangyare?" Di ko sila masagot dahil ako mismo 'di ko rin alam. Okay lang ba ako? Kami? At anong nangyari?


Tiningnan ko sila Seo at Light. Nagtataka rin sila. "Nako Mexine, anong nangyari? Nagteleport kayo?"


Te-teleport? Sino namang may gawa? Napatingin ako kay Madam.

"H-hindi ko rin po alam Madam. Pero ayos naman po kami," tumango naman ung dalawa.Kaya tumayo na sila, ng tumayo ako di ko na maramdaman ung sakit ng paa ko. WTH?!


"Max masakit pa ba ung paa mo?" Tumingin ako kay Light na nakaalalay sa bandang likod ko, umiling ako para ipahiwatig na hindi na.


"Kaya niyo bang ipagpatuloy ang task?" biglang sabi ni Madam.


"Opo naman po," sabay na sabi naming tatlo.


Ngumiti naman ito, "okay students last 40 mins."


Kaya naupo na kami sa lamesa namin, at bumalik na ung iba sa ginagawa nila at tsaka inilabas na namin ang lahat ng mga ingredients.
Kumuha naman ng tadtaran si Seo at ginawang powder ang Chili. Si Light naman ay hinugasan ang bulaklak ng magical water at inihiwa at pinipiraso. Si Driem naman ay pinakuluan ang tubig mula sa black stones habang inilalagay naman ni Kaz ang buhok ng cobra.

Ako? Ito, nakatunganga. Wag daw muna akong makisali dahil ako naman daw nagplano, kesyo ganito kesyo ganyan. Hays.

Kaya ito ako, isang magiting na watcher lang.

Habang hinahalo ni Driem at Kaz ang ginagawa nila umuusok na ito ng gray. Sinunod naman nila ang chili, maya maya ay umusok ito ng pula. Hinalo halo nila ito hanggang ung tubig naging dark red. Maya maya ay hinalo na nila ung petals ng black flower, ang kaninang kulay puti na petals ay naging dark na ang kulay. Nang ihulog nila ito ayy nagkaroon ng itim na usok.

"Light hiwain mo ung stem ng bulaklak, tapos ung katas ay ipatulo mo dito." Nagtaka kami, bakit pa kailangan ng katas, wala naman yun sa ingredients.


"Bakit? Wala yun sa ingredients." Kaya napatingin kami kay Driem na napabuntong hininga.


"Di'ba nasa stem na yan ang lason, kaya ibig sabihin konti lang ang lason na nasa petals. Pag pinatulo mo ang katas dito. Mas matinding lason ang kakalabasan. Nabasa ko rin yan sa procedure, na nasa restricted area."

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon