Chapter 7

78 6 0
                                    

Connection



...

Third Person's POV



May halong tuwa, pagkamangha, inggit at insecurities ang mga estudyante na naka saksi sa Vazz inilabas ng tatlong transferees na pawang pala ang mga Prinsesa at Prinsepe ng tulog na kaharian.

Hindi pa rin makapaniwala ang tatlo sa mga kaganapang maaring magpababago sa kanilang buhay. Si Seo na may Dark Blue, si Light na may Gold, habang si Kayziane naman na may Light Green ang mga mata at buhok.

Hindi maialis ng Headmistress Lorraine ang kanyang mga ngiti dahil maaring maging senyales ito ng tagumpay laban sa mga Dzarkians.

''Sana makumpleto kayo agad.'' Yan ang nasa isip ngayon ni HM Lorraine habang nakatingin sa listahan niya. Kaya pinagpatuloy niya ang pagtawag sa susunod na estudyante.



"Let's give welcome to other transferee Ms. Driem Vina Furane." Lumabas naman si Driem, na may kaba sa kanyang dibdib. Tiningnan siya ng mga kaibigan at nagpapahiwatig kay Driem na kaya at malalagpasan niya ito.

Nanahimik naman ang madla, pumikit na si Driem ay isang tilang panghabang buhay na kadiliman lang ito. Naglakad siya nang naglakad sa hindi niya alam.

Sumigaw ito na hindi alam na lengguwahe,



"Propesiya latindi fuena Furane."


(AN:// gawa-gawa ko lang po iyan heheeh)



Maya maya ay nakaaninag ito ng isang liwanag, habang palapit nang palapit ay nakita niyang isa itong libro. Nang mahawakan niya ito ay nakuryente siya, pero ang nagpagulantang pa lalo sa kanya nang sabay silang nagliwanag ng libro.

Mula sa labas ay lumulutang na si Driem, ang dating buhok nito na hanggang bewang ay umiksi na hanggang sa balikat. At kung dati ito ay may pag ka brownish ay naging mas tumingkad ang pagkaitim nito.

Habang lumulutang ay umiilaw ito, hanggang napapikit na ang nakakarami dahil halos sakupin na ng liwanag ang buong hall.

Nang medyo humina ang ilaw ay nagulat ang lahat. Dahil may hawak na itong libro at may nakapalibot sa kanyang mga pahina nito, iniikutan siya. Tulad ng sa mga kaibigan niya ay may lumabas na tattoo sa kanyang wrist. Isa itong libro, at pagkadilat nito ay ang pagkagulat muli ng lahat. Ang dati nitong light brown na mga mata ay nagbago. Sa kanan ay naging sobrang itim na at sa kaliwa naman ay violet na natatabunan na ng pagkaputi.



(AN:// Gets po ba? Kung hindi okey, charrr. Ung sa itim di naman literal na itim kita pa naman ng bilog, parang naging ordinary na eyes shades(shade ng mata hnd ung gingamit na sunglasses) tas sa kabila naman ay ung light purple pero mas light pa at para na syang puti ganun.)

Anonymous PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon