Chapter 25

60 3 0
                                    

Visions


...

Mex's POV


Dalawang araw na ang nakakaraan pagkatapos kong makuha ung sulat na 'yun. Hindi na rin ako nilubayan ng pusang 'yun, wala rin akong pinagsabihan sa nangyari. At ngayon nga ay gaganapin na ang Ranking, at sa loob din ng dalawang araw na yun ay tinuruan nila si Cazzy sa paggamit ng Vazz niya at ang pagkontrol dito.

Medyo nasanay na siya, kaya naman natuwa kami. Hindi sa pagiging plastic pero fast learner siya. Nandidito kami sa room(beginners), nandidito rin sila Cazzy at ung kambal.

Sabi Madam Cristine ay sa Arena gagawin ang Ranking, starting from the lowest to the royal level. Gusto daw nilang makita kung talaga bang tumaas ba ung rank ng mga royalties. Ang mga beginners, intermediate at higher ay pwedeng magbago. Let say, ung beginners pwedeng umangat sa 3 or pag walang achievements ay ilalagay sa temporary or pwede rin silang magstay sa level nila. Then ung intermediate at higher naman it's either na tataas or baba sila pwede ring mag stay. Except the royal, kung nasa royal ka na 'di ka na baba, tataaas yes. Currently na malakas daw sa mga royal ay si sungit. Well totoo naman.

Merong 10 layers ang barriers for that match. Galing pa raw yun sa dugo ng mga legendary animals kaya sobrang tibay. Bibihira lang daw kung makakaabot ka ng 7 layers, dahil si Luke pa lang ang nakakaabot doon.

"...lets 's proceed to the arena." Tapos ay ikinumpas ni Madam ang wand niya at nagteleport kaming lahat sa arena, nakaupo sa assigned seats namin, alphabetical order.

At halos nandidito na ang lahat ng estudyante. Napatingin ako sa likod at nakita ko ang mga nasa royal level. Kumaway sila Reena at Sha, kaya kumaway rin ako pabalik.


"... Nakakaexcite naman sana mag level up ako."

"Kinakabahan ako, manonood ang mga royalties kyahhhh!!"

"Sana mapansin man lang nila ako mamaya."

"Naeexcite ako dahil makikita ko silang gumamit ng Vazz."

"Ako din!!"


Napatahimik naman ang lahat ng umakyat sa stage si HM.


"Good day everyone! Today, I know na alam niyo na gagawin natin ang Ranking....."


'Di ko na pinakinggan si HM, kainis bakit ako kinakabahan.

"Mex chill lang. I'm here to help."

"No Max, kailangan ko ipakita na kaya ko. Ayaw ko naman na laging umasa sa inyo ni Karisya. Oo nga pala, hindi ata nagpaparamdam si Karisya ah?"

"Wag kang magalala Mex. Tulog lang yan si Karisya, matakot ka kapag nagising siya meaning lang 'nun may nasasagap siyang panganib na dadarating."

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Max. "Dapat ko pa pala ipasalamat na 'di ako kinakausap ni Karisya. Hayst."

"Mex ung paalala ko sayo ah. Magiingat ka, goodluck."

'Di ko maintindihan kung bakit panay ang paalala nila sa akin, nagkibit balikat na lang ako.

"Let's welcome, the newbie, one the Found Miss Mexine Azymize." Nabalik na lang ako sa ulirat nang marinig ko ang pangalan ko, ibg sabihin ako na, halaaa. Ang tagal ko na bang tulala.

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon