Chapter One

165 10 2
                                    



I am Na Jaemin, 18 years old. Nag-aaral sa Seoul Academy. Isang prestigious school sa South Korea na mga anak lamang ng kilalang mga tao at mayayaman ang nakakapasok kaya nga minsan nabubully ako dahil nga hindi daw ako nababagay dito dahil isa lamang akong hamak na mahirap na nakapasok sa paaralang ito dahil sa Scholarship na naibigay sa akin. Pero meron akong sekreto na kokonti lamang ang nakakaalam nito at isa na dun si Renjun na kaibigan ko.

Araw-araw akong nabubully dahil na nga sa social status ko at kinaiinggitan ng mga kababaihan dahil nga sa angkin ko na ganda na mas mapagkakamalan pa na babae kaysa sa tunay na babae.

Meron akong mapupungay na mga mata, mapupulang labi, katamtamang hugis ng ilong, maliit na mukha, balingkinitang katawan at mala yelong kutis. Ilang beses na akong nababastos nangdahil lamang sa itsura ko. At doon ko nakilala si Lee Jeno...

Ang taong nagpabago sa buhay ko...

Naaalala ko na naman kung paano kami unang nagkita, noong ipinagtanggol niya ako sa mga nambullys sa akin noong nasa grade school pa lamang ako at mula noon naging mag bestfriend kami kahit na ang alam niya ay mahirap ako, hindi naging hadlang yun para maging magkaibigan kami kahit na galling siya sa mayaman at kilalang pamilya tinanggap niya pa rin ako pati na rin ng nakatatanda niyang kapatid na si Taeyong-hyung.

"Jaemin are you okay?"

Bumalik ako sa sarili ko nang marinig kong magsalita si Renjun sa tabi ko, di ko man lang namamalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"S-sorry ano nga uli yung tinatanong mo junnie?"

Narinig ko siyang napabuntong-hininga

"I'm asking you kung okay ka lang ba? Jaemin kung di mo na kaya, ihahatid kita s—"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Renjun dahil alam ko na din naman ang sasabihin niya. Pauuwiin niya ako para mas hindi ako masaktan  sa masasaksihan ko ngayon.

"Junnie, I'm okay kaya ko to"

"sure ka ?"

Binigyan ko siya ng ngiti kahit na para nang binibiyak ang puso ko sa sobrang kaba.

"Good Evening guys!"

Nasa stage ngayon ang taong mahal ko, ang childhood bestfriend ko at ang ama ng dinadala ko kasama ang babaeng minamahal niya. Oo.. buntis ako, nagbunga ang isang gabing nalasing si Jeno dahil nag away sila ni Yeri, ang girlfriend niya. Dumating siya sa Dorm ko at bigla nalang akong hinalikan ng mapusok, pinipilit na ma angkin ako. Akala ko mahal na niya ako, akala ko yun na ang pag-asa ko yun pala puro lang AKALA dahil hindi pala ako ang nasa isip niya kundi ang girlfriend niya na si Yeri.kahit na alam kong lasing si Jeno, hinayaan ko ang sarili ko, hinayaan ko ang sarili ko na magpaanod sa nararamdaman ko ngayon at sa kagustuhan kong maramdaman ang pagmamahal ni Jeno.

Pero ang di ko naman akalain na sa pagdating ng umaga nagising nalang ako na wala na si Jeno sa tabi ko at may nakalagay na 10,000 pesos sa side table ko.

Napahagulhol ako sa sobrang kalungkutan. Ano bang akala ni Jeno binigay ko lang ang sarili ko sakanya para lang sa bayad? Para sa pera? Pero dahil nga sa mahal ko siya pinatawad ko siya kahit hindi naman siya humihingi ng tawad saakin.

Dumaan ang mga araw, iniiwasan na ako ni Jeno. Patuloy pa rin ang pambubully sa akin ng mga kamag-aral ko pero di ko nalang pinapansin.

Lumipas ang isang buwan, bigla nalang akong nakaramdam ng pagsusuka, nahihilo at bigla-biglang pagbabago ng mood ko.

Isang araw, habang papasok ako sa klase ko bigla sa klase ko, bigla nalang ako nahilo at nawalan ng balance. Hinintay ko na mahulog ako sa sahig at maramdaman ang impact ng pagkakabagsak ko pero wala akong naramdaman. Nang idilat ko ang mga mata ko si Jeno ang nakasalo saakin pero nang Makita nya na nakatingin ako sa kanya bigla niya nalang ako binitawan buti nalang at may ibang nakasalo sa akin.

" okay ka lang?"

Hindi ko na sana papansinin ang nakasalo sa akin pero pamilyar saakin ang boses niya kaya nang tingalain ko siya si Renjun pala. Ang childhood bestfriend ko mula noong kindergarten.

"Jae—"

Bago paman siyamakapagsalita bigla na naman umikot ang paligid ko at tuluyan na akong hinimatay. Nagising ako sa hospital at binalita sa akin ng doctor na Buntis ako. Mahirap man paniwalaan pero pinaliwanag saakin ng doctor ang kondisyon ko.

"I would like to share this happiness to everyone because finally... we are already official... Engage na kami ni Yeri"

Bumalik ako sa present nang marinig ko ang sinabi niya..

Nagsiunahan sa pagpatak ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga bisita. Napadako ang mga mata niya sa pwesto ko at nagkatinginan kami. Binigyan ko siya ng isang ngiti. Ngiting nagpapakita sa kanya na masaya ako para sa kanya pero di pa rin tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Renjun..."

Tiningnan ako ni Renjun ng may pag-aalala.

"alis na tayo Renjun."

Dali-dali niya akong tinulungang makatayo. Dahil na rin nga sa sensitive ang kalagayan ko ngayon akay-akay ako ni Renjun nng papunta ako sa labas.

Bago tuluyang makalabas binigyan ko ng huling tingin si Jeno na kasalukuyang nakatingin sa akin. Binigyan ko ulit siya ng ngiti kasabay ng pagbigkas ko ng salitang PAALAM MAHAL KO.

Bago pa magbago ang desisyon ko, dali-dali akong sumakay sa kotse habang si Renjun ay nasa loob na ng backseat.

"Manong deritso tayo sa Airport"

Nakamasid lamang sa akin si Renjun habang binabaybay naming ang daan papunta sa Airport.

"sigurado ka ba sa gagawin mo Jae? Hindi mo ba talaga sasabihin kay Jeno ang kalagayan mo? Paano kong panin—"

"Renjun... ayoko na guluhin ang buhay niya. Gusto ko siyang maging masaya."

"kahit na ikaw ngayon ang nasasaktan?"

Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti.

"kahit na ako ang masaktan, kakayanin ko para sa sarili ko at para sa magiging anak ko."

Daddy JenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon